Chapter 9

442 24 1
                                    

Chapter 9

  Nagising nang maaga si Renaissance, s-in-et niya kasi ng maaga ang alarm niya para makapag devotion at prayer. Pagkatapos nito ay pupunta na siya sa kusina para magluto ng umagahan. Five-thirty na, nakita niya naman si Luke na nakahiga sa sofa nila Lexy. Kagabi kasi ay pinalipat sila nito sa kuwarto ni Lexy dahil hindi raw tamang magkalapit sila sa isa't isa ng tulugan at uncomfortable para sa kanila ni Lexy. He's being careful. Kaya doon sila natulog, bagay na ikinatuwa niya dahil ang sarap higaan ng kama ni Lexy talagang mapapasarap ka ng tulog.


   Nasa  kusina na siya at sinimulan niya ng magprito ng itlog, nag-fry din siya ng isda at ngayon ay magsasangang na siya. "You woke up early." She heard Luke said at her back. Nginitian niya ito, "Good morning, doc." Mahinang sambit niya. "Good morning to you too, Renaissance."  Tiningnan siya nito habang nagso-sauté siya ng bawang. "Let me help you." Tinaas niya ang kilay niya, he half-smiled at her, "...to give some upgrade on your fried rice."

  "Anong lulutuin mo?" Tanong niya.

"Chicken Fried Rice." Nagliwanag ang mata ni Renaissance. Tiningnan niya ito habang naghihiwa ng bawang at sibuyas. Pagkatapos ay stalk ng onions at hiniwa nito ang manok sa maliliit na parte. Nasa gilid na lang siya dahil si Luke na ang gumawa. Mas mabilis kasi ito na magluto at maghiwa kumpara sa kaniya. Pero kalerks! Ang gwapo niyang magluto. Baliktad na kasi ngayon, a way to a girls heart is through her stomach hindi na sa guys. Kasi naman suot pa rin nito 'yung suot niya kagabi. Di niya tuloy lubos maisip kung paano matulog sa masikip na slacks at fitted na long-sleeve shirt, tapos na ka roll pa 'yung sleeves. Kahit siguro mag-amoy higaan siya mabango pa rin. Nang matapos na ito parang hindi lang simpleng Chicken Fried Rice ang ginawa nito. Ito siguro 'yung nakapagpa-catch sa puso ni Ms. Vanessa. Medyo napatunganga pa siya at si Luke na ang naghain ng pagkain sa lamesa. Luke look at her in the eyes, "What's the problem?"

Natauhan si Renaissance sa pagkakatulala niya, "A-ah... wala. Dadalhan ko lang si Grace ng pagkain."

"Alright. She need to take her medicine. I'll check her after." At pinat ulit ang buhok niya. Kumuha na siya ng pagkain para kay Grace at ginising ito. Kanina pa pala ito gising dahil ayun daw ang oras ng body clock niya at hindi na siya makabalik sa tulog. Medyo maayos na ang pakiramdam nito at tinulungan niya itong kumain. Kinuha niya ang gamot nito at binilinan na inumin pagkatapos kumain.


  Pumunta naman siya sa kuwarto ni Lexy. Nakabalot pa rin ito ng kumot, tinapik-tapik niya ito para magising, "Baby wake up... you need to eat food na." Sabi niya. "Do you want to eat na?"

   "C-can I eat... mamaya?" Garalgal na boses nito habang nakapikit at nag-iinat.

"Wake me when Dr. Luke is going." Hinalikan niya nag pisngi ng bata at ngumiti.

"Okay..." at lumabas na siya ng kuwarto. Tumibok nang malakas ang puso niya. Kaloka, ang awkward naman nito! Kaming dalawa lang ang kakain... anong topic bubuksan ko? Pa'no na ito?

Dinala na lang niya ang sarili sa kainan at nakita si Luke na naka upo habang nagta-type sa cellphone niya. "B-bakit di ka pa po kumakain?"

  "I'm waiting for you." Matipid na sagot nito. Tumayo pa si Luke para iusog ang upuan na uupuan niya.

What a gentleman.

Umupo na siya at nag-murmur ng mahinang thank you kay Luke. Tinulungan siya nitong lagyan ng pagkain ang plato niya at si Luke na ang nanguna upang magdasal. "Uh... ginising ko kanina si Lexy pero hindi pa raw siya kakain..." simula niya, "It's fine. Lexy usually take her med at 8 am... by the way, tutuloy ka pa ba mamaya?"

ALLRGSTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon