"Ang ganda ng ngiti natin ah. Parang araw araw ka na lang ganyan." pansin ni Trisha. Nasa library sila dahil vacant nila. They are doing their assignments for tomorrow.
"Wala lang. Andami lang kasing nangyaring magaganda these past few weeks." sagot niya habang ngingiti ngiti pa rin. Ilang linggo na ang nakalilipas mula nang sabihan siya ng I miss you ni Darren pero hanggang ngayon hindi pa rin siya maka move on. Actually mula nung araw na yun, palagi na itong tumatawag kapag hindi ito busy. Palagi silang nag-uusap ng kung anu ano like school and his shows. Minsan naman si Lynelle ang kausap niya. Napapangiti pa rin siya kapag naaalala niya ang mga late night conversations nila. Yung feeling na komportable na sila sa isa't isa. Nakakalula at nakakabaliw. Hindi siya maka move on. Parang araw araw Christmas. Napangiti na naman siya sa naisip.
"Hala siya. Nakangiti na naman siya." pansin ni Shean sabay iling iling. Hindi pa niya nakukuwento sa mga ito na lagi siyang tinatawagan ni Darren. Sasabihin na naman kasi ng mga ito na may something sa kanila. At gusto din niyang kahit papano gawing private ang mga kilig moments niya.
"May hindi ka ba sinasabi samin?" tanong ni Shean.
"W-wala. Huwag niyo na akong pansinin ok?" aniya sabay tutok ulit ng atensiyon sa ginagawa.
Sabay sabay silang napatingin sa cellphone niyang nasa mesa nang biglang nag vibrate. Darren's name registered. Requesting for Facetime.
Oh my gosh! Bakit siya tumatawag?
Usually kasi gabi ito tumatawag o di kaya'y weekends. Ramdam niya ang biglang pagtingin sa kanya ng mga kaibigan. Awkward siyang ngumiti sa mga ito.
"Wala pala ha?" ani Chelzie bagamat halatang nanunukso.
"Sagutin mo na yan. Huwag ka nang mahiya." udyok Shean.
"Gumamit ka ng earphone baka mapagalitan tayo." dugtong ni Trisha. Mabilis niyang kinuha ang earphone. Huminga muna siya nang malalim bago sinagot ang tawag.
"H-hi." aniya nang lumabas ang gwapong mukha ni Darren.
"Hi!" sabay sabay na bati ng mga kaibigan niya na nagkumpulan na pala sa likod niya.
"Shhh..." saway niya sa mga ito. Nasa library sila. Baka mapagalitan pa sila.
"Hi! Kamusta kayo?" bati ni Darren. Pero dahil may earphone, siya lang ang nakarinig ng sabi nito.
"Kamusta daw kayo." aniya sa mga kaibigan.
"Sabihin mo ok lang kami. Miss na namin siya." ani Chelzie.
"Ok lang daw sila at m-miss ka na daw nila." aniya.
"Miss ko na din kayo." anito.
"Miss na din daw niya kayo." aniya. Hindi napigilang kiligin ng mga kaibigan niya. Nakaagaw tuloy sila ng atensiyon. May ilan na napatingin sa kanila.
"Guys, lumabas na muna tayo. Baka mapagalitan tayo." yaya niya sa mga ito at nauna nang lumabas. Sumunod ang mga kaibigan niya.
"What happened?" tanong ni Darren.
"Wala naman. Lumabas lang kami ng library. Bawal kasing mag ingay dun." aniya. Dumiretso sila sa bench sa football field at dun ipinagpatuloy ang video call with Darren. She unplugged the earphone para magkarinigan silang lahat. Ipinatong niya ang cellphone sa harap kung saan kita silang lahat.
BINABASA MO ANG
The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)
FanficHIGHEST RANK: #30 in FanFiction 💚 To the most beautiful DARRENatic, I love you.💚 ~DE This is a Darren Espanto FanFic. The whole story is just a fiction but some of the scenes are based on real-life experiences. Read and see how it's like to be a...