Chapter 33

169 13 0
                                    

Gumaling na rin si Luke kinabukasan. Pahinga lang pala ang kailangan nito. Pagkatapos noon ay pinagpahinga muna siya ng kanyang ama sa bahay niya ng isang araw bago bumalik ulit ng trabaho.

Nagising siya ng nandoon si Renaissance. Pinaghanda pa nga siya nito ng pagkain. Pero nang pangalawang gising niya ay wala na ito at si Amanda na ang naroon. Kailangan na kasi nitong umuwi para ituloy ang mga homework niya at may pasok pa kinabukasan.

Ilang araw pa ang lumipas ay mas lalo niyang nami-miss si Renaissance. Mula kasi nang magkasakit siya ay hindi niya pa ito nakikita. He's always trying to make time, pero sa mga oras na free siya laging may emergency meeting o di kaya'y kakailanganin siya sa ER. It's hard. He said she's her priority but he can't make time. God know he's trying so hard. Gabi na siyang natapos sa meeting. Tinext niya si Renaissance kung gising pa ito at ilang saglit lang ay sumagot ito ng oo. Mabilis siyang sumakay sa sasakyan at pinuntahan ang dalaga.

Nang makarating siya ay naghihintay na ito sa labas. Pagkatapos ng ilang buwan mula ng maging sila mas nakikilala niya pa ito— sobrang maintindihin. She's wearing her pajamas with a cardigan at nakalugay ang mahaba nitong buhok. He immediately get out of the car and jogged towards her. "Hey." Ngiti niya. Malaki rin ang ngiti ni Renaissance sa kanyang labi. Alam niyang nahihirapan din ito ngayon sa sitwasyon nila. Inabot niya kay Renaissance ang dala niyang box, "Ano 'to?" Tanong ni Renaissance nang mahawakan ang box. "Donuts for you."

"Donuts? Gabi na a? May nabilhan ka pa?"

"Dumaan muna ako sa mall." Tumango ang dalaga at naroon lang sila nakatayo. Tahimik pa rin ang dalaga kaya siya na ang unang nagsalita.

"I missed you." Mahinang sabi niya. Tiningnan siya nito sa mata at malungkot na ngumiti. Nilapag ni Renaissance ang box at niyakap si Luke nang mahigpit. He rested his chin on her head and wrapped her tightly around his arm. "Miss na rin kita. Di ka naman nagpapagod masyado di ba?" Tanong nito sa kanya habang nakayakap pa rin.

He didn't answer. "I'm sorry hindi tayo madalas magkita..."

"Hindi mo naman 'yon kasalanan." Malumanay na sagot ng dalaga.

"But this is unfair to you." Kumalas si Renaissance at tumingin sa kanya, "Niligawan kita, sinagot mo ako... I should— no— I must make time for you because that's what I must do for someone I love." sagot niya, "I feel so irresponsible—"

"Shh..." pigil sa kanya ng dalaga, "Luke... walang may gusto na wala tayong time. Kahit ako busy rin. Busy ka rin at alam ko naman na may reason. Kapag nagkaroon na kayo ng extra doctors dahil sa mas dumarami ang nagpapatingin sa inyo then pwede na ulit tayo magkita ng walang hadlang sa time." Sabi ni Renaissance pero alam niya na hindi pa 'to ngayon. Alam niyang hirap mag-recruit ng mga doktor ngayon, dahil bukod sa kaunti ang doktor sa Pilipinas mas pinipili nilang mag-abroad. And that's the Sinai's struggle. That's Luke's struggle. Malungkot na ngumiti si Renaissance, "Sige na. Umuwi ka na. Halatang pagod na pagod ka." Sabi niya. Isang malungkot na yakap ang binigay niya rito. Baka hindi pa time? Baka hindi pa ngayon? Ito ang ulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Renaissance nitong mga nakararaang araw. Mahirap dahil magkalapit sila pero parang ang layo nila sa isa't isa.





All she got is a text message five times a day. They haven't been seeing each other except for Mondays just for a few minutes because she need to rush back to the university and the more they didn't see each other the more that the odd feeling grew in Renaissance's heart. That question.

Mabilis siyang naglakad patungo sa bahay ni Luke, alam niyang wala roon ngayon ang boyfriend niya pero naroon naman si Lexy. "Ate Renaissance!" Tumakbo papunta sa kanya ang bata at agad niya itong binuhat. "Lexy kumusta ka na, baby?"

ALLRGSTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon