Bumaba na silang magkakaibigan. Kinatok nila ang admins sa room nila pero mukhang bumaba na din ang mga ito.
"Ano kaya ang room ni Darren? Same floor kaya tayo?" Tanong ni Trisha habang sakay sila ng elevator.
"Malamang hindi. Alam kaya ng receptionist na DARRENatics tayo. For sure, sa medyo malayo tayo nilagay." ani Chelzie
"Paano naman yun? Eh last two room na nga sabi nila di ba?" aniya
"Baka sabi lang nila. Baka yung totoo madami pang available rooms na katabi nung kay Darren?" sabi naman ni Shean
"Hayaan niyo na. Makikita at makakausap din natin siya. Tiwala lang." tugon niya
Nakarating sila sa baba at pumasok na sa GreenMall. Tama nga ang mga kasama nila. Andami nang tao! Halos hindi na nga sila makadaan papunta sa harap. Buti na lang naka DARRENatics Shirt sila kaya pinapasok agad sila ng guard. Tamang tama sa harap silang magkakaibigan.
"Ba't ang tagal niyo? Buti na lang napakiusapan namin. Bawal palang magreserve ng seat. Sabi namin nag CR lang kayo." salubong ni Gerlie sa kanila
"Pasensiya na, nakatulog kasi ako. Ganito pala pag mallshow. Hours before pala talaga dapat nandito na tayo. May dalawang oras pa tayong hihintayin." aniya
"Ok lang yan. Para naman kay Darren. Upo na tayo." Sagot ni Gerlie
"Naman! Pordalab!" Tugon niya at naupo na nga. She took pictures and updated her social media accounts. Sobrang dami ng tao. Halos di mahulugan karayom mula ground floor hanggang 4th floor. Iba talaga si Darren Espanto.
Mayamay pa'y restless na ang mga tao. Yung iba biglang magsisisigaw tapos bigla silang lilingon kasi akala nila andiyan na si Darren. Hindi ni Nica maintindihan ang nararamdaman. First time niyang makikita si Darren na magperform ng live. This is a dream come true to her and her friends.
Napatuwid sila ng upo ng biglang lumabas mula sa likod ng stage ang MC.
"Hello GreenMall Iloilo! Are you ready?" Sigaw nito na tinugon naman nilang lahat ng mas nakabibinging sigaw.
"Who's excited to see Darren Espanto Live?!" Dugtong nito. Sigawan ulit ang mga tawo.
"Actually nandiyan na siya sa backstage. Pero bago yan, let's be entertained by an amazing dance number from the Anonymous Dance Group!" Naghiyawan ang mga tao kasabay ng paglabas ng isang grupo ng mga lalaking mananayaw.
The dance number was actually entertaining pero wala dun ang atensiyon ni Nica. Mas iniisip niya ang mangyayari mamaya paglabas ni Darren. Ilan kayang kanta ang kakantahin niya? Sasayaw kaya siya?
Sana sumayaw siya.
Mayamaya pa'y binigyan sila ng mga green balloons and small banners ng mga admins. Excited nilang tinanggap at winagayway ang mga ito.
"Thank you Anonymous Dance Group! And now! We are on the best part of this afternoon's show! Are you ready Iloilo?!" Tanong nito na sinabayan nila ng malakas na hiyawan.
"Yesssss!" sigaw ng lahat
"He is known as the Total Performer and he's here to promote his very first album. The smoking hot, the very talented... let's give it up for Darren Espanto!!!"
Nakakabinging sigawan ang sunod niyang narinig. Hindi na rin napigilan ni Nica na makisigaw. Nanginginig siya sa sobrang excitement. Lumabas si Darren dala dala ang microphone. He's so handsome wearing a plain black shirt.
"Mula nang makilala ka, lagi na lamang nasa isip ka. Ang 'yung ganda'y naiiba. Hangad kong lagi ay makita ka. Sana'y hindi panaginip. Oh di kaya'y kathang isip. Naakit mo ang puso ko. Ngayon ay umiibig sa'yo....." lahat sila ay napasabay sang kanta
BINABASA MO ANG
The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)
FanfictionHIGHEST RANK: #30 in FanFiction 💚 To the most beautiful DARRENatic, I love you.💚 ~DE This is a Darren Espanto FanFic. The whole story is just a fiction but some of the scenes are based on real-life experiences. Read and see how it's like to be a...