Chapter 8

403 31 6
                                    

Chapter 8

Lumipas ang matagal na oras at si Renaissance ay patuloy sa pakikipagkwentuhan sa bata. Ang daming nitong sinalaysay tungkol sa kaniyang sarili at mukha namang nalilibang ang bata sa pakikipag-usap sa kanya. Nalaman niya na ang tatay nito ay isang Pastor at ang nanay nito ay guro ng mga bata sa simbahan. Natuwa siya kaya pala ganoon na lang kagalang at kaalam sa Bibliya si Blythe.

Habang nagkukwento ay napansin niyang tahimik na si Blyhte at nang tumingin siya ay nakita niya itong natutulog. Lumipat kasi sila sa bench at kumandong ang bata sa kaniya. Napangiti siya dahil cute na cute siya rito at ang haba ng pilikmata, ang taba-taba ng pisngi. Sadyang magandang bata talaga siya. Pinisil ng marahan ni Renaissance ang pisngi nito at binuhat na para ibalik sa kaniyang magulang.





Binuksan niya ng glass door at pumasok na sa loob, ang pagtitipon sa loob ay isa daw reunion. Napansin niyang maraming bata na kasing laki nito. Siguro ay ayaw lang makipag-interact nito sa iba kaya lumabas siya. "Excuse me po." Sabi niya sa babaeng nakatayo sa gilid. Nakita niya ang name plate nito at nalaman niyang organizer ito ng event. Ngumiti sa kaniya ang babae, "Hinahanap ko po ang parents ni Blythe... ah nasa labas po kasi siya kanina at kakwentuhan ko, hanggang sa makatulog." Tumango ang organizer at sinabing titingnan lang sa guest list ang pangalan ng magulang nito. Maya-maya pa'y bumalik ito at may kasunod na babaeng parang nasa mid-thirties na ang edad. "Oh, thank you so much. Akala ko kasama niya ang mga pinsan niyang malalaki sa labas kaya hinayaan lang namin siya." Pasasalamat nito at binuhat na nito si Blythe na tulog na tulog. "Walang ano man po." Ngiti niyang sabi at tinulungang ayusin ang pagkakabuhat sa bata. "Sorry ha? Baka naistorbo niya ang pagpa-party niyo sa loob." Paumanhin nito. Humindi naman siya agad, "Naku hindi po. Sa totoo po niyan ay lumabas ako sa party dahil naa-out of place ako. Nakita ko naman po siya at nakipagkuwentuhan siya sa akin."

Napangiti ang babae, "Thank you talaga that you took care of her. Ayaw niya talaga sa ganitong parties."

"Pareho po pala kami kaya lumabas din siya. Ang blessed niyo po sa kaniya dahil isa po siyang mabait at matalinong bata."

"Salamat sa papuri. O sige, babalikan ko na ang daddy niya nang makauwi na rin kami. Thank you so much nga pala..."

"Renaissance po."

"Thank you ha?"

"Walang ano man po, God bless."

"God bless din." Magiliw na ngiti nito sa kaniya at hinagod pa ang kaniyang buhok. Napa-chuckle siya ng marahan at nagpaalam na babalik na siya sa loob, bagay na hindi niya ginawa. Hindi pa siya bumalik bagkus ay umupo ulit sa inuupuan niya kanina. Nagulat siya dahil iba na ang ihip ng hangin at biglang lumamig. Kinilabutan siya at humalukipkip at hinagod-hagod ang braso niya para mainitan. Bakit ba kasi ganito 'yung pinasuot sa akin ni Bea? Napasibangot siya dahil kapag pumasok pa siya sa loob ay mas malamig dahil nakasagad 'yung air con.Kaya nasa labas lang siya. Mamaya na siya papasok kapag ginusto niya. "Huuu! Lamig-lamig!" sabi niya at pumadyak-padyak ng marahan. "You should've brought a coat with you." Narinig niya ang boses ng taong pinag-uusapan nila kanina ni Blyhte. "Dr. Luke." Lingon niya.

"Why are you alone here? Kanina ko pa napansin na wala ka sa loob." Sabi nito.

"Uh... di kasi ako sanay sa parties." Sagot niya. He smiled lightly at her, "Akala ko ba you're enjoying?" Naningkit ang mata niya. Na-busted pa tuloy siya na hindi nagsasabi ng totoo. "It's okay..." Luke chuckled, "Bea's inside, medyo nakainom na siya at kanina ka pa niya pinagtatanong pero hinila siya ni Migs na uminom." Ngumiti siya ng matipid bilang sagot. Tumabi ito sa kaniya at narinig niya itong bumuntong hininga, "You don't like people huh?" Ngumiti ulit siya, "Hindi naman."

ALLRGSTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon