Nagpresinta siyang maghugas ng pinagkainan nila habang si Luke ay nasa itaas at dinala roon ang baby. Nakatulog kasi ito habang kumakain sila ng doktor. Nang matapos na sa paghuhugas ay umakyat siya sa taas. Nakita niyang nakabukas ang pintuan ni Luke at tiningnan niya ang dalawa mula sa labas. He's playing with the baby and the baby is laughing a lot. Hindi maiwasan ni Renaissance na mapangiti. "Okay baby. I will read to you my favorite Bible story..." nag-search si Luke sa cellphone niya ng kopya at nang makita ito ay agad binasa, "Jesus' First Miracle at Cana—"
"Doc bakit English?" Sumingit na si Renaissance na nasa pintuan pa rin. Napatingin sa kanya ang doktor at napakamot sa batok. He replied a silent 'yeah' and searched a Tagalog one.
"Eto." Proud na sabi niya, "Pero bago muna 'yan, why don't you come here and listen to the story?" Aya niya kay Renaissance. Pumasok ito at naupo sa cushion.
Luke cleared his throat and started reading, "Ang Unang Himala ni Hesus sa Cana. Si Hesus— kasama ang kanyang mga disipulo at ina ay inimbitahan sa isang kasalan sa Cana, Galilea. Habang nagkakasiyahan ay unti-unti ng nauubos ang alak. Pinakamahalaga ang alak sa selebrasyon kung kaya't isang kahihiyan kung maubusan ka nito. Napansin ng ina ni Hesus ang bagay na ito at sinabi niya ito kay Hesus ngunit sumagot siya, "Ginang, hindi pa ito ang aking oras." Kaya naman sinabi ni Maria sa mga taga-asikaso sa kasal na sundin lahat ng sasabihin ni Hesus. Inutusan ni Hesus na punuin ang banga ng tubig hanggang sa dulo at nang magawa ay pinasalok niya ang mga ito at pinadala sa punong taga-pamahala ng kasiyahan. Nang tikman niya ito ay nagulat siya at sinabing, "sa una ibinibigay ang pinakamasarap na alak at sa huli ang hindi. Ngunit ano ito? Nahuling ipamahagi ang pinakamasarap na alak!" At ang lahat ay namangha sa kanyang ginawa." Luke was smiling at the end of the story. "Bakit niyo po naging favorite 'yung story na 'yan, doc?"
"Because it was His first miracle and it's amazing knowing that God can provide in the midst of scarcity. It's amazing how God works even at the edge of things and turn it for His glory."
Napatango si Renaissance, "And that's one of the amazing characteristics that God possesses. He loves showing up kung kailan walang-wala na and show His miracle. That's why we need not worry, kasi kung kailan wala doon siya madalas nag-a-act to prove to people that He's real."
"Yes doc! Plus naaalala ko 'yung past experiences namin ng pamilya ko kung kailan walang-wala na doon na Siya umaaksyon." Ngiti niya sa doktor. "Ikaw what's your favorite story?" Tanong sa kanya ni Luke.
"Ako... 'yung kay Zadrach, Meshach at Abednego."
"In the big oven?"
"Opo. Kasi nakikita ko ro'n 'yung great faith nila. Nakakainggit, tapos sabi nila "even if He doesn't save us or not I won't bow to your statue." Kasi diba, at stake na sila pero pinili pa rin nilang sumunod. Kaya gusto ko ng ganoon, ng ganoong klaseng faith."
Umalis sandali si Luke sa kwarto at pagbalik nito ay may dala itong libro. Inabot ito sa kanya at tiningnan niya ang title, 'Standing Firm in Faith When Everyone Around You Surrenders'." Nagtatanong siyang napatingin kay Luke, "I'll give that to you. That book is a great help."
"Salamat doc." Ngiti niya rito.
"No problem. I just want to help you to have a giant faith." Para namang tumatalon sa tuwa ang puso ni Renaissance. Natutuwa siya dahil tinutulungan siya ni Luke para mas mapalapit kay Lord.
On time na dumating si Renaissance sa Police Station. Sinabihan siya ni Luke kagabi na doon na siya dumiretso para hingan ng statement tungkol kay baby. Binalitaan siya ni Luke kanina na hanggang ngayon ay wala pa ring lumilitaw na ina ng bata kaya sa poder muna ng DSWD si baby.
Nang makarating ay nakita niyang naroon na si Luke at ang iba pang mga kababaihan. Isang middle aged woman ang may hawak kay baby. Tiningnan niya sila at nginitian, "Ah... late po ba ako?" Tanong niya habang napakamot sa braso. "You're just on time." Tumayo si Luke at siya ang pinaupo sa upuan. Nagsimula na siyang kuhanan ng statement tungkol sa ina ng sanggol, kung may sinabi ba sa kanyang impormasyon pero hindi nasagot ni Renaissance ang lahat. Kinakabahan din siya, first time lang kasi sa kanya na mangyari 'to.
BINABASA MO ANG
ALLRGSTS
SpiritualSi Renaissance na yata ang depinisyon ng girl-next-door at Jesus freak na babae. Bukod sa talino taglay din niya ang wisdom mula sa Panginoon. Tahimik at masaya ang buhay niya not until she met Luke Verced. The handsome allergist and her allergis...