The Goodbye

4.1K 159 89
                                    

Nagising siyang masakit ang ulo niya. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata. Napakurap kurap siya nang mapansing nasa ibang kwarto siya. Napabalikwas siya ng bangon pero agad ding napahiga nang mabilis na sumigid ang kirot sa sentido niya.

Asan ako?

Inilibot niya ang paningin sa silid. Pamilyar sa kanya ang kwarto pero hindi niya matandaan kung kanino. Nagulat pa siya nang mamataan ang wallclock. Past 9AM na. Suot niya pa rin ang suot niya kagabi maliban na lang sa jacket niya na nakasabit sa upuan sa harap ng dresser. Paano siya nakarating sa kwartong ito?

Nasagot ang mga tanong niya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang pumasok. Si Darren. May dala dala itong tray ng pagkain. As usual, mukha na naman itong mabango lalo na at bagong ligo ito. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mailapag nito ang dalang tray sa side table.

"How are you feeling?" tanong nito sabay upo sa kama. Pinilit niyang bahagyang bumangon. Mabilis naman nitong inayos ang unan sa likod niya para makaupo siya nang maayos.

"I'm fine." tipid niyang sagot. Dinama nito ang noo niya. Mabilis na pinalis niya ang kamay nito. She's still mad at him. Nakikita pa rin niya sa isip ang eksena kagabi. Hindi niya matanggap na may hinalikan itong iba maliban sa kanya. Sandaling napamaang ito bago napabuntong hininga.

"I told you. I didn't kiss her. She kissed me." anito.

"You let her kiss you." madiin niya turan dito.

"It's because I was caught off guard. For a moment I froze but I did push her." anito. Sandali siyang napaisip. She didn't see him push her.

Eh kasi umiyak at umalis ka agad. anang isip niya.

"You didn't see it, did you?" he asked while looking at her intently. Marahan siyang umiling.

"It didn't happen if you didn't dance with her in the first place." aniya na hindi naitago ang inis sa boses.

"I had to. She asked me to dance with her... for the last time... bago ako umalis." anito na bahagyang lumamlam ang mga mata.

Bigla siyang natigilan. Oo nga pala, aalis na nga pala ito. Mabilis na lumipad ang mga mata niya sa kalendaryong nakalapag sa dresser. Bukas na pala ang alis nito. Iiwan na naman siya nito at siguradong taon na naman ang aabutin bago sila magkitang muli. Hindi niya napigilan ang bahagyang pangingilid ng mga luha.

Gad... he's leaving me.

Mabilis naman siyang dinaluhan ni Darren. Umisod ito papalapit sa kanya sabay hawak ng kamay niya. Wala na siyang lakas para tumanggi. She's hurting. Iniisip pa lang niyang malayo dito parang masisiraan na siya ng bait.

"I'm sorry you had to see that. Wala sa tamang pag-iisip si Angel nang gawin niya yun." anito na ang akala ay yung paghalik pa rin ni Angel dito ang ikinalulungkot niya. Bigla siyang nainis nang mapagtanto ang sinabi nito. It's like he's actually justifying her stupid actions.

"Wala sa tamang pag-iisip? Gad Darren. Matagal nang wala sa tamang pag-iisip si Angel. Gawain ba ng matinong babae ang mga pinaggagagawa niya? She's insane!" naiinis niyang pahayag. Sandali siya nitong tinitigan bago nagsalita.

"She was drugged." ani Darren. Natigilan siya sa sinabi nito.

"What?" anas niya.

"Ecstacy." anito. Sandali siyang nag-isip kung ano ang ecstacy. Ok she remembered. It's an illegal drug used to produce a feeling of excitement and pleasure especially... sexual pleasure. Ang sabi ng teacher nila dati sa New York, the drug could make a person carefree and... horny. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya kay Darren.

The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon