Chapter 1

1.5K 114 29
                                    

Chapter 1

"But the attitude of faith is to let go, and become open to the truth, whatever it may turn out to be

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"But the attitude of faith is to let go, and become open to the truth, whatever it may turn out to be."

-Alan Watts






St. Luke's Medical Center
Luke Boaz C. Verced, Md
Allergist, Obstetrician Gynecologist, Pediatrecian
6th Floor Head
Board of Directors

"Ang gwapo talaga ni Dr. Luke!" Napapatili pang sabi ng katabi niyang babae na kakwentuhan ang kaniyang kasama. Napatingin na lang siya sa papel na ibinigay sa kaniya sabay iling-iling ng ulo niya. Ngayon ay nasa labas siya ng clinic at malapit na siyang pumasok dahil number eighty-nine na. Kailangan niyang bumalik maya-maya sa school dahil papasok siya sa library para sa extra income. Nakapagpa-schedule na siya noon pang isang araw kaya dire-deretso na lang siya. Tumingin si Renaissance sa paligid niya, may mga bata, buntis at kadalagahan. Kung iisipin ay napakalaki ng sakop sa medesina ng kaniyang magiging doktor para sa kaniyang allergy treatment. Gusto na niya itong mawala para hindi na siya mahirapan pumili ng pagkain at para hindi maya't maya ay dapat may dala siyang gamot.

Pinakinggan niya ang mga babaeng nagkukuwentuhan sa tabi niya, kanina pa nila pinag-uusapan kung gaano kagwapo ang Dr. Luke na iyon, bagay na titingnan niya kung totoo nga. Masyadong obvious ang magkaibigang katabi niya dahil napapatingin pa ang sekretarya ng doktor sa pag-uusap nila.

Napapitlag siya ng may madinig na may nabagsak, nabagsak pala 'yung bote nung baby na katabi niya. Agad niya naman itong pinulot at inabot sa nanay ng bata at tinulungan itong magtimpla ng gatas dahil hirap na hirap itong mag-asikaso. Nginitian niya ito nang magpasalamat ito sa kaniya habang ang baby naman ay himbing na himbing sa pagtulog.

Natapos ang kaniyang paghihintay at fl-in-ash na ang numerong 100 at binigay niya sa sekretarya ang papel na hawak niya kanina. Bago pumasok sa loob ng klinika ay inayos niya muna ang nakakalas na pin ng space buns niya at huminga ng malalim. Natatakot siya minsan sa mga doktor dahil may pagkamasungit ang iba. Sana naman ay hindi ganoon itong si Dr. Verced.

Marahan niyang binuksan ang pintuan at nakita niyang wala ang doktor, nasa loob ito ng lying in dahil narinig niya ang boses nito na kausap ang nurse sa loob. Hindi pa siya umuupo at hinintay pa na makalabas ang doktor. Nang makalabas na ito ay nanlaki ang mga mata ni Renaissance.

So totoo ang chismis ng dalawang katabi ko kanina! Super duper gwapo naman pala ni Dr. Verced!

Nginitian siya nito at tinuro ang upuan para makaupo na siya. Ang tangkad niya, broad shoulder, matangos na ilong at bagay sa kaniya ang style ng buhok niya. Parang hindi siya totoo at mukhang drawing ng isang magaling na pintor. "Good afternoon, doc." Mahinang bati niya sabay bow nang marahan. He only replied with a smile. Nasa kamay naman ng doktor ang iba't ibang gamot at inilapag sa table nito. Umupo na si Dr. Verced at kinuha ang files niya na nasa table. "Ms. Renaissance Perez." Tawag nito sa kaniya. Ngumiti din siya dito at tumango. Masyadong manly 'yung boses niya plus 'yung pabango niya humahalimuyak sa buong clinic! "Background when your allergy started."

ALLRGSTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon