Pagkatapos ng matagal na buwang paghihirap, sa wakas, nakalabas na siya mula sa huling final test niya. 4th year na ako next school year! Thank You, Lord! Ang faithful Mo talaga. She smiled at herself and inhaled the air outside Palma Hall.
Sasamahan niya si Luke ngayon para bumili ng bagong laptop at ilang groceries. Sira na raw kasi ang laptop ni Luke dahil gamit niya iyon mula pa noong nag-aaral pa siya. She hailed a cab and go to the hospital. Pagdating niya ay nakasalubong niya ang isang doktor na pamilyar sa kanya, "Dr. Nico?" Tawag niya. Tumingin ito sa kanya at ngumiti, "Uy, Renaissance!" Ngumiti siya rito at sumabay maglakad, "Nasa lunch pa po ba si Dr. Luke? Di pa kasi nagre-reply e."
"Oo, nasa cafeteria sila. Papunta ako roon," sagot nito, "Sabay ka na." Sumabay siya kay Nico pa-cafeteria. Medyo spacious ang cafeteria at may ilan-ilang pasyenteng kumakain pero kadalasan daw— ayon kay Nico— mga doktor ang kumakain at lagi nilang kasabay si Luke. Nalaman din niyang hindi pala full time sila Harold at Nico kundi may clinic hours lang sila rito.
Agad niyang nakita si Luke sa table ng mga doktor. Parang nahiya siya dahil kahit kilala niya ang iba sa kanila, puro bago karamihan ang mga naroon. Napahinga nang maluwag si Renaissance nang makita niya si Bea. Tinawag ni Nico si Luke at ngumiti ito nang malaki nang makita siya. Pinaupo siya sa ni Luke sa kanyang tabi kung saan katabi niya si Aubrey at katabi ni Luke si James at Bea. "Buti naman beks nandito ka na, nakuha mo na rin 'yung pwesto mo." Nakita niyang pinitik ni James si Bea sa braso nang sinabi ng doktora 'yon. Pero tumawa lang si Bea at inapakan ang paa ni James. "Kumain ka na ba?" Tanong ni Luke sa kanya.
"Kumain na ako sa school."
"Let me buy you a dessert then..." agad tumayo si Luke at pumunta sa counter. Pagbalik nito may bitbit itong leche flan, "I know it's your favorite." Nginitian niya nang malaki si Luke bilang pasasalamat at agad tinikman ang leche flan. "Hello Renaissance. Buti bumisita ka today." Sabi sa kanya ni Aubrey.
"Lagi naman po akong nandito, Dra." Magalang niyang sagot.
"Oh no, don't po me mas bata pa rin naman ako kay Luke," sabi nito, "Aubrey na lang." Tumango na lang siya bilang sagot. "Nga pala, how's your last exam?" Mahinang tanong sa kanya ni Luke para hindi maabala ang pag-uusap ng ibang mga doktor. "Medyo mahirap pero mas inisip ko na lang at least wala na akong pasok." Ngiti niya.
"Ah... yes, uuwi ka na ba agad?" His tone shifted from merry to slightly sad.
Umiling si Renaissance, "Nag-promise kasi ako kay Lexy na sasamahan ko sila ni Grace sa Art In Island bago ako umuwi."
"Baka makasama ako, kailan ba?"
"Sa Friday." Sagot niya. Napahinto si Luke, "I have board meeting." Medyo nalungkot si Renaissance pero alam niyang marami ng responsibilities si Luke ngayon kaysa dati. Minsan, hindi rin natutuloy ang mga pinaplano nilang lakad dahil may emergency meeting. "Ayos lang... u-update na lang kita palagi."
"Gabi ka pa naman uuwi, di ba?" Muling tumango si Renaissance, "Then I'll drive you home." Kumunot ang noo ng dalaga, "Luke, gustuhin ko man pero huwag na. Mapapagod ka lang masyado."
"Don't mind me. I want to make sure you're safe." Umiling muli si Renaissance, "Huwag ka ng makulit. Nakakapagod 'yung gagawin mo. Tsaka susunduin naman ako ni Papa sa babaan ng bus." Pang-a-assure niya. Luke looked at her hoping that she would change her mind but she didn't so he sighed and chuckled, "Okay Ma'am suko na ako." Pero sa loob-loob niya gusto niya pa ring ihatid ito kahit pa mapagod siya.
"—And I'll invite you guys to go to my party this weekend." Kanina pa nagkukwento sa kanila si Aubrey. Kasabay kasi nila itong maglakad sa floor kung nasaan ang clinic nila James at Bea, kasama silang dalawa ni Luke dahil may kailangang hiramin si Luke na equipment ni James.
BINABASA MO ANG
ALLRGSTS
SpiritualSi Renaissance na yata ang depinisyon ng girl-next-door at Jesus freak na babae. Bukod sa talino taglay din niya ang wisdom mula sa Panginoon. Tahimik at masaya ang buhay niya not until she met Luke Verced. The handsome allergist and her allergis...