"Nic? Alis na kami ng papa mo ha? Natawagan ko na ang school niyo. Pagaling ka." paalam ng mama niya. Marahan siyang tumango habang nakapikit. She didn't want to open her eyes dahil siguradong makikita ng mga ito na magdamag siyang umiyak.
Naramdaman niyang hinalikan siya ng parents niya sa noo sabay haplos ng pisngi niya. She forced a smile. Gustong gusto na niyang yakapin ang parents niya para kahit papano maibsan ang sakit na nararamdaman niya pero pinigilan niya ang sarili dahil siguradong maiiyak lang siya.
Ilang sandali pa narinig na niya ang pagbukas sara ng pintuan ng kwarto niya. Nang masigurong nakaalis na ang mga magulang, marahan niyang iminulat ang mga mata. Ang bigat ng pakiramdam niya. Ganito ba talaga ang feeling ng brokenhearted?
Now what Nica? You can't go on like this forever...
Biglang sumama ang pakiramdam niya kagabi. Sumakit din ang ulo niya dahil sa magdamag na pag-iyak. She couldn't help it. Sobrang sakit lang talaga and she's too young to ignore the pain. Feeling nga niya nakatulong kahit papano ang magdamag na pag-iyak niya. Bahagyang nabawasan ang sakit.
Nagulat siya sa biglang pagtunog ng iPad niya. Si Ethan! Sandali siyang nag-alangan kung sasagutin ba niya kasi tiyak magtatanong ito pero naisip din niya na he deserves to know. Pareho nila itong kaibigan ni Darren. At isa pa she needs someone to talk to dahil kung hindi, baka sumabog ang puso niya o di kaya'y tuluyan na siyang mabaliw.
She composed herself bago sinagot ang tawag nito.
"E-ethan." bati niya sa garalgal na boses. Hindi pa sila nagsisimulang mag-usap pero parang gusto na niyang umiyak. Mabilis nitong napansin ang namumugtong mga mata niya.
"Hey Nics... are you ok? What happened?" nag-aalalang tanong nito.
"I-I'm not okay." aniya sabay kagat ng mga labi. She's trying to stop herself from crying.
"Hey... don't cry. It's going to be ok. I'm here now. Tell me everything." anito na bakas ang sobrang pag-aalala.
And she lost it. Tuluyan na siyang napaiyak. Akala niya naibuhos niya na ang lahat kagabi. Ngayong kaharap niya si Ethan parang ang sarap umiyak. Iba pa rin pala yung may nakakausap kang ibang tao maliban sa sarili mo.
"It's ok Nics. Let it out. Just tell me whenever your ready." anito habang siya patuloy na umiiyak. Marahan siyang tumango. Right there and then nahiling niya na sana nasa tabi niya si Ethan para yakapin siya. She suddenly missed how he used to be her best guy friend ever. He still is, pero iba pa rin na nasa malapit lang ito.
Ilang sandali pa natapos din siya sa pag-iyak. Sandaling dumaan ang katahimikan habang nag-iipon siya ng lakas ng loob bago sabihin dito ang lahat.
"Is it Darren?" biglang basag nito sa katahimikan. Napabuntong hininga siya sabay tango ng marahan.
"Now what really happened?" tanong nito. She composed herself at sinimulan na ngang ikwento dito ang nangyari. She started on the part na nagkita sila ulit sa Manila na sure niyang alam na ni Ethan but she wanted to detail everything anyway. She told him about the concert... Vince... the accident... sina Angel and Clara... her overnight sa bahay nina Darren... si Honey... yung mga late night conversations nila... si Jeremy... yung biglang pagbabago nito... their tweets... everything...
"Seriously, you two really need to talk because you know what Nics? Both of you have a point." anito
"What do you mean? Did he also tell you about u-us?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)
FanficHIGHEST RANK: #30 in FanFiction 💚 To the most beautiful DARRENatic, I love you.💚 ~DE This is a Darren Espanto FanFic. The whole story is just a fiction but some of the scenes are based on real-life experiences. Read and see how it's like to be a...