Pauwi ng Bulacan si Renaissance. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim at ilang minuto na lang ay madilim na ang buong paligid. Nasa labas siya ng kanyang dormitoryo at hinihintay si Luke. Tinawagan siya nito kanina at sinabing ihahatid niya si Renaissance sa kanilang tirahan kahit wala siyang gagawin sa Bulacan. Kahit malayo. Kahit gagabihin siya. Di malaman ni Renaissance kung anong magiging reaksyon niya sa mga pinagagagawa ni Luke nitong mga nakakaraan. Oo, mabait talaga siya sa lahat at pantay-pantay ang trato niya sa mga tao pero hindi niya maiwasang magtaka at minsan mag-isip at bigyang kulay ang lahat. Dahil siguro sa sinabi ni Bea sa kanya nung nakaraan kaya simula noon bawat kibot ni Luke ay may naiisip siya.
Sinampal-sampal niya nang mahina ang sarili, "Okay ka lang Ren? Tigilan mo kakaisip ng ganyan." Madiin niyang sabi sa sarili. Kung may iisipin lang din siya 'wag na 'yung mga ganitong bagay, di lang siya matatahimik.
Napapikit siya sa ilaw na tumama sa kanyang mata. Ilang saglit lang ay namatay ang ilaw at lumabas sa sasakyan si Luke. Napakalaki ng ngiti nito na para bang mapupunit ang mukha niya. Bakit ang saya-saya niya?
"I'm sorry natagalan ako. Pinilit pa kasi akong kumain ng isang member kanina bago umalis." Maglalakad na sana si Renaissance nang patakbong lumapit si Luke sa kanya at kinuha ang bag niya. "Ako na." He said with a smile. Nagtataka si Renaissance na hindi niya alam. Pero may kakaiba talaga kay Luke ngayon. Nagtataka niya itong pinagmasdan habang inaayos nito ang bag niya sa likuran ng kotse. Pumunta na siya sa shotgun seat nang unahan ulit siya nitong magbukas ng pinto. "Ah... t-thank you." Kahit ang pagsasabi niya ng 'thank you' ay may bahid ng pagtataka.
Nang makapasok na siya ay in-start na nito ang kotse. But before taking over, sinabihan siya nitong mag-pray muna sila at si Luke ang nag-lead. "Jesus, we pray for your guidance as Ren go home and me coming back after. Let your Holy Spirit protect and lead us to safe journey. We destroy all works of the enemies along the way and let Your blood and love cover us. In Jesus' Name, amen."
"Amen." Ulit niya. Inosente siyang tumawa habang nakatingin sa doktor. Then he started driving towards Renaissance's home.
"Are you free this Wednesday?" Luke asked out of the blue. Napatingin siya sa doktor. Nasa isip niya na mag-aaya na naman ito sa kung saan.
"Di ko pa alam, e. Minsan kasi biglang may gagawin." Lumungkot ang mukha ni Luke pero he retrieved himself easily so Renaissance won't notice but she saw it already. "D-di ko nga rin nasamahan si Bea noong nag-aya siya sa bagong mall dahil may emergency meeting kami."
"Ganoon ba?" Sagot nito. "It's okay. May next time pa naman kapag hindi ka busy." He lightly smiled.
Para namang nakokonsensya si Renaissance, "Te-text na lang kita kapag pwede ako nang araw na 'yon. Kaso sa mismong Wednesday pa ako makakapag-text..." mabilis niyang sabi.
Luke chuckled at her way of explaining, "It's okay Ren. There's still next time." He explained.
"E baka kasi gusto mong puntahan talaga kung saan mo ako inaaya." He smiled at her words.
"Don't worry about it. Hindi naman kailangang madaliin 'yon." He spared a glance at her. "Stop apologizing, okay?" Tumango siya bilang sagot.
"Nga pala saan mo ba gustong pumunta?" Humarap siya sa doktor, hinihintay ang sagot nito.
"I want to take you to this certain restaurant." Nanlaki ang mata ni Renaissance, "A colleague suggested that place to me. He said it serves unique food."
"Mukhang masarap nga roon," sabi niya, "Kasama ba si Lexy?" He looked at her again then back to road, "Lexy is going in Hong Kong on Monday for their fieldtrip."
BINABASA MO ANG
ALLRGSTS
SpiritualSi Renaissance na yata ang depinisyon ng girl-next-door at Jesus freak na babae. Bukod sa talino taglay din niya ang wisdom mula sa Panginoon. Tahimik at masaya ang buhay niya not until she met Luke Verced. The handsome allergist and her allergis...