"Good Morning Ate Nica!" nagising si Nica sa malambing na tinig ni Lynelle. Nakatunghay ito sa kanya. Ang ganda ng ngiti nito at mukhang bagong ligo.
Teka! Anong oras na ba?
Napabalikwas siya ng bangon.
"Good Morning Baby!" bati niya dito. Lynelle smiled
"Let's go downstairs na po. Nandiyan na si Aling Ising." yaya nito.
"Nasa baba na siya? Teka, anong oras na ba?" tanong niya dito.
"It's past 8 AM na po." anito. Nanlaki ang mga mata niya. She overslept. Paano ba naman umaga na siya natulog.
Oh my gosh! I need to hurry up. Baka hinhintay na nila ako for breakfast.
Akmang tatayo na siya nang maalalang injured nga pala siya. Sandali siyang natigilan at napatingin kay Lynelle. She cleared her throat bago nagsalita.
"Hmmm baby? Would you mind help---"
"Ako na." biglang putol ni Darren sa sasabihin niya. Napatingin siya dito. Nakasandal ito sa pinto.
Kanina pa siya nandiyan?
Just like his sister, nakaligo na rin ito. Bumilis bigla ang tibok ng puso niya. Ang aga naman ng blessing para sa mga mata niya. He looked so gwapo and mabango.
Haiiiii... ang sarap magising ng ganito...
"Ako nang bahala kay Ate Nica. You go downstairs and help Mommy prepare breakfast." baling nito kay Lynelle. The little girl nodded at mabilis na lumabas ng kwarto.
"Let's get going." ani Darren sabay hawak sa kanya. Ayun na naman ang kuryente. Dumagdag pa ang mga paru paru sa tiyan niya na parang hindi mapakali. He helped her stand. Ang kamay niya ay idinantay nito sa balikat nito habang ang kamay naman nito ay nakasuporta sa baywang niya.
I need oxygen! Nahihirapan akong huminga!
He assisted her hanggang sa makarating siya sa CR.
"Kaya mo na bang mag-isa diyan sa loob?" tanong nito.
"Oo naman! Thank you." aniya. He smiled.
"Dito lang ako sa labas if you need anything." anito.
"Sure. Thanks." aniya at isinara na ang pinto. Sandali niyang tiningnan ang sarili sa salamin. She looked like a mess but then naalala niya ang sinabi ni Darren nung isang araw. She still look good daw kahit sabog sabog ang buhok niya. Bigla siyang kinilig sa naalala. She brushed her teeth using the spare toothbrush na nandun. She also washed her face and combed her hair. Nang sa tingin niya presentable na siya, lumabas na siya.
"Done?" tanong ni Darren sabay alalay uli sa kanya.
"Yup." nakangiti niyang sagot. Sobrang bango nito. Hindi niya napigilan ang amuy-amuyin ito ng palihim. Napangiti siya sa sarili.
***
Walang patid ang pagtulo ng luha niya habang kagat kagat niya ang mga labi. Nakaupo siya sa sofa habang si Aling Ising naman ay nasa harap niya, sinusubukang ayusin ang nabaling buko buko niya. Hindi niya mapigilan ang umiyak kasi sobrang sakit talaga.
"Konting tiis lang ineng. Hinahanap ko pa ang naipit na ugat." anito habang tila minamasahe ang paa niya. Siya naman hindi mapigilan ang mamilipit sa sakit.
Naiiyak na tumingin siya kina Darren. Awang awa naman itong tumango sa kanya na tila sinasabihan siya na magpakatatag. Mas lalo tuloy niya gustong umiyak.
BINABASA MO ANG
The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)
FanficHIGHEST RANK: #30 in FanFiction 💚 To the most beautiful DARRENatic, I love you.💚 ~DE This is a Darren Espanto FanFic. The whole story is just a fiction but some of the scenes are based on real-life experiences. Read and see how it's like to be a...