Chapter 13
Sosyalin at maganda ang paaralan ni Lexy. Pagpasok pa lang ay well organized na ito. Kahit kids school ito para sa mga batang gusto na mag-aral pero wala pa sa tamang edad, ay dinaig na nito ang paaralan niya noong siya ay Junior High School. Magarbo ang stage at may pa-lights pa.
It's five thirty in the afternoon at ang proper start ay six o'clock. Hindi niya makita si Grace sa mga upuan, baka nasa backstage? Kaya pumili na lang siya ng upuan na maaring makita agad ni Grace kapag nagsimula na ang programa. Marami-rami na ang mga tao pero wala pa rin bakas ni Luke o ni Vanessa. Ang alam niya ay pupunta ang mga ito dahil at kinumpirma ito ni Grace sa kaniya kanina.
Magsisimula na ang programa. At si Lexy ay pangatlo sa kalahok ng mga kakanta. Nahahati ang mga kompetisyon depende sa kung anong talent ng bata. Pumasok na ang unang kalahok at mabilis itong natapos. Wala pa rin si Grace, siguradong kinakabahan si Lexy kaya ayaw nitong paalasin ang kaniyang Yaya. Sa totoo lang ay na-aawkwardan na siya dahil wala siyang katabi at mag-isa lang siya, wala pa rin ang isu-support niya. Pero maya-maya lang ay may umupo sa tabi niya. Si Luke at kasama nito si Vanessa. Nginitian siya ng binata at ngumiti din siya, "Hey Renaissance." Bati sa kaniya ni Vanessa na sinagot niya ng isang ngiti. Tahimik lang siya sa panonood pero napapangiti siya sa cute na cute na mga bata, todo effort ang mga ito para manalo. Nakakaaliw panoorin.
It's Lexy's turn. She enter the stage wearing her beautiful pink dress. Renaissance mumbled a prayer for Lexy to finish her song without a problem. Nakangiti itong nakatingin sa lahat and when her eyes landed on Luke her smile grew bigger. She saw Luke waved at her and Lexy waved back then turn to fix her microphone. She cleared her throat like an adult that made the audience laugh, "I am Lexy C. Cristobal. I'm going to sing 10000 Reasons for all of you. I hope you'll enjoy my performance. Thank you and God bless!" Renaissance smiled big. She felt so proud kahit hindi niya kadugo si Lexy. Ang lakas rin ng palakpak niya. Napansin niya naman na habang kumakanta si Lexy ay tinuturuan ito ni Luke ng actions. Hindi gaanong halata ang ginagawa niya kung titingnan, napansin niya lang din dahil kay Luke nakatingin ang bata. #oversupportive
Pagkatapos ni Lexy ay pumalakpak ang mga tao ng malakas. Vanessa thumbs up that made Lexy smile. Natapos ng mabilis ang palabas dahil dalawang minuto at kalahati lang ang time limit ng bawat magpe-perform. Hinihintay na lang nila ang result hanggang tawagin ang lahat sa stage. Nakasama si Lexy at pang fourth runner up siya. Pagkatapos ng awarding ay mabilis siyang inaya ni Luke na puntahan na si Lexy para mag-picture. Nilapitan niya ito at hinawakan ang pisngi para i-congratulate, hindi siya sinagot nito kundi tumango lang. Ni hindi nga siya tiningnan sa mata. When Lexy's eyes landed on Vanessa she immediately go to her and hugged her pero inunahan ni Luke si Vanessa at binuhat niya si Lexy. Habang buhat ni Luke si Lexy ay binati ito ni Vanessa, "You're really amazing. Dinaig mo ko!" Vanessa joked.
"Because you're the one who taught me and you are awesome!" Tinaas pa ni Lexy ang kanyang mga kamay tsaka niyakap at hinalikan si Vanessa. Habang nakatingin si Renaissance sa mga ito ay tinabihan siya ni Grace, "Salamat sa pagpunta Reinaissance ha?" Tinapik siya nito.
"Walang anuman... si Vanessa palanagturo kay Lexy?"
"Oo. Di ko nga alam na maganda rin pala ang boses ni Ma'am Vanessa kaya bagay sila ni doc." Grace chuckled na parang kinikilig. Tumingin siya dito at ngumiti ng pilit. "Ano okay na ba kayo ni Lexy?" She shook her head no. Kaya feel na feel niya na outsider s'ya. "Kausapin mo lang 'yan ng kausapin tingnan natin kung di ka ulit dikitan niyan." Payo sa kanya ni Grace. "Sana nga."
BINABASA MO ANG
ALLRGSTS
SpiritualSi Renaissance na yata ang depinisyon ng girl-next-door at Jesus freak na babae. Bukod sa talino taglay din niya ang wisdom mula sa Panginoon. Tahimik at masaya ang buhay niya not until she met Luke Verced. The handsome allergist and her allergis...