The Hints

3.1K 161 52
                                    

"Wow! You look stunning."  ani Tito Don. Napangiti siya sa papuri nito. Hindi niya magawang tumingin kay Darren na sigurado siyang nakatingin na ngayon sa kanya.

"Ate Nica!" ani Lynelle at yumakap sa kanya. Bahagyang yumuko siya dito.

"Hi Baby." aniya at hinalikan ito sa pisngi.

"You came!" nakangiti nitong turan.

"Syempre naman." aniya.

"Hello po Tita Nel." bati niya sa mama ni Darren sabay halik sa pisngi nito.

"You look beautiful." puri nito.

"Thank you po Tita." nahihiya niyang sagot.

"Hindi kita nakilala agad Nica." ani Tita Luz. She thanked her and kissed her cheek. Nag hi din siya sa iba pang kapamilya ni Darren sa table.

Then her eyes caught his. Sandali silang nagkatinginan. Ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso niya.

"H-hi." bati niya dito.

"Hi." bati din nito.

Wala ni isa man sa kanila ang nag iwas ng tingin. She could see admiration in his eyes at sigurado siyang ganoon din ang nakikita nito sa mga mata niya. She just couldn't stop staring at him. Ang gwapo gwapo nito!

Naputol ang tinginan nila nang biglang magsalita si Lynelle.

"Saan ka nakaupo Ate Nica?" tanong nito. Hindi siya nakasagot agad kaya si Vince ang sumagot.

"Nica's with me. Dun kami malapit sa dessert area nakaupo." paliwanag ni Vince. Napansin niya ang biglang pagkunot ng noo ni Darren. Nagtatanong ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Ahh... yes. I came alone. H-He sat beside me and kept me company." aniya. Vince smiled.

"So paano Tito? Balik muna kami sa table para mag dinner." paalam nito.

"Sure hijo. Enjoy the night and send my regards to you dad." ani Tito Don.

"Sure Tito. Let's go Nica?" yaya nito sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang sumama.

"Sige po." aniya at ngumiti sa mga ito.

"See you around Nica." ani Tito Don na sinuklian niya nang ngiti.

She looked at Darren. Matamang nakatingin ito sa kanya. Hindi niya mabasa ang mga mata nito. She got this weird feeling na parang biglang nag bago ang mood nito. He looked cold. Tipid niya itong nginitian bago sumama kay Vince pabalik ng table nila.

Kahit nakatalikod ramdam niya pa rin ang titig ni Darren lalo na at yung kamay ni Vince ay nasa likod niya naka-alalay. Hindi niya naman magawang pagsabihan si Vince since normal lang naman para sa isang gentleman ang ginagawa nito and he's been nice to her mula kanina. Napansin na naman niya ang mga titig ng tao sa kanila. What's with Vince ba?

"Mind if I ask you something?" tanong niya dito habang nagsisimula na silang kumain.

"Sure." anito

"Napansin ko lang kasi na panay ang tingin ng mga tao sa'yo. Anak ka ba ng Hari?" aniya na idinaan sa biro ang tanong. Vince laughed.

"Manghuhula ka ba?" tanong nito na ikinabigla niya.

"Seryoso? Anak ka nga ng Hari?" tanong niya habang nanlalaki ang mga mata.

"Of course not. You're really a funny girl." anito

"Then bakit nga sila tingin ng tingin sa'yo?" tanong niya.

"Maybe they just find me gorgeous." biro nito sabay kindat.

"Hindi nga. Please sabihin mo na. Napansin ko rin kanina na sa'yo nakatingin sina Bailey at Kyle." aniya.

The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon