Chapter 22

188 15 1
                                    

Parang bumalik sa pagkabata si Luke sa kung saan siya inaaya ni Renaissance. Hila-hila siya nito ngayon papuntang bump car pagkatapos nitong mag-carousel at merry-go-round. Agad siyang sumakay sa pulang kotse, habang natatawang nakatingin sa kanya si Renaissance. Nasisikipan si Luke at halos nakatalungko na dahil masyado siyang matangkad at hindi kasya sa bump car. Nagulat si Luke nang biglang may bumangga sa sasakyan niya, kasunod nito ang malakas na pagtawa ni Renaissance. "Luke kala ko ba magaling kang mag-drive ng sasakyan?" Panunuya ni Renaissance. Nag-drive na siya palayo sa doktor nang siya naman ang banggain nito. Nagulat siya dahil nasundan agad siya ng doktor. Tinapunan niya ito ng matalim na tingin, "I haven't told you that I do race when I was a teen." He smirked. Renaissance sighed and tried to push Luke's car, pero lumalaban din ito kay umatras siya at mabilis na tinamaan ang sasakyan nito "Yay!" Tinaas niya ang kamay niya at inaasar-asar si Luke. Nilabas niya ang kanyang dila para hamunin ito. Lumayo si Luke at mabilis niyang pinaandar ang bump car tsaka ginitgit si Renaissance sa pader kung saan di na siya makakawala. "Who's loser?" He laughed. Umaatras si Renaissance pero hindi na siya makaalis dahil cornered na siya ng doktor. She sighed and get up from the car. "Ayoko na."

"Bakit? Kasi talo ka?" Luke can't stop to smile teasingly at her. Gusto niyang makitang nayayamot si Renaissance.

Napakamot ng ulo si Renaissance, "Madaya ka naman e." Reklaml nito. He chuckled, "Ako madaya?" He pointed at himself, "Sige na nga po Ma'am. Let's go to other rides." Binalik na nila ang mga sasakyan at saka lumabas. Palinga-linga si Renaissance at sinisipat kung anong rides ang sunod na magandang puntahan. "Have you chosen?"

"Sakay tayong ferris wheel." Ngiti nito. Luke nodded and they started walking towards the ferris wheel. Mahaba ang pila at malapit ng kumagat ang dilim. "Mamaya sakay tayong jungle log?"

"Jungle log?" Tiningnan siya nito at tumango. "Jungle log." Ulit nito.

"Pero tingin ko di ka kasya sa log. Masyado kasing mahaba tuhod mo." Tingin nito sa tuhod ni Luke, "Kanina nga hindi ka magkasya sa bump car... tapos dinaya mo pa ako." Irap nito sa kanya saka tumingin sa ibang direksyon.

"Wait, I didn't cheat on you. Ang tawag doon, strategy. I'm just good at driving." He explained. Renaissance raised her eyebrows and looked teasingly at him na parang hindi siya naniniwala. "That's true." He pinched her right cheek.

"Ouch!" Aray nito. Agad tinanggal ni Luke ang kamay tsaka hinaplos nang marahan ang pisngi nito. "Sorry." Mahinang tawa niya. "So happy ka pa nakasakit ka?" Pagtataray ni Renaissance. "I said sorry!" He innocently exclaimed. "I said sorry." Panggagagagad ng dalaga. He can't help but smile.

Matagal din silang naghintay para sa ferris wheel. Nang makasakay na sila ay magdadapit-hapon na kaya hindi na ganoon kainitan. Luke took his phone and started filming the view. Unti-unti na silang tumataas.

Tahimik na nakatitig si Renaissance sa paligid. Pinagmamasdan niya ang ganda nito. "What are you looking at?" Tanong ni Luke. Lumingon siya para tingnan ito nang siya namang pag-flash ng camera. "Luke!" She whined. Paniguradong ang weird ng hitsura ko roon! Kanina pa siya gino-good time ni Luke. He laughed when he saw the picture. Maingat siyang lumapit sa doktor— takot na gumalaw ang ferris wheel dahil nalulula siya— tsaka pilit na kinuha ang cellphone nito pero as usual di niya mapantayan ang lakas nito. "Baka ang pangit ko diyan."

He smiled at her, "Ang cute kaya." Her heart skipped a beat. Seriously? Anong problema doc?

Hindi niya pinahalatang natigilan siya sa sinabi nito at nilahad ang kamay niya, "Patingin." Mataray niya sabi.

Luke hold the cellphone in front of her and she looked at it. Totoo nga, hindi siya pangit doon, pero hindi niya gustong purihin ang sarili niya pero ang cute nga niya sa picture. "See? I told you." He smiled. Umupo siya sa tabi nito at sw-in-ipe niya ang litrato. Nakita niyang ito 'yung kuha niya kanina. "Ha? Kala ko ba sa cellphone ko 'to kinuhanan?" Takang tanong niya sa doktor. Luke cleared his throat, "Mas malinaw kasi kapag dito." Pagdadahilan niya.

ALLRGSTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon