"Excuse me. Can I join you?" aniya nang makalapit. Gulat na napatingin sa kanya ang lahat.
Gad! Was that me talking? Am I out of my mind?
"Nica?" sabay na turan nina Kyle at Bailey na tila hindi makapaniwala na nandun siya. She smiled sweetly at them bago bumaling kay Darren habang namumungay ang mga mata.
"Hi." bati niya dito. Matiim itong nakatitig sa kanya na tila pinag-aaralan ang kilos niya.
"What are you doing here?" inis na tanong ni Angel. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Shut up bitch! Hindi ikaw ang kausap ko." mabilis na labas ng mga kataga sa bibig niya. Kitang kita niya ang gulat sa mukha ni Angel.
Don't mess with the drunken Monica!
Napa "Oh" naman ang mga kaibigan ni Darren. Kahit siya nagulat sa sagot niya kay Angel. Mukhang naparami nga yata ang inom niya. Lumalabas lahat ng gusto niyang sabihin kay Angel. Napamaang siya nang mapansin ang pinipigil na ngiti ni Darren.
Hindi na siya galit sakin?
Mas lalo tuloy lumakas ang loob niya.
"Can you please move a bit?" aniya sabay lapit sa gitna nito at ni Angel para maupo.
"Ano ba?!" reklamo ni Angel pero hindi niya ito tinantanan hanggat hindi ito umiisod.
"Iisod ka o magpapakandong ako kay Darren?" nakataas ang kilay na tanong niya dito. Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. Narinig naman niya ang impit na tawa ng mga kasama nila.
"Ano? Ayaw mo?" tanong niya dito. Akmang uupo na siya sa kandungan ni Darren nang padabog itong umisod.
"Good girl." pang-aasar niya dito bago naupo sa tabi ni Darren. Ewan ba niya pero parang nawala talaga lahat ng hiya niya sa katawan. Pakiramdam niya ang tapang tapang niya.
Ramdam niya ang bahagyang pag ikot ng mundo niya nang makaupo siya. Unti unti nang umi-epekto ang ininom niya. Pasimple niyang inihilig ang ulo sa balikat ni Darren. Hindi naman ito nagreklamo. Hinayaan lang siya habang patuloy itong nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan. Ramdam niya ang matatalim na tingin sa kanya nina Angel at Clara pero wala siyang pakialam. Benelatan niya ang dalawa na mas lalong ikinainis ng mga ito.
First time niyang malasing sa buong buhay niya and so far, nagugustuhan niya ang epekto. Nagkakaroon kasi siya ng tapang at lakas ng loob na lapitan at kausapin si Darren.
Ilang sandali pa, nagkayayaan na ang lahat na sumayaw. Lahat tumayo at pumunta sa dancefloor maliban sa kanya. Nagpaiwan siya dahil umiikot ang paningin niya. Sa huli, napagdesisyunan niyang sumaglit muna sa CR para kahit papano mahimasmasan siya.
Milagrong bahagyang bumuti ng bahagya ang pakiramdam niya nang makapag CR siya. She also retouched then went out confidently although pakiramdam niya medyo lumilipad pa rin siya.
Hinanap ng mga mata niya ang grupo nina Darren. Nakita niyang mukhang nag-eenjoy ang mga ito sa pagsayaw. Hinanap ng mga mata niya sina Angel at Clara.
Nasaan na kaya ang mga bruha...
Nakita niya ang dalawa sa table nila. Mukhang may pinagtataluhan ang dalawa. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may inilagay si Angel sa inumin ni Darren. Pagkatapos mailigay, pasimpleng bumalik ang mga ito sa dancefloor na parang walang nangyari.
Naniningkit ang mga matang tinungo niya ang table nila. Umupo siya at sandaling nag-isip kung ano ang gagawin. Wala pang bawas ang inumin ni Darren dahil alam niyang hindi naman ito masyadong umiinom pero mas mabuti na ang nakasisiguro. Plano sana niyang itapon na lang ang inumin kaso namataan niyang pabalik na ng table ang grupo nina Darren. Dahil sa pagkataranta at kalituhan, pinagpalit na lang niya ang inumin nila ni Darren. Atleast alam niyang hindi niya dapat inumin ang nasa harap niya.
BINABASA MO ANG
The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)
Fiksi PenggemarHIGHEST RANK: #30 in FanFiction 💚 To the most beautiful DARRENatic, I love you.💚 ~DE This is a Darren Espanto FanFic. The whole story is just a fiction but some of the scenes are based on real-life experiences. Read and see how it's like to be a...