Nakita ni Bea si Renaissance na nakaupo sa waiting area sa lobby ng ospital. Napataas ang kilay niya. Alas singko trenta pa lang ng umaga ay nakaupo na ito doon. "Beks!" Tawag niya.
Tumingin sa kanya si Renaissance habang sumisipsip ng gatas na nasa paper cup. Umupo si Bea sa tabi ni Renaissance, "Aga mo naman?"
"Di na ako umuwi." Sagot niya.
"Weh? Bakit naman?"
"Kasi umuwi 'yung tita ni Lexy, sabi ni Luke magpahinga raw muna dahil galing sa byahe. Mamayang seven siya na papalit."
"Hindi rin umuwi si Luke?" Tanong ni Bea. Umiling si Renaissance, "Nasa office lang siya buong gabi. Tapos naalimpungatan ako minsan nakita ko chine-check niya si Lexy."
Sinagi siya ni Bea, "Pati ikaw." Pagtatama nito.
"Tiningnan niya lang ulit si Lexy tapos magbre-breakfast kami. Ikaw dito ka ba natulog?"
Tumingin si Bea kay Renaissance, "Yes. Ayokong umuwi sa amin tsaka maraming trabaho. Kumakarag pa sasakyan ko. Di rin naman umuwi si James kaya wala akong masabayan." Sagot niya. "Speaking of the devil–" napatingin si Renaissance sa direksyon kung saan nakatingin si Bea. Si Luke at James.
"Good morning." Bati ni Luke sa kanilang dalawa. Sumagot sila ng good morning. Tumabi si Luke sa girlfriend at nginitian ito, "Nagka-stiff neck ka ba kagabi?" Tanong nito sa dalaga.
"Nakatulog naman ako pagising-gising nga lang. Ikaw, pa'no ka nakatulog sa office mo?"
"Sa couch."
"Sa couch? Di ka naman kasya roon." Takang sabi ni Renaissance. He chuckled. "I'm okay."
"Ikaw yata ang may stiff neck." Biro niya. "Little bit."
"Gusto mo ng salonpas? Meron ako sa bag." Binuklat ni Renaissance ang bag niya at kinuha ang salonpas tsaka nilagay sa batok ni Luke.
"Sweet naman." Bati ni Bea, "Sana all may boyfriend 'no? Para merong may pakialam sa'yo." Sabi nito. Umismid si James, "Di mo kailangang magkaroon ng boyfriend para may makialam sa'yo. Nanay mo nga tawag nang tawag sa'yo." Pambabara ni James. Bea rolled her eyes, "James... mabuti pa kumuha ka na lang ng pagkain natin." Mapaklang ngumiti si Bea sa kanya at agad naman itong sumunod. Tumayo rin si Luke, "Saan ka pupunta aber?" Tanong ni Bea sa kaibigan.
"To get food?"
"Wag na. Bayaan mo na siyang mag-isa." Luke smiled and shook his head but continue towards the food's direction. "Tingnan mo 'yung boyfriend mo. Masyadong gentleman." Bulong ni Bea kay Renaissance. She smiled at her friend, "Don't worry. Mala-gentleman din naman si James, e." Nanlaki ang mata ni Bea sa narinig. "Eew! Beks no way!"
"Sa tingin mo malalaban 'yon ni Luke? Di naman siya kasal." Tanong ni Bea kay James habang nagkakape sila sa gilid. Kahit lagi silang magkaaway mahilig naman magkape nang sabay ang dalawa. "I think so. Plus her aunt want her to be Luke's child. Lexy likes Luke, too." James answered, "And I know solo parents are allowed to adopt a child but it's a very long and expensive process." Pinu-push na kasi ni Luke ang pag-ampon kay Lexy. Sa gayon daw ay mas maaalagaan ito at mas mabibigyan ng atensyon na parang tunay na magulang. Alam kasi ng lahat na may pagka-reckless ang tiyahin ni Lexy. Oo mahal nito ang bata, pero hindi siya nagagabayan. Kaya nga minsan ayaw ni Lexy sa tita niya. Nang sabihin ni Luke sa tiyahin ni Lexy na gusto nitong ampunin si Lexy walang dalawang pag-iisip na sumagot ito ng oo pero na-delay lang ang proseso dahil na rin sa ilang kadahilanan ng DSWD. "Sana talaga maging legal na anak niya na si Lexy. Tsaka mas mukhang magulang pa nga siya kaysa kay—"
"Shh! Wag kang nagsasalita ng ganyan. Someone might hear you." Pigil sa kanya ni James.
"Bakit ako tatahimik? Wala namang tao." Irap nito.
BINABASA MO ANG
ALLRGSTS
SpiritualSi Renaissance na yata ang depinisyon ng girl-next-door at Jesus freak na babae. Bukod sa talino taglay din niya ang wisdom mula sa Panginoon. Tahimik at masaya ang buhay niya not until she met Luke Verced. The handsome allergist and her allergis...