The Instagram

5K 224 32
                                    

Kinaumagahan maagang nagising si Nica at ang mga kaibigan niya. It's Sunday at kailangan na nilang umuwi sa kanya kanyang mga pamilya. Nagcheck out sila at nalaman din nilang kanina pa umalis sina Darren. Bahagyang nalungkot si Nica kahit alam naman talaga niyang maaga ang alis nito. Siguro dahil alam niyang matagal na naman bago sila magkita ulit. At syempre malayo ang Manila sa Iloilo. Feeling LDR tuloy siya. Char!

Pag-uwi niya sa bahay nila, sa kanya lahat ng kwento kahit na nung lumabas na sila ng family niya para magsimba at kumain, walang tigil pa rin ang kwento niya sa dami ng magandang nangyari kahapon. Aliw na aliw naman ang parents niya sa kanya samantalang ang kuya niya panay iling at kantiyaw sa kanya.

Pagkatapos mananghalian sa labas, umuwi na sila. Pagdating sa kwarto agad nagbihis at nahiga si Nica. Ngayon niya lang naramdaman ang sobrang pagod pero kahapon feeling niya superwoman siya. Yung kahit ano kaya niyang gawin. Napangiti siya nang mahagip ng mata niya ang iPad niya sa bedside table. Kinuha niya ito at binuksan. Mas lalong lumapad ang ngiti niya nang makita ang pictures nila at selfies ni Darren. Hindi niya pa pala na-uupload sa IG ang mga yun.

Mayamaya pa'y busy na siya sa pagtipa sa cellphone niya. She collaged and posted 2 of Darren's selfies on her phone; one close up and one full body mirror shot.... then she captioned it...

NicaGarcia08: Someone took selfies using my iPad. 😱 How did you know my passcode? @darrenespanto1  ... Thank you! You made me the happiest.💚

She tagged Darren although she doubted it na mababasa nito sa dami ng nagtatag dito oras oras.

Hindi pa lumilipas ang isang minuto nang biglang....

@darrenespanto1 liked your photo

Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi pa siya nakakabawi nang biglang...

@darrenespanto1 commented on your photo

Oh my gosh!!!! Hindi napigilan ni Nica ang mapatili ng sobrang lakas. Napasugod tuloy ang kuya niya.

"Anong nangyari?" Katok nito sa labas ng pinto niya.

"Wala kuya. Ok lang ako. Sorry." aniya na pigil pigil ang mapatili ulit.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo diyan. Lower down your voice Nica." anito.

"Opo kuya." Sagot niya habang pagulong-gulong sa kama niya na parang wala sa sarili.

Nang makabawi, binuksan niya ang Instagram niya. Nagulat pa siya na hindi pa lumilipas ang limang minuto eh more than hundred likes na ang posts niya. Andami na ring comments... hindi na nga niya mahanap yung kay Darren.
Panay ang scroll up niya nang sa wakas makita niya ang comment nito.

darrenespanto1: You're welcome @nicagarcia08 ... I didn't have to know your passcode. I just used the new feature of IOS, I swiped left. 😉

OMG! Hindi niya alam yun ah! Baka bago lang ang feature na yun sa bagong IOS? Pero wala siyang pakialam, importante nagreply si Darren!!!! And based sa reply niya parang indirect confirmation na rin na iPad nga niya ang gamit nito. Juskolord! Sobra ang panginginig niya. Mabilis siyang nagreply.

nicagarcia08: Hahaha! I didn't know that new feature @darrenespanto1 ... anyway, thank you so much! We love you!💚

Gusto sana niyang ilagay "I Love You" kaso nahihiya siya. Kaya "We Love You" na lang para safe.

The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon