Chapter 23

195 16 0
                                    

"Blooming ha!" Bati sa kanya ni Bea. Bigla namang napahinto si Renaissance sa paglalakad nang marinig niya ito. "Sorry di kita napansin." Sagot niya. Tiningnan siya ng doktora mula ulo hanggang paa habang naka-crossed arms. Bea smirked teasingly at her. "Napapadalas lakad niyo ha? Kwentohan mo naman ako." Asar nito.

"H-ha?" Nagtatakang tanong niya.

"Kayo ni Luke. Ene be Renaissance. Konting kembot na lang siguro liligawan ka na no'n." Tawa nito.

"Ano ba? Hindi naman ganoon kabilis mag-move on." Nahihiyang sagot niya, baka kasi may makarinig sa sinasabi ni Bea.

"Sus! Ilang buwan na kayang wala si Vanessa. Tsaka isa pa, di naman ganoon kalalim pinagsamahan nila. At hindi nga naging sila. Kaya malamang okay na si Luke." Napaisip si Renaissance. Halos nitong mga nakaraang buwan at linggo kung saan-saan sila nagpupunta ni Luke. Pero minsan di sinasadyang nagkikita sila sa isang lugar pagkatapos aayain siya nito. Minsan naman request ni Lexy, tapos minsan hindi niya alam. Pumapayag na lang siya, total wala naman siyang gaanong ginagawa kapag inaaya siya ni Luke. Pero hindi naman siguro ibig sabihin no'n e naka-move on na siya at may ibang kulay 'yung ginagawa ni Luke?

"O ano na? Ano ng chika sa inyo ngayon? Hula ko, di ka uuwi agad kasi inaaya ka niya kung saan 'no?" Siguradong-siguradong pahayag ng doktora.

"Doktora Bea naman, 'wag naman nating isipan ng ganyan si Luke."

"Luke?! Tinawag mo siyang Luke?!" Histerikal na tanong ni Bea at hinawakan siya sa balikat. "Sabihin mo, sinabi ba niya sa'yong tawagin mo na lang siya na Luke?" Inalog-alog siya ni Bea. Nanlalaki ang mata nito. Medyo OA doktora?

"O-oo? E siya may sabi e." Renaissance shrugged.

"I smell something really, really fishy. Pustahan tayo beks next month or next next month he'll admit that he likes you."

"Di ako nakikipagpustahan..." Bea rolled her eyes. Renaissance and her delicadeza. "Goody-goody girl, di ba sabi nga nila if God wants him to move on fast he will. Cause He makes ways. You know?" Confident si Bea na totoo ang hinala niya. She knew it, kahit pa si Vanessa at Luke ang magkasama noon she feel dense towards the two of them. Pinipilit lang nilang ibalik ang nakaraan and they both thought it will work out pero may mga bagay talaga na hindi nagwo-work out. Ayon ang nasa isip ni Bea. And she thinks that Renaissance is the one. She don't know pero even though she liked Luke before she feels like it's Renaissance. 'Yung ramdam na ramdam mo. It's kind of weird for her and she don't want to push Luke and Renaissance together but things just happen and she believes that maybe God want this two together?

Renaissance sighed and shook her head then muster her strength to smile, "Bahala na... may God's will be done." Silence fell in them. "Basta ha, kwentuhan mo ako." Renaissance nodded and smile. Tinuro niya ang opisina ni Luke, "Una na ako." Bea raised both of her brows indicating her that she can go ahead.


Nang makapasok siya sa klinika ni Luke ay wala ito. Malamang ay nasa lying in na naman kaya tahimik siyang umupo at tumingin sa kawalan. Hindi niya maintindihan ang sinabi sa kanya ni Bea, ayaw niyang isipin pero nakababagabag. Ayaw niyang umasa kay Luke, ayaw niyang isipin na may spark sa kanilang dalawa dahil ayaw niyang masaktan. At isa pa, alam ni Renaissance na di dapat umasa hangga't di sinasabi sa kanya. Hangga't walang assurance.

"Rein—?" Biglang siyang tumingin sa direksyon nito. Kanina pa pala siya tinatawag. "Are you okay?" Nasa pintuan ito ng lying in at hawak na nito ang injectables niya. Matamlay siyang ngumiti at tumango. Nang maturukan siya ay naghintay siya sandali. Nabawasan na kasi ang oras dahil nagiging maayos ang pagtanggap ng katawan niya sa gamot. Ni hindi nagsasalita si Renaissance pero sasabog na ang ulo niya sa pag-iisip.

ALLRGSTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon