Chapter 29

185 12 4
                                    

First time makasakay ni Renaissance sa eroplano kaya naman excited siya. Nasa gitna ni Luke si Lexy at sa likuran nila sina Bea, James at Phoebe. Apat na oras ang byahe. Noong una enjoy na enjoy ni Renaissance ang panonood sa mga ulap pero pagkatapos ng halos tatlong oras ay nakatulog silang dalawa ni Lexy. Hindi na niya namalayan ang oras at nang magising siya ay nakita niyang nasa gitna si Luke kung saan nakaunan ang kanyang ulo at si Lexy naman ay nakaunan sa kandungan ni Luke. Mabilis niyang inangat ang ulo niya at tiningnan ang doktor. Tulog din ito. Napatingin siya sa cellphone niya, sandali na lang ay magla-landing na sila. Napangiti si Renaissance sa ayos ni Luke at Lexy kaya kinuhanan niya ang dalawa ng litrato.

"Gusto mo?" Biglang sulpot ng kamay ni Bea. Napatingin siya sa kaibigan, "Di ka ba nakatulog?" Tanong niya dito at kumuha ng Doritos. Napataas siya ng kilay, wow Doritos pa. "Di ka makakatulog kapag siya ang katabi mo. Kanina pa nguya nang nguya." Sagot ni James. "Syempre I eat because I'm bored. Di naman ako inaantok dahil 8 hours tulog ko kagabi." Bea shrugged.

She didn't mind the two of them but look back to the window. God, Your creation is the best.




Malayo sa kabayanan ang San Agustin. Kaunti ang mga tao at bahay. Sumakay sila sa traysikel para makarating sa lugar na pag-i-stay-an nila. Maganda ang villa, may pool sa loob ang villa pero ang mas maganda ay 'yung beach. Pagkaayos ng mga gamit nila ay madali silang pumunta sa dalampasigan. "Aaaaah!" Excited na tili ni Renaissance at Lexy nang papunta ang alon sa kanila. All they are going to do is to relax. No one's going to cook and do stuff, magre-relax lang talaga sila. "Wait lang. Let's take a picture." Aya ni Phoebe. They all posed in front of the tripod. The sun is setting at the background and they really enjoyed the day there. Thanks God for the gift of time. Renaissance prayed.



  "I got you covered." Luke smiled at her when he noticed that she was staring at the food with hesitation. Seafood restaurant ito at inaalala niya ang allergy niya. May dala siyang gamot pero hindi 'yung injection na pangmalakasan. Lumingon siya kay Luke at nagtatakang tiningnan ito, "Ha?"

"When I booked this place James told me that this is a seafood restaurant. But I ordered something that's for you but if you still want to eat seafood, I got you covered." Ngumiti siya, "Bakit mo ko tino-tolerate?" Biro ni Renaissance.

"I'm not tolerating you. I've ordered something for you, but of course if you want." Mahinang tumawa si Renaissance at kinurot ang pisngi ni Luke. "Ganoon na rin 'yon, doc."

Umupo na silang lahat at si Lexy ang nag-pray para sa pagkain. They are all thankful for this day. It's enjoying and fun. Napangiti si Renaissance, kampante siya dahil nandito si Luke kaya naman kumuha siya ng sugpo at kinain ito. Napatingin sa kanya si James, "Are you supposed to eat that?" Tanong ni James sa kanya. Ngumiti lang si Renaissance bilang sagot, "Kuya Luke said I got you covered." Nahiya si Renaissance, narinig pala ni Phoebe. "Arururu! Luke may paganon-ganon ka pa ha?" Pang-aasar ni Bea. "I got it all for us. I want us safe." Deny ni Luke habang tumatawa.

"Wala namang may allergy sa amin maliban sa kanya—"

"I have allergy in eggs!" Taas ni Lexy ng kamay. Napatingin sa kanya si Bea, "Ikaw Lexy may allergy ka sa eggs?" Tanong ni Bea. Lexy nodded.

"Seasonal lang naman ang allergy ni Lexy sa eggs. Minsan meron, minsan wala. But of course..."

"You got us covered." Pagtatapos ni Phoebe sa sasabihin ng kapatid. They all chuckled, "Well Renaissance, sa totoo lang ikaw lang covered niya." Tawa ni Phoebe. She smiled back, "Si Lexy rin."


Seven ng umaga nang umalis sila ng La Entrada para mag island hopping. Marami raw islets sa Britania, San Agustin sabi ni James at ang una nilang pupuntahan ay ang Hiyor-Hiyoran. Kung medyo black ang kulay ng buhangin sa pinag-i-stay-an nila, dito sa islet ay kulay puti. Nang makapunta sila ay iilan lang ang mga tao kaya malaya silang makapag-picture na kita ang buong view. "Ate Renaissance let's make sand castles. It's color white. It's so clean." Aya sa kanya ni Lexy. Sinundan silang dalawa ni Luke at tinulungan silang gumawa ng sand castle. Natuwa si Renaissance dahil may bagay palang hirap gawin si Luke. Hindi niya mapatayo ang sand castle at lagi itong bumabagsak. "Why it's not standing?" Sumibangot si Lexy at humalukipkip. "Baka may kulang?" Sagot ni Renaissance, "Lagyan pa kaya natin ng tubig para tumigas siya."

ALLRGSTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon