Makalipas ang tatlong linggo ng pag-alis ni Vanessa naging tahimik ang mga tao. Nakakasalubong niya si Dr. James na sinusuklian siya ng tango sa bating ibinibigay niya. Samantalang si Dra. Bea ay panay pa rin ang pagsasabi sa kanya na siguro ay para silang dalawa talaga at sa una pa lang ay feel na raw nito na hindi maibabalik ang dating relasyon nila Luke at Vanessa.
Naalala niya naman ang sinabi sa kanya ni Amanda, ang nanay ni Luke nang ayain siya nitong sumabay sa kanilang pamilya na kumain. Naikuwento nito ang pag-alis at pagputol ni Vanessa ugnayan nila ni Luke. Inaasar pa siya nito kay Luke, at sinabing bakit hindi siya mag-apply bilang nobya ng doktor. Nahihiyang tawa lang ang sinagot niya. Isa pa, hindi nga alam ng mga tao kung may gusto sa kanya si Luke at kaka-basted lang sa kanya. Alam niyang hindi lang isang iglap mangyayari ang lahat.
Nagkatulalang naglalakad siya patungong klinika. Kasabay ng buntong hininga ay umupo siya katabi ng isang babae. Napansin niyang may kasama itong bata at mukhang ilang buwan pa lang, "Hello baby..." kaway niya rito. Ngumiti ang bata, labas ang gilagid. Nginitian niya ulit ito at pauulit-ulit na binati. "Mukhang nagustuhan ka ng baby ko." Sabi ng nanay sa kanya.
Nginitian niya ang babae, "Siguro ramdam niya na mahilig ako sa bata." Sagot niya rito. "Ay miss. Pwedeng pahawakan muna si baby? Magpupunta lang ako sa C.R babalik din ako agad."
"O sige." Binigay sa kanya ang bata at maingat niyang ikinandong. Tahimik lang ito at hindi umiiyak habang nasa kanya. Buti na lang hindi sumpungin! Gustong-gusto niya pa naman sa mga batang hindi umiiyak kapag kinarga niya. Pero kadalasan naman ng mga bata na nakakasalamuha niya ay gusto siya.
Maraming minuto na ang lumipas ay wala pa rin ang nanay ng bata. Baka may LBM? "Baby may LBM ba mommy mo ha?" Tanong niya sa bata. Tumawa ito na nagpatawa rin sa kanya. Mukhang masayahin ang bata paglaki! "Bakit wala pa mommy mo? Alam ko... malapit lang 'yung C.R dito." Nagtatakang sabi niya sa sarili. Naghintay siya ng ilang minuto pa hanggang maging turn niya na. Wala pa ang nanay ng bata hanggang ngayon.
Napagdesisyunan niyang pumasok sa loob kasama ang bata at binitbit niya ang bag nito. Napataas ang kilay ni Luke nang makita siyang pumasok na may dalang bata, "Renaissance, why do you have a child with you?" Tanong nito. Pumunta ito sa kanya at kinuha ang bag na dala niya. "Diba ang cute niya?" Sabi niya sa doktor na may malaking ngiti.
Luke stared at her for a while, "Saan mo nakuha ang baby na 'yan?" Nagtatakang tanong nito.
"Yung mommy niya kasi di pa lumalabas ng CR. E turn niya na. Kaya pinasok ko na siya dito. Kasunod naman kasi ako ng mommy niya."
"And who's the mom?" Napatungo ang dalaga. Di niya alam ang pangalan ng nanay, ni hindi niya rin alam ang pangalan ng bata.
"Di ko alam." Luke sighed and motioned her to take a seat. Nagi-giggle pa ang bata habang nilalaro-laro niya ito. Lumabas sandali si Luke at ilang sandali ay pumasok kasama ang sekretarya nito na may dala-dalang files. "Do you think it's another case?"
Napahinto si Renaissance. Case?
Anong kaso? "Teka doc, anong case?"
"We looked for the mother's form since bago pa lang siya."
"Tapos?"
"May ganitong case dati. Iniiba nila ang pangalan nila sa form at ng bata. Then they will ask the person next to them to hold the child for a while to go to restroom... then they won't come back, leaving the child behind." Nanlaki ang mata ni Renaissance.
"What?!" Mabilis niyang tinakpan ang bibig at lumapit nang kaunti, "What?" Tanong niya muli, "Ibig sabihin sinadyang iwan si baby dito?"
"Yes and no." Napakamot siya ng ulo, "What I mean is baka nasa C.R pa talaga ang mommy niya or went outiside to buy something or she really intended to leave the baby." Napatingin nang malungkot si Renaissance sa bata. "Baby, sana naman bumalik mommy mo. Di mo deserve na iwan, masayahin ka kaya." Ngumiti ang bata sa kanya.
BINABASA MO ANG
ALLRGSTS
SpiritualSi Renaissance na yata ang depinisyon ng girl-next-door at Jesus freak na babae. Bukod sa talino taglay din niya ang wisdom mula sa Panginoon. Tahimik at masaya ang buhay niya not until she met Luke Verced. The handsome allergist and her allergis...