Chapter 30

163 14 4
                                    

Nakabalik na sila ng Manila at ngayon ay ihahatid siya ni Luke pauwi sa kanila. Ayaw niya pa talagang umuwi pero hindi pwede. "I'll always come. It's hours away."

"Two hours," pagtatama niya, "Tsaka mahihirapan ka. Pagod ka galing sa trabaho. Di mo naman kailangan laging pumunta. May messenger naman tsaka may video chat di na problema 'yon." Sabi niya. "Babalik din naman ako next week." Ngiti niya dito.

"May kailangan ka pa bang asikasuhin?" Tanong sa kanya ng doktor. Ngumiti siya. Next week kasi ay uuwi na ang nanay ni Luke. Nag-message ito sa kanya kaninang umaga. Nagpaalam na raw ito sa asawa niya. Kaya McLure na ang apelyido nito. Nalaman din niyang may isang kapatid si Luke sa Australia, lalake ito at sixteen years old pa lang. "Why are you smiling like that?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Wala." Nakangiting sagot niya. "Bakit nakakapagtaka ang ngiti mo. Are you hiding something?"

"Wala nga, Luke. Wag ka mag-alala."





This whole week ay isang beses lang nakapunta si Luke dahil sobrang busy nito sa ospital. But then, it's okay for her because today is the day that Luke's going to meet his mother. Inabangan niya sa airport ang nanay ni Luke. Pakiramdam ni Renaissance ay siya ang anak na nag-aabang sa nanay niya. Sobrang excited at saya niya para kay Luke. Hindi niya maubos maisip kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nagkita ang mag-ina. Buong akala ni Luke ay may date lang sila ngayong araw pero ang totoo ay kasama ang nanay niya.

May hawak siyang banner na nakalagay ang pangalan ni Vivian nang may isang babaeng kumaway sa kanya. Napangiti siya nang malaki at tumakbo papalapit dito gayon din si Vivian, "Renaissance?" Medyo na-nosebleed siya sa accent nito. "Vivian! Welcome to the Philippines." Nang makita siya nito ay niyakap siya nang mahigpit at matagal. "What time is it? What time are you going to meet with Luke?" Tanong nito pagkakalas sa yakap.

"On six Ma'am."

"Oh no. Don't call me Ma'am just call me by my name," nakahawak pa rin ito sa kamay niya, "I'm so happy you know— my heart is beating fast on my way here. I'm so excited to finally see my son. I thank you so much." Niyakap ulit siya nito. Maluha-luha silang dalawa.

"We should go to the hotel. It's traffic so we won't be late." Aya niya.


Halos isang oras at kalahati bago sila makarating sa restaurant ng hotel. Mahaba ang traffic pero walang sinayang na oras si Vivian. Buong byahe ay punong-puno ito ng kwento. Mula sa paano niya nakilala ang tatay ni Luke hanggang sa iwan niya ito hanggang sa tuwing birthday ni Luke ay bumibili siya ng cake at inaalaala ang birthday ng anak. Masyado itong pinagsisihan ni Vivian pero alam nitong hindi niya kayang buhayin si Luke nang mga oras na iyon at mas mabuting sa ama niya ito mapunta.

Naroon na si Luke nang makarating silang dalawa. Vivian heaved, "Are you okay?"

"I'm nervous. I don't know how he'll react." Sa kaunting oras na pinagsamahan nila ay naging komportable na siya rito. She smiled encouragingly, "Vivian please don't worry. I know he'll be more happy."

"What do we do? How can we surprise him?" Tanong nito.

"You sit here and I'll go first and then when I look at you come here. Is that okay?"

"Good idea. Thank you so much Renaissance. I don't know what to do without you." Pinisil niya ang kamay nito at ngumiti para palakasin ang loob. She glanced at Vivian one more time then head to Luke.

Nagce-cellphone si Luke nang dumating si Renaissance. He pinched her cheek and smiled, "I missed you."

"I missed you, too."

"You know, my day is tiring but it's all worth it."

Ngumiti siya nang malaki, "What?" Takang tanong ni Luke, "You've been smiling like that since we last saw each other." She look at his eyes deeply, "May dahilan kasi ako." Sabi niya.

ALLRGSTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon