The Star Magic Ball was a blast. Busog na busog ang mga mata ni Nica sa mga naggagandahan at naggwagwapuhang mga artista. Kahit yung tenga niya busog na busog din sa mga naggagandahang boses ng mga singers. Even her Darren also had his fair share of intermission number. Sobrang proud siya dito. Halos mangawit na nga ang panga niya sa kakangiti buong gabi.
When it was time for dinner, todo asikaso ito sa kanya to the point na parang nakalimutan na nitong si Angel ang ka date nito. Kontodo simangot tuloy ang babae. Pasimple niya itong siniko at tinapunan ng tingin ang babae sa tabi nito. Tila narealize din naman ni Darren ang ibig niyang sabihin kaya kahit papano, inasikaso din nito ang babae. Kilig na kilig naman ang bruha.
Sandaling nagpaalam ang tatlong lalaki sa kanila. Pumunta ang tatlo sa table nina Robi Domingo na dalawang table lang ang layo sa kanila. Mukhang may pag-uusapan ang mga lalaki. Nakaharap siya sa mga ito kaya kitang kita niya ang bulungan at tawanan ng mga ito. She's glad that Darren is having a good time. He winked at her and she smiled at him.
Nagulat pa siya nang walang paalam na tumayo at umalis din si Angel. Pinigil niya ang ngiti nang mapansing tila nahihirapan itong maglakad sa haba ng cape ng gown nito. Nang mapatingin siya kay Ylona, nakita din niya ang pinipigilan nitong ngiti. Sandali silang nagkatinginan at sabay pa na napabunghalit ng tawa.
Ylona transferred on Kyle's chair and started to talk to her. Andami nilang napag-usapan. Kinuwento nito sa kanya na nakapag mallshow na daw ito sa Iloilo. Nainlove daw ito sa city nila at sa mga tao dun. She got a lot of antics. Enjoy na enjoy siya sa pakikinig dito na hindi niya namamalayan na magkasing lakas na pala sila ng tawa. Tila wala namang pakialam ang mga tao sa paligid since busy din ang bawat grupo sa kanya kanyang mga usapan. Naputol ang usapan nila nang biglang mag ring cellphone ni Ylona. Sandali itong nagpaalam sa kanya. Babalik din daw ito agad. Nakangiti naman siyang tumango.
Naibaling niya ulit ang pansin sa table nina Robi. The three guys were still there. They're still busy talking. She smiled when she caught his eyes. Ilang sandali din silang nagtitigan bago ito sumenyas na tingnan niya ang cellphone niya.
Ano na naman kaya ang gimik nito...
She checked her phone. Nagulat pa siya na may 3 messages siya. Nagtatakang tinapunan niya ito ng tingin. He just grinned then winked at her. She rolled her eyes then started to open the messages.
Him: Have I told you how beautiful you look tonight?😍
Him: Thank you for being here. Your smile made this night extra special.☺️
Him: Your laugh is contagious babe. I'm enjoying the view.😉
She couldn't help but feel kilig to the highest level. Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan. Pigil pigil ang ngiting tinapunan niya ito ng tingin bago nagsimulang mag type ng reply dito.
Her: Not yet, but I could tell that you were "SHOOKT" 😆
Her: You're welcome. I just wanna make you happy.😊
Her: Have I told you that you look so hot and gorgeous tonight?😆
Nakita niyang napangiti ito sa mga replies niya.
Him: Nope, but you don't need to tell me that. I can tell by the way you look at me.
Her: I appreciate the humility Espanto.🙄
Him: Just kidding babe. I love you!😍
Her: I love you more.😘
BINABASA MO ANG
The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)
Hayran KurguHIGHEST RANK: #30 in FanFiction 💚 To the most beautiful DARRENatic, I love you.💚 ~DE This is a Darren Espanto FanFic. The whole story is just a fiction but some of the scenes are based on real-life experiences. Read and see how it's like to be a...