"Excuse me." ani Nica pagkatapos tumikhim. Napalingon sa kanya ang lahat. Kitang kita niya ang pagbabago ng reaksyon ng dalawang lalaki. Parang nabunutan ng tinik ang mga mukha nito.
"Yes? Who are you?" ang babae ang sumagot. Bigla siyang nainis.
Anong who are you? Nakita mo akong kasama nila kanina tapos who are you? Eh kung pag-uuntugin ko kaya kayo ng mga friends mo? Aniya sa isip.
"She's our friend." si Ethan ang sumagot. Nakita niya ang pagtaas ng kilay ng babae.
"Kakain na ba tayo?" ani Darren sabay tingin sa kanya na parang nagmamakaawa. She's not slow para hindi maintindihan ang tingin na yun. Ganoon din si Ethan. Now she's the one playing hero.
"Yup. Tawag na kayo. Marami pa tayong gagawin after." aniya sabay ngiti sa dalawang lalaki. Diniinan niya ang salitang "marami" at "gagawin".
"Just in time. I'm already famished." ani Ethan na tila ginalingan din ang pag acting.
"Let's go?" aniya at sabay na tumango ang dalawang lalaki. Akmang aalis na sila nang biglang magsalita ulit ang babae.
"Wait! Hindi niyo ba kami yayayaing kumain?" anang babae na tila wala ni konting hiya sa katawan. Biglang umusok ang ilong ni Nica.
Aba't hinahamon talaga ng babaeng ito ang pasensiya ko ah. Aniya sa sarili.
"I'm sorry. Konti lang kasi yung food na hinanda namin baka mabitin kami." aniya at pilit na ngumiti. She's trying to be as polite as possible.
"I'm not asking you." anang babae na mas lalo niyang ikinainis.
"Then, can we see you guys tonight?" baling nito sa dalawa. Hindi na niya napigilan ang sarili. The dragon in here suddenly bursted out.
"No! Marami kaming gagawin. Hindi kayo kasama sa itinerary." nakataas kilay niyang sagot. Ubos na ang pasensiya niya. Hindi na niya hinintay ang sagot ng mga babae. Mabilis niyang hinila ang dalawang lalaki na willing namang nagpahila sa kanya.
"Hey! Wait!" sigaw ng babae pero hindi na nila pinansin ito.
"Huwag na huwag kayong lilingon." babala niya sa dalawa. Mabilis pa sa alas kuwatrong nakarating sila sa tent. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na sumunod ang mga babae.
"Whew! That was brave of you." komento ni Ethan na tila aliw na aliw.
"Whatever." aniya at pinandilatan ito. Naiinis pa rin siya. Kung hindi na sana in-entertain ng mga ito ang mga babae na yun, hindi lalaki ang mga ulo nila.
"That was fierce!" biro ni Darren na tila gustong pagaanin ang loob niya pero hindi siya sumagot. Bad mood pa rin siya. Hindi niya alam kung bakit.
"Tulungan na kita Kuya." aniya sa Kuya Leonard niya. He's grilling pork, chicken, and hotdog.
"Patapos na ako Nics. Ihanda niyo na lang yung table for boodle fight." anang Kuya niya.
"Kaya na nila yun." aniya sabay lingon sa tatlong lalaki. Nagtatawanan ang mga ito habang inaayos ang mga dahon ng saging para sa boodle fight nila. Napabuntong hininga siya.
"Bad mood huh?" anang Kuya niya.
"Nakakainis lang kasi Kuya. Hindi mo lang alam kung ano yung mga pinagsasabi ng mga babaeng yun kanina. Ang lalandi." nakasimangot niyang sabi sabay halukipkip.
BINABASA MO ANG
The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)
FanficHIGHEST RANK: #30 in FanFiction 💚 To the most beautiful DARRENatic, I love you.💚 ~DE This is a Darren Espanto FanFic. The whole story is just a fiction but some of the scenes are based on real-life experiences. Read and see how it's like to be a...