Nakahiga na siya at handa nang matulog nang magpatugtog si Precious ng iPod nito gamit ang speakers nila sa kwarto.
"I just downloaded new set of songs. Mostly OPMs."anito habang busy sa pag scan sa iPod nito.
"Top 100?" tanong niya. Hindi na siya masyadong updated sa mga OPM music.
"Yup! Sabi ng cousin ko grabe na daw yung pag evolve ng OPM. Gusto kong marinig ang mga bagong kanta sa Pilipinas ngayon." anito.
"Sabagay, matagal tagal na rin since huli tayong nag soundtrip ng OPMs." aniya.
Ilang sandali pa, tahimik na silang nakikinig sa mga kanta. Manaka nakang nag-uusap sila pag may nagugustuhan silang kanta.
"What are you going to sing tomorrow night?" tanong ni Precious.
"I still don't know yet. Maybe I'll just pick something I know like the back of my hand." aniya. Wala na siyang oras para mag practice ng bagong kanta.
"How about this song?" anito. Sandali niyang pinakinggan ang kantang tumutugtog.
"Hey! I know this song! Revival ba to?" aniya nang mapakinggang mabuti ang kanta.
"Yata.. let me check." sandali nitong tiningnan ang iPod nito.
"The title is YOU by Jona." ani Precious.
"Oh I knew it! It's a revival nga. Kinakanta ni mama dati yan eh." aniya.
"That's good. Yan na lang kantahin mo. Pamilyar ka na naman pala sa song eh. Para maiba naman." anito. Napangiti siya nang mag chorus na. She actually loved this song.
"It's your smile, your face, your lips that I miss. Those sweet little eyes that stare at me and make me stay..." natigilan siya sa pagkanta nang ma realize ang thought ng kanta.
"Oh ba't ka huminto? Ang ganda ng kanta." ani Precious.
"I-I don't wanna sing that." seryoso niyang tugon.
"What? Bakit?" nagtataka nitong tanong.
"I don't like the lyrics." aniya
"You don't like the ly--- ok... I get it." ani Precious sabay kibit balikat.
"Maybe I'll just sing...Dangerous Woman." aniya.
"Mag-isip ka ng iba. Hindi bagay sa'yo ang Dangerous Woman. Dapat sa'yo Coward Woman." anito sabay irap sa kanya.
"Woah! Ako? Coward? Hindi kaya." reklamo niya.
"Yes, you are. Kahit sa kanta nga natatakot ka. Kung talagang matapang ka, kantahin mo ang YOU bukas." anito sabay tayo papuntang banyo. Alam na alam talaga nito kung paano siya i-trigger.
"Fine! Andami mong sinabi." reklamo niya dito. Wala naman talagang problema sa kanya kung yan ang kakantahin niya. Hindi lang siya komportable sa lyrics pero alam niyang keri niyang kantahin yun bukas.
"Good girl."anito sabay kindat sa kanya. Binato niya ito ng unan pero mabilis na itong nakapasok sa banyo.
She continued listening to the music habang nagpapa-antok. Na-agaw ang atensiyon niya ng isang hindi pamilyar na kanta. Napaka light and catchy ng intro nito. Gusto sana niyang i check ang title at singer kaso tinatamad siyang bumangon. Nasa kama ni Precious ang iPod nito at hindi pa ito lumalabas ng banyo.
BINABASA MO ANG
The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)
FanfictionHIGHEST RANK: #30 in FanFiction 💚 To the most beautiful DARRENatic, I love you.💚 ~DE This is a Darren Espanto FanFic. The whole story is just a fiction but some of the scenes are based on real-life experiences. Read and see how it's like to be a...