Chapter 10

373 28 5
                                    

Chapter 10


   Nasa labas ng klinika ni Luke si Renaissance. Lunes ngayon at ito ang oras ng theraphy niya. Nakita niya si Lexy na dumarating na naka school uniform pa at nagtatatakbo papunta sa kaniya nang makita siya nito. "Ate Rein!" Malakas nitong sigaw dahilan para mapatingin sa kaniya ang ibang pasyente at  staffs sa lugar. Nakabuka ang kamay nito sa kaniya,  lumuhod ang dalaga at niyakap ang bata nang mahigpit sabay halik sa pisngi nito. "I missed you!" Sabi nito sa kaniya na nagpalambot ng kaniyang puso. Ang sweet talaga ng batang 'to. Tumayo na siya at binati si Grace, "Buti okay ka na." Sabi niya. "Oo nga. Salamat ha? Di pa kita napasalamatan."

  "Naku walang ano man." Ngiti niya dito. "Masarap naman alagaan si Lexy, medyo mapilit nga lang minsan pero mabait naman siya."

"Talaga?" Nanlalaking mata na tanong nito. "Oo. Bakit parang na-shookt ka?"

   "Makulit kasi si Lexy sa akin pati sa iba niyang yaya dati, minsan lang siya maging mabait. Sa tingin ko nga piling tao lang ang pinapakisamahan niya... 'yung mga gusto niya talaga." Napataas ang kilay ni Renaissance. Pili rin pala ang pinakikisamahan nito. "Titiklop din 'yan sa'yo. Wag mo kasing sundin lahat ng gusto niya tsaka baka masyado mong pinapakita na siya nasusunod sa inyong dalawa," Tumingin siya sa bata na kumukuha ng pagkain sa kanyang bag, "Kahit yaya ka niya ipakita mo na mas matanda ka. Tapangan mo nang kaunti, kailangan niyang malaman na hindi lahat ng i-utos o pagawa niya sa'yo susundin mo kahit mali na."

   "Natatakot ako baka magsumbong..."

"Hindi 'yan. Diba sabi mo alam ng Tita niya na ganoon ang ugali niya, kaya maiintindihan ka no'n." Ngiti niya dito. Umupo na silang dalawa at kinalong niya si Lexy na umiinom ng Yakult.

"Are you going to sleep in the house again?" Tanong ni Lexy sa kaniya.

"Mm... no. I have to go to school tomorrow."

  "Why not? Mommy is not there, only me and Yaya." Medyo napangiwi siya. "...I will go to school today." Lexy said out of the blue.

   "Do well in school."

"Of course! Dr. Luke told me that I must study well so I'll get stars and every time I get stars he said he'll be proud of me. Minsan, he give me gifts." Masayang kwento nito sa kaniya. Nauubos na ang pasyente na una sa kaniya hanggang maging turn na niya ang pumasok sa loob ng clinic. Pinasabay niya na rin sila Lexy para less awkward ang atmosphere. Katulad ng dati ay tinurukan na ulit siya nito at itinanong ang mga pagbabago sa kaniya. Pinaliwanag din sa kaniya ni Luke ang do's and don'ts as usual. Hanggang ngayon ay humahanga pa rin siya sa galing at pagiging professional nito tuwing nag-e-explain. Doktor na doktor ang dating niya!

Pagkatapos naman ay si Lexy ang tineraphy nito. Naghintay pa siya ng thirty-minutes, nauna na sila Lexy dahil papasok pa ito sa eskwelahan. Kaya heto ay naiwan na naman siya sa klinika ni Luke. Buti na lang ay marami-rami ang mga pasyente kaya hindi pa sila nagkakausap. Doon siya umupo sa sofa ng clinic para hindi maka-istorbo sa ibang pasyente. Pinanood niya kung paano sila chine-check up ni Luke. Super duper cool niya naman ang gwapo pa. Ngiti niya sa sarili.


    May pumasok ulit na pasyente. Magnanay sila at mukhang mayaman. Nakayuko lang ang dalagita. Nang sabihin ni Luke ang edad ay medyo na shookt siya kasi alam na niya ang dahilan kung bakit nandito ang bata. Unang nagpaliwanag ang nanay at nagagalit dahil dalawang buwan na raw na hindi dinaratnan ang kaniyang anak. Fifteen years old pa lang ito ngunit ang postura niya ay mas mukhang matanda pa kay Renaissance. Nang i-pt ito ay positive ang resulta ng pregnancy test niya. "Tingnan mo! Look what I've told you! Anong kagandahan maibibigay sa'yo ng lalake mo na 'yan! You got yourself pregnant, you're a shame! Nakakahiya ka! Di ka man lang nahiya!" kinabahan si Renaissance sa naririnig niya. Dinuro-duro pa ng nanay ang anak niya at hinila ang buhok. Pinigilan silang dalawa ni Luke at pinakalma ang nanay. "Makakasama po sa bata ang pag-lash out niyo. Calm yourself, Madam. Your anger won't solve this problem." Inayos ng babae ang damit at buhok niya. Namumula pa rin ito sa galit na nalilisik ang mata na naka tingin sa anak niya. Umiiyak lang ang dalagita na nakayuko at nakatakip ang buhok niya sa mukha. Tumingin siya kay Luke na saktong nakatingin rin sa kaniya. Alam niya ang ibig sabihin nito at gusto ni Luke na lumabas muna silang dalawa ng dalagita dahil kakausapin niya ang nanay ng bata. Inaya niya ang babae at lumabas silang dalawa. Tatatlo na lang ang pasyente sa labas ng makita niya. Dinala niya ang dalagita sa may bintana sa gilid malayo sa mga tao. Umiiyak pa rin ito at hinagod niya ang likod nito. "Huwag ka ng umiyak. Makakasama lang iyan sa baby mo." Sabi niya, "Ganiyan talaga. Initial reaction iyan ng mga magulang. Gusto nila 'yung best para sa iyo. Alam ko mapapaliwanagan ang nanay mo ni Dr. Luke." Biglang yumakap sa kaniya ang bata, "Mommy, I'm sorry... babawi na lang ako." Iyak nito. "Sabi ko sa'yo h'wag ka ng umiyak diba? Alam mo ang pagkakamali mo, tanggap mo iyon. Ang gawin mo na lang ipakita mo sa nanay mo na magiging responsableng ina ka sa anak mo, at itutuloy mo pa rin ang pag-aaral mo. Syempre sa lahat ng mistakes e may consequences, pero maging matapang ka kasi kailangan ka ng anak mo." Tumingin sa kaniya ito habang umiiyak. Pulang-pula ang mata nito at pinunasan niya ang luha't ngumiti rito. "H'wag ka ng matakot diyan. Baka mamaya lang okay na kayo ng mommy mo. Pag-pray mo na lang... gusto mo I'll pray for you." Tumango ito at pumikit ang mata. Kahit hindi ito gaanong nagsasalita alam ni Renaissance na naghihirap ang kalooban ng bata. Pumikit siya at hinawakan ang kamay ng dalagita. "God, thank You for being wonderful Father to us. Nandito po ang isang kaibigan at humaharap po siya sa pagsubok. She knew her mistake and now she's facing the consequence, dalangin ko po na sana tulungan Niyo siya na makabangon. Mapatawad po nawa siya ng mommy niya at tanggpin ang sitwasyon. Alam kong masakit at mahirap pero walang imposible sa Iyo. Tulungan Mo po sila na maging maayos ang relasyon sa nanay niya. Gabayan Niyo siya at ang kaniyang anak at sa pagdating ng panahon na magiging ina na rin siya... maraming salamat po sa Iyo, in Jesus Name. Amen." Tumahan ito at niyakap siya. Pagkatapos ay pinaliwanagan pa niya ito ng mga bagay na dapat nitong gawin. Buti ay nakikinig ito sa mga sinasabi niya. Naawa siya sa mga katulad nito, oo may karapatang magalit ang mga magulang na iniingatan ang anak nila pagkatapos ay nadisgrasya. Pero ang paliwanag sa kaniya ng Pastor nila ay lingapin na lang at kausapin dahil sila rin naman mismo ang haharap sa pagkakamali nila. Pero syempre, dapat mag-ingat pa rin ang mga kabataan. Hindi magiging maayos ang buhay sa isang bagay na hindi pinaghandaan.


ALLRGSTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon