Chapter 27

234 18 3
                                    

"Doctor Luke!" Sigaw nang isang matinis na boses. Lexy instantly run to Luke's arms. "Hello ate Renaissance." Kaway nito sa kanya. "Hello Lexy! Ang cute mo naman." Pisil niya sa pisngi nito. Naka-pink tutu si Lexy at butterfly wings. "I will dance! I have solo part." Pagmamalaki nito sa kanya.

"Really? Sure ako ang galing mo mamaya." Ngumiti si Lexy sa kanya na para bang nahihiya. Habang si Luke naman ay kausap si Grace. "—nandito po 'yung mga gamit niya. Ilang araw lang naman po tsaka di po nagdudumi si Lexy. Salamat po, doc."

"Don't worry Grace. Sanay naman kami ni Lexy na laging magkasama." He smiled. Nagpaalam na ito sa kanila at umalis. They, too, headed towards the event center.


Si Luke ang sumama kay Lexy sa backstage pero ilang sandali lang ay katabi niya na ito. Ang mga teachers and assistant's na raw ang bahala sa mga bata. Nang palabas na ang mga bata ay pumalakpak ang lahat at narinig niyang mas lumakas ang palakpak ni Luke nang makita nila si Lexy palabas. She clapped so hard, too. Lexy scanned the crowd and immediately smiled when she saw the two of them. Kinawayan niya ito at mukhang hindi ma-contain ni Lexy ang ngiti niya. Luke set-up his camera and they both watched how she danced. Lexy danced confidently, kung tutuusin ay mas nakakasunod siya sa step kaysa ibang bata. Pagkatapos nilang mag-perform ay bumalik ulit sila backstage dahil may second performance pa raw ang mga ito. "May talent si Lexy sa pagsasayaw. Iba kasi 'yung pilantik ng katawan niya." Sabi niya kay Luke.

"She's really good. She wanted to do ballet or jazz pero bawal siyang mapagod. Kaya hanggang sa ganitong light dancing lang siya pwede." Tumango siya bilang sagot.


  Kasama si Lexy sa finale, sabi ni Luke iyon daw 'yung mga pinili dahil may talent sa dancing. Matatapos na ang pangalawa sa huling magpe-perform nang may lumapit kay Luke na isang babae, "Mr. Verced?"

"Yes ma'am?" The woman leaned a little bit to Luke, maingay ang mga tao at mukhang seryoso ang mukha ng guro. "Pumunta po kayo sa backstage. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam ni Lexy." Bahagyang nanlaki ang mata ni Luke. Agad tumayo si Luke at sinama siya, sinabi nitong silang dalawa ang kasamang guardian. Habang naglalakad ay napansin ni Renaissance ang nababahalang mukha ni Luke. "May mga pasa po siya tsaka dumudugo ang ilong..." ayon lang ang narinig ni Renaissance dahil sa ingay, kahit sa bakstage rin ay maingay. Pumasok sila sa isang kwarto kun saan si Lexy lang ang naroroon at isang medical volunteer. Pinupunasan nito ang dumudugong ilong ni Lexy. "Doctor Luke." Nanghihinang sabi ni Lexy at agad nagpabuhat kay Luke. Walang alinlangan siyang binuhat ng doktor kahit pa alam nitong maduduguan ang damit niya. Humingi ng tissue si Renaissance at agad pinunas sa ilong ni Lexy. "Lex, baba ka muna so I can check you up." Inupo ito ni Luke at tumalungko sa bata. He make her bow her head down. Naaalala ni Renaissance na ganito ang sabi sa kanya ng Mama niya. Kapag dumudugo ang ilong hindi dapat tumitingala kung yumuyuko at i-pinck ang nose bridge which is what Luke is exactly doing. Habang nakaganoon si Lexy ay tinitingnan ni Luke ang mga pasa nito. Nagtataka ring nakatingin si Renaissance. Saan niya nakuha 'yung mga pasa?

"Is there something aching in your body?" Tanong ni Luke.

"My knees are aching." Garalgal na sagot ni Lexy. Lumapit si Renaissance sa bata at umupo sa tabi nito. Kinuha niya ang kamay ni Lexy at pinisil. "We're here baby. Don't worry." Sabi niya. Tumingin sa kanya si Lexy na may malamlam na mata. "I want to perform." Luke looked at Lexy and heaved a sigh, "Lex, you can't perform there. Baka mag-collapse ka bigla." Paliwanag ni Luke.

Humikbi ito pero agad ding huminto dahil pinipigil niyang lumuha, "Okay." Pagkasabi nito ay kinarga ni Luke si Lexy na siya namang pagpatak ng luha sa mga mata ng bata. She look sad and frustrated. Nang makita ito ni Renaissance ay pinunasan niya ang mga luha ni Lexy at ngumiti. Lexy stopped crying but Renaissance knew that Lexy's hear is broken.


ALLRGSTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon