The Friends

3K 146 31
                                    

She could feel the butterflies in her stomach habang hila hila siya ni Darren papunta sa table ng family nito. What was he thinking? Baka isipin ng iba girlfriend siya nito.

"Ahem! May pa holding hands na kayong dalawa ah." tukso ni Kyle na nakasunod sa likod nila kasama si Bailey.

"Is that for real bro?" ani Bailey.

"I'm doing her a favor." ani Darren na ipinagtaka niya.

"Wait. What do you mean?" tanong niya. Sandali silang huminto.

"I'll explain it to you later. Halika na." anito sabay hila ulit sa kanya. Naiwan sina Kyle at Bailey malapit sa table ng mga ito. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod kay Darren.

Favor? Akala ko pa naman for real na.

Nang makarating sa table nina Darren nagkasalubong ang mga mata nila ni Vince. Hindi nakaligtas sa kanya ang nanunudyong tingin nito habang sinusulyapan ang magkahugpong kamay nila ni Darren. Bigla tuloy siyang nahiya. May ilang mga matang nakapako din sa kamay nilang dalawa lalo yung mga nasa table nina Bailey. Buti na lang sina Tito Don lang at Vince ang naiwan sa table ng family ni Darren. Hindi nga niya makita sina Tita Nel at Lynelle.

She tried to free her hand from Darren's grip pero hindi nito binitawan hanggang sa makaupo na sila.

"Hey. Are you trying to get me in trouble?" bulong niya dito.

"Nope. I'm actually trying to save you." anito sa mahinang tinig na silang dalawa lamang ang makakarinig.

"Save me? How? Gusto mo yatang ma bash ako eh." nakalabi niyang reklamo.

"Bash? That's the last thing on my mind. Why? Would you like to be on papers tomorrow with Kuya Vincent instead?" anito na nagpalaki ng mga mata niya.

"What do you mean?" aniya na bahagyang kinabahan.

"I heard people talking about you two being an item and I'm pretty sure baka bukas nasa papers or news ka na. Buti sana if blind item. Paano if may kumuha ng picture niyo dito?" mahaba nitong paliwanag.

"Grabe naman! Agad agad?! Ngayon nga lang kami nagkakilala at nagkausap." mahina pero madiin niyang sagot dito.

"Hindi mo alam how judgmental showbiz is. Kaya nga iwasan mo muna ang dumikit sa kanya ngayong gabi. Sakin ka muna mag concentrate. People should know na ako ang nag imbita sayo dito. Walang malisya yung satin kasi mga bata pa tayo and people here know na magkaibigan tayo." anito na hindi niya alam kung seryoso ba o nagbibiro.

Magconcentrate talaga? Ano ka exam? Ang sakit naman ng walang malisya...

"Fine! Kainis ka pero pwede ba bitiwan mo na ang kamay ko? Wala na namang nakakakita. He didn't listen. He just kept on playing my with her hand. She sighed.

"Oh Nica. Are you enjoying the party?" baling sa kanya ni Tito Don. Dahil sa gulat mabilis niya binawi amg kamay sa pagkakahawak ni Darren. He let go of her hand.

"Ok naman po Tito. Ang sarap po ng food." aniya sabay ngiti.

"Make yourself comfortable, ok? I'll just roam around. Vince?" paalam nito. They all nodded.

She could feel the sudden tension nang umalis si Tito Don. Si Darren tahimik lang habang si Vince naman panay ang kindat sa kanya. He's teasing her. Siguradong ang tumatakbo ngayon sa isip nito ay ang mga katagang "I told you". She couldn't help but look at Darren. May gusto nga kaya talaga ito sa kanya?

Erase! Stop assuming. We're both too young for that and concern lang siya sakin. Don't believe Vince.

"Excuse me po Sir Darren. Pinapatawag po kayo ng mama niyo." anang lumapit na kasambahay kay Darren. Tumango si Darren at tumayo.

The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon