Chapter 14

327 20 1
                                    


Chapter 14

Tanghali na siya nagising at dahil ito sa pagpasok ng nurse. Tinanong niya ito kung anong oras na, eight o'clock na raw ng umaga. Kasalukuyan siyang kumakain ng umagahan, bilin daw ito ni Dr. Luke kaya dinalhan siya agad pagkatapos siyangi-check ng nurse. "Ma'am may kailangan pa po ba kayo?" Tanong nito sa kanya. "Wala na po."

"Kapag po kailangan niyo ng makakatulong maligo, i-beep niyo lang po ito o kung may iba pa po kayong kailangan." Paliwanag nito habang minomostra sa kanya ang button na nasa itaas lang ng ulo niya, siguro ay nakalimutan ni Luke na sabihin sa kanya iyon kagabi.

"Salamat po." Pagkatapos niyang kumain ay tumayo siya at tinulak ang pinagsasabitan ng kanyang dextrose. Pumunta siya sa CR para tingnan ang hitsura niya. First time niyang matulog ng hindi naghihilamos dala na rin ng gamot kagabi kaya mabilis siyang nakatulog. Hindi na nga siya nakakain ng hapunan at 'yung snacks lang na binigay ni Luke ang kinain niya tsaka anong oras na rin iyon. Pagkapasok ay agad siyang naghilamos, umihi at nagsuklay ng buhok. Ininom na rin niya ang gamot na binigay sa kanya ng nurse.



Nakaupo siya sa kama at nakatingin sa kawalan habang nagmumuni-muni ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Luke. He's smiling, mukhang fresh na fresh ang doktor ngayong umaga. Napangiti rin siya dito, "Good morning." He greeted, "How do you feel?" tanong nito. "Okay naman. Parang walang sakit pero sabi ng nurse may lagnat pa ako."

"What did you tell to your parents?"

"Sabi ko nilalagnat ako pero okay naman, tsaka sabi ko di muna ako uuwi nitong weekend. Baka magpa-laundry na lang ako ng damit." Sabay tingin doon sa bag niya.

"If you're okay this coming Sunday you can come in the church para hindi ka maka-miss ng Sunday service." Paanyaya nito. "Sayang wala ako sa AWANA mamaya." She said sadly. "Nami-miss ko na 'yung mga bata."

"They'll miss you too." He said looking at her, "Vanessa will sub you... by the way she said she'll visit you and James too." He informed her. Tumango lang siya bilang sagot. "Bakit hindi ka palaging naka coat?" Tanong niya dito.

"It's hot. Tsaka hindi naman required, mas comfortable ang scrubs. Its purpose is to protect you from germs o kung natalsikan ka ng dugo for example." He explained.

"Ah.."

"Ah..." he copied her reaction, "So," he stand up and headed to the door. "I'll check on you mamaya. Sasamahan din kitang mag-lunch. If you need anything just say it to me."

"Ibi-beep ko lang po ito?" Tinuro niya ang button sa itaas niya. He look at the button, "Oh yes," he beamed, "I'll see you later, Ren-ren."

"See you mamaya doc." Pagkaalis ni Luke ay humiga ulit siya sa kanyang kama. Buti nalang at malamig pero hindi gaanong abot ang WiFi ang kwarto niya kaya wala siyang ibang ginawa kundi tumulala. Minsan nagbabasa siya pagkatapos nag-devotion siya at pagkatapos niyang gawin iyon tumulala ulit siya. Natapos ang tatlong oras ng umaga niya ng ganoon lang, tinawagan din niya ang nanay niya pero sandali lang niya itongnakausap dahil may trabaho pa ito.




"Magandang buhay!" Biglang bumukas ang pintuan at nandoon si Bea habang nakataas ang parehong kamay. Nagulat siya sa biglang entrada nito, napaupo tuloy siya bigla. "Magandang magandang magandang magandang umaga Rein! Hola, buenas?" Iniisip niya pa ang kasunod. "Dias." Sagot ni Renaissance.

ALLRGSTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon