Chapter 16

340 17 0
                                    

Chapter 16

"Labas na kayo, sunset na!" Tawag sa kanila ni Nico na saglit pumasok para tawagin sila. Nginitian niya si Luke at ibinaba ang pagka-thumbs up. Sumunod na siya nang lumabas si Grace ng rest house at nasa likuran naman niya si Luke. Naramdaman niya ang malamig na buhangin sa kanyang mga paanan at idinako ang kanyang mata sa langit. Hindi niya namalayang nakangiti siya at tinungo niya si Lexy para tabihan. When Lexy saw her she smiled widely at tinuro ang langit, "It's so beautiful!" Patalun-talong sabi ni Lexy. She's laughing at how beautiful the sky is. "Do you want me to take a photo of you?" She asked her. Lexy nodded and Renaissance took out her cellphone. Lumuhod siya sa buhangin at pinktyuran si Lexy at kinuhanan din niya ang kanyang sarili kasama ang bata at sunset.


Bumalik na sila sa rest house at itinuloy ang pagluluto, nauna sila ni Grace dahil nagpi-picture pa si Luke at Vanessa. Inilagay niya na sa lamesa ang ibang putahe na saktong pagdating ni Luke. Pagkatapos nilang ayusin ang lahat ay pumasok si Lexy at tinikman ang pagkain, "Masarap?"

"Oo." Sagot nito. She brushed Lexy's long hair while she's munching her food, "Lexy pwedeng bang tawagin mo muna sila para makakain na tayong lahat?" She immediately followed at ng makapasok na ang lahat ay kumain na sila ng hapunan. Masarap ang mga pagkain at na-enjoy niya talaga ang masayang hapunang ito dahil kay Bea na mahilig mag-joke. Pagkakain, sila James naman ang naguhugas ng pagkain. Nagpresinta siya kay Nico na siya na lang, "Nagtrabaho ka na nga kanina. Kami naman." Kindat sa kanya nito na bahagyang nagpatawa sa kanya, "O sige po. Good night na lang." Pumunta na siya sa kwarto kung nasaan si Bea at nakahiga ito sa kama habang nagse-cellphone. "Tulog na."

"Kakakain lang." Sagot niya dito, "Punta muna akong veranda." Tumango si Bea bilang sagot. Napansin niyang kapag may cellphone itong hawak ay hindi ito gaanong madaldal o magulo kausap.

Dinako niya ang kanyang paa patungong veranda. Nang buksan niya ang glass door ay agad sumalubong sa kanya ang sariwang hangin at ang amoy ng dagat. Tiningnan niya ang paligid, napakapayapa at tahimik. Malayong-malayo sa siyudad kung saan punung-puno ng kaguluhan. Maaliwalas rin ang langit dahil kitang-kita ang mga bituan pati ang tres maria, "Nagsesenti ka?" She look at the corner of her eye at umiling. She sniffed the air, "Hindi po. Tinitingnan ko lang 'yung ganda ng nilikha Niya."

Luke chuckled lightly, "You sound like Vanessa. The first time she got here that's what she said."

"Ganoon po ba?" wow, awkward.

"Ah... bakit niyo po naisipang bilhin 'to—" tinakpan niya ang bibig niya, baka isipin nito ay nakikitsismis siya. Nahihiyang ngumiti si Renaissance at nag-peace sign. She saw him smirk, even in the dim light he look so handsome. "It's okay. I share that to everyone. Well, it's really impractical to buy this because who'll live in here? Tsaka that time I'm budgeting my money. I don't know why I bought this, but I think this is the reason why. To let other people who appreciates God's creation see this." He explained.

"Yun lang dahilan?" Tanong niya ulit dito. "Pero sabagay ang ganda nga parang little paradise na hindi pa nadidiskubre." Nagkatinginan sila ni Luke at parehong tumawa. Naalala nilang pareho ang Little Paradise ni Luke. "You miss the place?" Renaissance pinched her nose. "Nosebleed." Sagot niya. He chuckled again. "Sige na doc. Matutulog na po ako." He didn't answer verbally but nodded at her with a little smile. Tiningnan siya nito hanggang nasa tapat na siya ng pinto at tumingin muli si Renaissance sa kanya, "Dr. Luke! Salamat po... good night."

"Good night." He answered. Tuluyan na siyang pumasok sa kwarto nila ni Bea.



ALLRGSTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon