Chapter 3Pumunta na siya ng pila hawak-hawak ang isang libro dahil nagre-review ulit siya. Panay quiz sila ngayon at medyo nahihirapan na siya dahi sunod-sunod na ito. Hindi naman niya napansin ang katabi niya nang bigla na lang siya nitong kinausap, "You again ugly stick woman?" Ibinaba niya ang kanyang libro mula sa mukha at nakangiting tumingin sa bata, "Hello Lexy, nice seeing you here again!" Magiliw niyang bati. The kid rolled her eyes and crossed her arms then she heaved a sigh.
"What are you doing here?" Matalim nitong tanong.
"I'm here for my immunoshots therapy."
"Immuno what? You're so ugly, are you dying?"
"No I'm not. I just want to get rid of my allergy." Pumunta ang bata sa kanyang harapan at hinawakan ang braso niya.
"You're being like those girls?" Malakas nitong sabi at sabay turo sa mga babaeng naka make-up at maiikling shorts. "Doctor Luke said they are here fow papsmear." Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ng bata, "I don't know what papsmear is. Do you know it?" mabilis niyang tinakapan ang bibig ng bata at sinenyasang manahimik ito.
"Ano ka ba, di mo dapat sila tinuturo at sinasabi 'yung ganiyang salita." Hindi niya alam kung bakit sinabi pa ng doktor ang salitang iyon sa bata. Napakalas ng salita nito at walang pigil sa pananalita. Masyado pa siyang judgmental at mapang-mata.
"What are you doing? You're so annoying!" Tinanggal nito ang kamay ni Renaissance sa bibig niya. "I can say what I want to say!" Sigaw nito sa kanya. Pinigilan na ito ng yaya niya, "Baby 'di ka dapat nagsasalita ng ganyan sa matatanda. Diba that's bad?"
"Bad your face! I hate you!" Sigaw nito sa yaya niya at pinagpapalo ng maliit niyang kamay. Kinuha niya ang bata at hinawakan ang kamay nito. Iniharap niya sa kaniya ang bata at kinausap, "You know Dr. Luke don't like it when kids fight their yaya's and who speak ill of the olderpeople. Also, God won't be pleased with your attitude. That's not good." Tumingin ito sa kaniya na para bang iiyak na at tama nga ang hinala niya, maya-maya din ay umiyak na ito. Kinuha ito ng yaya niya at pilit na pinapatahan ngunit mas lumakas pa ang palahaw ng iyak niya, "You're so bad! I hate you!" Sigaw nito sa kaniya. Napangiwi naman siya sa asal ng bata, maganda sana ito at katuwa-tuwa pero sa sama ng ugali buti ay napagpasensyahan ng yaya.
Mga ilang minuto lang ay tumigil na ito ng iyak at nakatulog sa kandungan ng yaya. Pinahiga na niya ang kalahating katawan nito sa kandungan niya habang nakaunan sa dalang bag ang ulo sa kandungan ng yaya niya. Pinapaypayan pa ito dahil pawis si Lexy dahil sa kaiiyak. "Miss pasensya na po sa asal niya ha?" Dispensa ng yaya.
"Naku ayos lang 'yon. Kahit naman gaano siya kakulit mapagpapasensyahan pa rin naman, dapat lang turuan siya ng magandang asal." Payo niya sa yaya.
"Buti nga po tumagal ako ng tatlong buwan sa batang ito, kahit na may kasungitan at kamalditahan hindi ko alam kung paano ako tumagal."
"Talaga?" Usisa naman niya.
"Madami na po siyang naging yaya pero karamihan ay hindi nagtatagal kasi sabi po nila masyadong salbahi ang batang ito, lahat na lang inaaway niya kahit ang nanay-nanayan niya si Dr. Luke lang ang hindi." Napapitlag siya. Nanay-nanayan?
"Bakit? Nasaan ba ang nanay niya?"
"Patay na ang nanay niya bata pa lang po siya. Yung tatay niya naman ay hindi na nila kilala, nabuntisan lang daw ata pero maraming nagsasabi na hindi raw at ayaw lang malaman na may anak 'yung lalaki dahil may reputasyong iniingatan." Napataas ang kilay niya. Kung gayon kaawa-awa naman pala talaga ang bata na ito. "Lagi nga pong ako ang kasama niya sa bahay dahil wala lagi ang mommy niya minsan hindi pa umuuwi sa sobrang busy sa trabaho."
BINABASA MO ANG
ALLRGSTS
SpiritualSi Renaissance na yata ang depinisyon ng girl-next-door at Jesus freak na babae. Bukod sa talino taglay din niya ang wisdom mula sa Panginoon. Tahimik at masaya ang buhay niya not until she met Luke Verced. The handsome allergist and her allergis...