The Reasons

3.3K 156 15
                                    

"Whew! Nakakapagod!" turan ni Chelzie nang finally makaupo sila sa Jollibee.

"Ganyan talaga. Inikot ba naman natin ang buong Manila eh." ani Trisha.

"Ok lang yun. Atleast worth it ang punta natin dito." sagot niya.

"Naman! Yung pangyayari pa nga lang last night sobrang worth it na eh." ani Shean na ang tinutukoy ay ang birthday party ni Darren.

"At meron pa bukas ng gabi!" na-eexcite na dugtong ni Trisha. Oo nga pala bukas na ang D'Birthday Concert ni Darren sa MOA Arena at sobrang excited ang lahat maliban sa kanya.

It's past 3pm at nasa Mall of Asia sila. Ginutom sila sa buong umagang pag-iikot ng Manila. They've been to Intramuros, Luneta Park, Casa Manila Museum at Fort Santiago. Hindi sila masyadong nahirapan kasi pinag drive sila ng driver ng tita Emmie niya. Sandali itong umuwi dahil may pinabili ang Tita niya. Buong mag hapon silang magiikot sa MOA ngayon. Nag side trip pa sila kanina sa Divisoria para bumili ng susuotin nila bukas sa concert. DARRENatics are going to paint MOA Arena green at excited ang mga kaibigan niya. Her? Medyo malungkot siya ngayon eh. May nangyari kasi kagabi na silang dalawa lang ni Darren ang nakakaalam.

"Ako na ang mag oorder. Anong sainyo?" ani Chelzie sabay tayo. Umalis ito kasama si Trisha matapos nilang sabihin dito ang gusto nilang kainin.

"Kamusta ka na?" tanong ni Shean. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito.

"Okay lang. Ba't mo naman natanong?" aniya.

"Nung pauwi na kasi tayo kagabe parang hindi na kayo masyadong nagpapansinan ni Darren." anito.

"Wow. Ang observant mo ha?" tudyo niya dito.

"Oo naman. Masyado kasing obvious ang mga galaw niyong dalawa at parang umiyak ka." anito. Bahagyang lumamlam ang mga mata niya sa sinabi nito. She tried to fake a laugh.

"Nagpansinan kaya kami. Nag ba-bye siya sakin nung pauwi na tayo." aniya dito.

"You mean, nagba-bye siya satin." anito na sadyang diniinan ang satin.

"We're fine Shean." aniya matapos bumuntong hininga.

"You're not. Magtapat ka nga sakin. Ano ba kasi ang meron sa inyo? Anong nangyari?" tanong nito.

"Hindi ko alam sa kanya. Bigla na lang siyang naging distant nang malamang nag away kami ni Ethan." malungkot niyang sagot dito. Wala siya sa mood mag detalye ng mga pinag usapan nila ni Darren.

"So hindi pala niya alam na nag-away kayo ni Ethan?" tanong ni Shean.

"Hindi. Nagulat siya eh. Ang labo talaga ng lalaking yun." aniya sabay buntong hininga. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos ni Darren. Kung nababasa lang sana niya ang tumatakbo sa isip nito. Hindi ba nito alam na nakakasakit na ito ng damdamin? One moment, he's sweet and caring tapos biglang magiging cold and distant. Hindi niya pa rin ma gets kung bakit kailangan nitong dumistansiya sa kanya.

"Mukhang na guilty." ani Shean.

"Siguro. Bakit kasi nagkagusto sakin si Ethan. Okay na sana lahat eh." aniya na bahagyang nalungkot. Darren did admit na na guilty ito.

As if naman may gusto siya sakin.

"Ang hirap nga ng sitwasyon mo." ani Shean sabay iling iling. Napabuntong hininga siya. Kasabay noon ay ang pagdaloy ng alaala ng pinag usapan nila  kagabi....

The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon