Chapter 6
Si Lexy lang, sa katunayan, ang naglalaro dahil hindi naman talaga sinubukan ni Renaissance maglaro. Ang gusto lang niya ay makapagpahinga sa dorm nila. Halos limang oras lang ang tulog niya dahil may tinapos pa siyang gawin kagabi at dapat sa free time niya na ito sana'y nakahiga siya sa kama. Pero tinuloy niya pa rin para ka Lexy ayaw , napalapit na sa kaniya ang bata at ayaw niya itong ma-dissapoint.
"Ate!" sigaw ni Lexy hanggang makapag-slide sa tapat ng dalaga. Ngumiti siya sa bata na walang kapaguran at hyper na hyper. "Catch me ha?"
"O sige." Tumakbo naman ang bata papunta sa tunnel at narinig nito ang mga tili niya at kalampag. "I'm coming!" sigaw nito at humanda na siya para saluhin ang bata. "Weeeee!" sigaw nito habang nag-i-slide na nakataas ang kamay. Inabangan niya naman si Lexy at niyakap papunta sa kaniya. "Hug, hug, hug!" sabi nito habang tumatawa at idinadagan ang katawan sa dalaga. "Do'n naman tayo sa mga wheels." Turo ni Renaissance kay Lexy.
"Ano gagawin natin do'n diba pang boys 'yon?" Kamot ng bata sa ulo niya.
"Edi papa-ikutin natin... di ka naman kasi nakikipag-usap sa ibang kids, e."
"Kasi they have playmates na. Tsaka I don't like playing with them."
"Bakit naman?" Tanong niya habang inaayos ang gulo-gulong buhok ni Lexy.
"Because I want to... dapat ba may dahilan lagi?" Alam ni Renaissance ang makabagong ugali ng mga bata. May pagka matabil ang dila nito. Halatang hindi siya maayos na napagsasabihan. Paano ba naman kasi ay halos laging wala ang tita nito at laging ang yaya lang niya ang kasama na sinusunod ang lahat ng gusto kaya akala ng bata ay ayos lang sabihin lahat ng gusto niya nang hindi naiisip na hindi ito tama. "Lexy... you should be careful on what you say ha? It's not right." Sabi niya.
"What's wrong with that, Ate?" Naguguluhang tanong nito.
"Hindi dapat lahat ng gusto mong sabihin ay sinasabi mo, kagaya ng sinabi mo sa akin kanina. Ang tawag doon ay pagiging pilosopo, dapat you don't ask back what we ask to you and always say po and opo. Wait for others to finish talking muna at huwag dapat basta-basta sumasagot sa mga matatanda. Alright?"
Tumango-tango ito, "Very good. That's my girl." Ngiti niya pa sabay halik sa pisngi nito.
Papunta na sana sila sa wheels and numbers na parte ng playground pero nag-ehem naman na si Luke na tiningnan nilang dalawa. Tinuro niya ang kaniyang wristwatch signaling that their time is over. Nagpahinuhod na si Lexy at di na umangal pa at sinuot na ni Luke sa bata an kaniyang sapatos.
Nagpabuhat pa ito sa kaniya. Alam ni Luke na naglalambing lang ito dahil may ire-request mamaya. Bagay na kabisadong ugali ni Luke kay Lexy. Inabot ni Luke ang dalang bag ni Renaissance sa kaniya, "Salamat." Mahinang tugon niya.
"Ate Rein when are you available? I want to watch again another play next week!" Lexy exclaimed.
"Hindi ko alam Lexy, e. Masyado akong busy ngayong week hindi ko alam kung pati next week ganoon din." Nilakad na nila ang parking lot at umupo na siya sa shotgun habang katabi niya si Lexy.
"Lex, I'll bring you first to your house na ha? Your tita is waiting for you."
"But I don't want yet..." Lexy whined. Luke seriously look at her. "Please, I don't want to yet. Tell her not to wait for me." Umarangkada na naman ang pagiging bossy ng bata at naka-ismid pa ito habang nakahalukipkip.
Kinalabit ni Renaissance si Lexy at tumingin paitaas sa kaniya, "What did I told you kanina? Diba sabi ko h'wag ka magsalita ng ganyan. Di ka rin dapat demanding sa mas matanda sa iyo lagi kang susunod sa mga matatanda." Paalala niya. "But—"
BINABASA MO ANG
ALLRGSTS
SpiritualSi Renaissance na yata ang depinisyon ng girl-next-door at Jesus freak na babae. Bukod sa talino taglay din niya ang wisdom mula sa Panginoon. Tahimik at masaya ang buhay niya not until she met Luke Verced. The handsome allergist and her allergis...