The Surprise

3.4K 161 60
                                    

"Ready na ba lahat?" tanong niya kay Ethan. Nasa hotel room sila nito at ni Darren. Inayos nila ang buong kwarto. Ngayong gabi na niya sasagutin si Darren at sobrang excited siya. Nag effort talaga siya kasi naniniwala siya na Darren deserves nothing but the best! Char!

Nasa dinner pa ito kasama ang mga organizer and staff ng mallshow nito. Pagkatapos ng mallshow kanina, dumiretso silang magkakaibigan sa hotel kung saan ito pansamantalang naka check in kasama si Ethan.

"Yes Maam. Everything's under control." natatawa nitong pinisil ang ilong niya.

"Thank you Ethan ha? The best ka talaga." aniya sabay hilig sa balikat nito. Inakbayan siya nito at hinalikan sa ulo.

"Anything for the best girl friend ever." anito na ikinangiti niya. Hindi pa rin ito nagbabago hanggang ngayon. He's still the same sweet and caring Ethan. Atleast ngayon alam na niyang talagang naka move on na ito sa kanya.

Pinagtulungan nilang ayusin ang buong kwarto. Sobra sobra ang pasasalamat niya sa mga kaibigan niya na kahit kailan talaga supportive. There were balloons and their photos together hanging everywhere.

"Matagal pa ba si Darren? It's already past 9." ani Trisha. Nasa sala silang lahat, nagpapahinga at nag-ready kasi anytime dadating na ito.

"Oo nga. I'm hungry na." ani Precious.

"Ethan, itext mo na kaya?" aniya dito.

"Tatawagan ko na lang." ani Ethan at mabilis na nag dial. Ilang ring ang dumaan pero walang sumasagot.

"He's not answering." ani Ethan.

"Baka nagda-drive." aniya.

Ilang sandali pa ang lumipas bago may biglang kumatok. Nagkatinginan silang lahat bago mabilis na kumilos.

"Hala! Baka siya na yan. Pasok ka na bilis Nics!" ani Chelzie sabay tulak sa kanya papasok sa loob ng kwarto ni Darren.

"Patayin niyo lahat ng ilaw bilis!" utos ni Precious. Mabilis na nagsitaguan ang mga kaibigan niya habang siya pumasok sa built in closet sa loob ng kwarto nito. Ang usapan nila, lalabas lang siya pag nakita na ni Darren ang mga petals ng rosas na nakahugis YES sa kama nito.

She sighed at sandaling nakiramdam. She could hear voices talking. Siguro sina Ethan at Darren since nagising kunwari si Ethan sa katok ni Darren. Malamang nasa sala pa ang dalawa. Ilang sandali pa, naririnig na niya ang papalapit na boses ni Darren.

"Thanks bro. Goodnight." anito sabay sara ng pintuan at lock. She could see him mula sa maliit na awang ng closet door.

Hey! Open the lights!

Pero wala yata itong balak buksan ang ilaw kasi nagsimula na itong maghubad. Isa isa nitong binuksan ang butones ng polo nito. Nakatalikod ito sa kama kaya marahil hindi nito naaninag ang mga dekorasyong inilagay nila.

Oh my gosh! I'm not seeing this!

Nag-panic bigla ang utak niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin lalo na't nasa kalagitnaan na ito ng pagbubukas ng mga butones ng polo nito.

Napatigil ito nang biglang may kumatok sa kwarto. Nakahinga siya nang maluwag nang magsalita si Ethan. Nahalata din siguro nito na parang walang nangyayari sa loob.

"Bro?" tawag nito.

"Yup?" sagot ni Darren.

"Are you ok in there?" tanong ni Ethan.

"Of course. Why wouldn't I?" nagtataka nitong tanong.

"N-nothing." tanging sagot ni Ethan.

Gosh! Mukhang papalpak pa ang surprise ko ah. Baka mahigaan niya ang mga petals at ma disarrange!

The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon