"Good Morning Everyone!" masayang bati ni Nica sa mga magulang na nagkakape sa veranda.
"Good Morning princess." bati ng papa niya. Lumapit siya dito at humalik sa pisngi nito.
"Good Morning baby." Bati naman ng mama pagkatapos niyang humalik din dito.
"Asan si Kuya?" tanong niya nang mapansing wala ito. Nakakapanibagong walang nang-aasar sa kanya.
"Maagang umalis. Aakyat daw sila ng bundok ng mga classmates niya." sagot ng papa niya habang nakatutok ang mga mata nito sa diyaryo.
"Napapadalas ang pag-akyat ng bundok ni Kuya ah." aniya sabay upo sa harap ng mga ito.
Nakahanda na ang almusal sa harap niya. It's the usual pero feeling niya extra special. Minsan dun sila nag-aalmusal sa veranda. Depende sa mood ng parents niya."Hmmmm. Ang sarap naman." aniya pagkatapos isubo ang scrambled egg. Nakapikit na ninamnam niya ang pagkain. Nagulat pa siya sa nagtatakang tingin ng parents niya nang magmulat siya ng mga mata.
"Bakit po?" tanong niya.
"Wala lang. Nakakapagtaka lang. Palagi ka namang kumakain ng scrambled egg pero yung reaction mo parang ngayon mo lang natikman." Anang mama niya sabay iling.
"And you're extra happy today. Why is that?" dugtong ng papa niya. Napangiti siya sa tinuran ng mga ito. Kilalang kilala talaga siya ng parents niya.
"Actually po... sobrang saya ko po ngayon kasi aalis kami ni Ethan." aniya
"Palagi naman kayong namamasyal. Anong bago ngayon?" Tila na curious din na tanong ng mama niya.
"Kasi... susunduin namin sa airport si Darren!" Excited niyang sagot
"Wow! Really?" tila gulat din na sabi ng mama niya
"Yes ma! And super excited ako!" aniya na tuwang tuwa.
"Well, enjoy today princess pero paalala lang ha? Masyado ka pang bata para sa pag-ibig ibig na yan." anang papa niya.
"Pa naman. Pag-ibig agad? Wala pa yan sa isip ko." aniya pero ramdam niya ang pamumula ng mga pisngi.
"Okay, may tiwala naman ako sa'yo." anang papa niya sabay kindat.
"Naman pa! Alam niyo namang never naging distraction si Darren sakin. Summer naman ngayon at kasama ko naman si Ethan." aniya na hindi nabawasan ang tuwa.
"Ok sweetie basta mag-ingat kayo ni Ethan ha?" anang mama niya.
"Yes po. Aalis po kami ng 10 AM. 11 AM dadating si Darren." aniya
"Alam ba to nina Shean?" tanong ng mama niya.
"Opo, kaso hindi sila pwedeng sumama kasi secret lang yung pagdating ni Darren. Baka mapagalitan si Ethan. Naiintindihan naman nila at tsaka wala naman sila dito. Nasa bakasyon din." Mahabang paliwanag niya.
"Good. Tapusin mo na yang almusal mo at mag a-alas nuebe na." anang papa niya.
"Okay po." aniya na hindi maalis alis ang mga ngiti sa labi. Ano kaya ang magandang suotin?
***
"Nica, calm down." ani Ethan habang nasa private exit sila ng airport. Dun lalabas si Darren. Kanina pa siya hindi mapakali.
"Ok lang ba yung suot ko? Hindi ba ako overdressed?" tanong niya dito kahit alam na niya ang isasagot nito. She's wearing a white shorts, a plain black v-neck shirt and a sneakers. Maliit na black knapsack lang din ang dala niya. She wants to make it simple and classy at the same time. Ayaw niyang masabihan na masyado niyang pinaghandaan ang araw na ito.
BINABASA MO ANG
The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)
FanfictionHIGHEST RANK: #30 in FanFiction 💚 To the most beautiful DARRENatic, I love you.💚 ~DE This is a Darren Espanto FanFic. The whole story is just a fiction but some of the scenes are based on real-life experiences. Read and see how it's like to be a...