Chapter 18
Pinagbuksan siya ni Luke ng pintuan at tinulungang bitbitin ang kaniyang bag. Dinala ito ni Luke hanggang sa terrace ng kanilang bahay. "Ma!" Malakas niyang tawag. Lumabas ang kaniyang ina na may hawak pang sandok. "Ay anak nandito ka na! Ang bilis naman ng biyahe niyo." Napangiti si Luke sa paraan ng pag-welcome ng mama ni Renaissance sa kanyang anak. "...ayos ka na ba? Wala ka na bang sakit? Ano, nag-enjoy ka?" Tsinek siya kung may galos o sugat ba bago niyakap. "Doctor Luke maraming salamat ha? Pumasok ka muna at kumain ng miryenda slash hapunan at baka gabihin ka sa daan." Hindi na tumanggi pa si Luke at sinundan ang mag-ina papasok ng bahay. Maliit lang ang dining area nila Renaissance pero malamig sa loob ng bahay at hindi na kailangan pa ng electric fan o aircon dahil hindi katulad sa Manila ay hindi na ganito ang yari ng mga bahay at hindi gaanong mapuno. "Ang ganda ho pala sa inyo tsaka malamig."
"Ay oo naku! Pumunta ka sa terrace at mahiga ka sa duyan. Mahangin." Enganyo sa kaniya. Lumitaw ang isang maaliwalas na ngiti sa labi ni Luke. Tumingin siya sa labas na kitang-kita dahil sa malaking bintana nila Renaissance na nakabukas. Puro puno at halaman nga ang paligid. Sa harapan ng bahay ay may hilerang tanim na Santan at may mga tanim na sili at papaya. Ganoon din sa kanilang kapit bahay, halos puro puno ang mga bahay at hindi magkakatabi. Sariwa at presko ang hangin. Kaya masarap talaga sa probinsya. "Ren-ren bumaba ka na dyan!" Malakas na tawag ng nanay ni Renaissance. "Sandali lang, Ma!"
Ilang sandali ay narinig na niya ang yabag ng mga paa nito. Gawa sa kahoy ang itaas ng kanilang bahay gayon din ang hagdan. Samantalang purong simento naman ang lapag at nakarenolyum. May dalawang kusina ang bahay, isang dirty kitchen at isa sa loob ng bahay kadugtong ng dining area. Hinainan siya ng ina ni Renaissance ng pagkain. Sinampalukang manok at may kasama pang hinog na mangga. "Ako na po..." Pagpepresinta niya. Tinulungan niya itong dalhin ang mga pagkain sa lamesa na saktong pagdating ni Renaissance. "Anak saluhan mo na si doc kumain." Turo ng mama ni Renaissance.
"I-Ikaw ba?"
"Aantayin ko na ang Papa mo... parating na 'yon. Sige na para hindi mahiya si doc." They heard Luke chuckled. "Hindi na po ako mahihiya. Masyado po kasi kayong caring." Papuri ni Luke na nagpangiti sa nanay ng dalaga. "Naku ikaw talaga. Hindi naman, slight lang." Umupo na si Renaissance sa tabi niya at kumuha ng pagkain. Sa totoo lang ay hindi pa siya nagugutom, feeling ko binubugaw lang ako ni Mama kay Dr. Luke. Sibangot niya.
"Mmm... ang sarap niyo pong magluto." Nakipag-apir ang kanyang mama kay Luke. "O diba! Lahat paborito iyang luto ko na 'yan. Kaya itong si Ren, favorite 'yan."
"Di na po ako magtataka... sigurado po akong lahat ng lulutuin niyo magugustuhan niya." She wanted to snort. May pagkabolero rin pala ang doktor na ito at magaling magpuri at magpa-charming sa mga tao. Pero sa totoo lang, kahit anong lutuin ng Mama niya ay kakainin niya. Wala nang mas sasarap pa sa luto ng isang ina!
Bumalik na ang kanyang mama sa loob ng kusina at naiwan silang dalawa na kumakain. Hindi na siya nagsalita pa at kumain na lang ng paborito niya. Sobrang na-miss n'ya ang pagiging caring ng mama niya. Ikaw ba naman ang hindi umuwi ng dalawang linggo ay sobrang mami-miss mo na 'yung pamilya mo. "I think your mom also studied to be a cook not only to be a midwife." Tinaasan niya ito ng kilay at tinaas ang dulo ny kanyang labi. "Ikaw rin naman a? Masarap ka rin magluto. Nature nab a sa inyo na nasa medical field?" Ngiti niya. "I guess so. Pero nagluluto ka rin naman and you cook good."
"Good lang?" Panunuya niya. "Then very good." Sagot ni Luke.
"Ikaw rin. Teka kailan ka ba magluluto ulit?"
"Nagluto na ako kahapon diba?" Sagot nito.
"Hindi. 'Yung kakaibang luto." She whined. "Parang jollispaghetti?"
BINABASA MO ANG
ALLRGSTS
SpiritualSi Renaissance na yata ang depinisyon ng girl-next-door at Jesus freak na babae. Bukod sa talino taglay din niya ang wisdom mula sa Panginoon. Tahimik at masaya ang buhay niya not until she met Luke Verced. The handsome allergist and her allergis...