The Trio

3.1K 170 10
                                    

Darren?!  sigaw ng isip niya.

She only got a glimpse of his chinky eyes pero sigurado siyang si Darren ang kaharap niya. Hindi siya nakapagsalita agad. She waited until he stepped into the light malapit sa popcorn stand para kunin ang bottled water at iabot ang bayad nito. Napaawang ang bibig niya nang maabot ng liwanag ang mukha nitong tila kanina pa nito tinatago.

It's him! It's really him!

Akmang magsasalita na siya ng biglang tawagin ito ng kasama.

"Let's go bro." tawag ni Kyle. Hindi nga siya nagkamali. Kasama nito ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Kyle at Bailey. Tumango ito sabay inom ng tubig. Hindi ito lumingon sa dako niya. Naglakad ito pasunod na mga kaibigan nito na nagsimula nang lumakad palayo. Biglang nag panic si Nica. She wanted to call him pero nag-aalangan siya lalo na at may mga kasama ito. Pano kung hindi siya nito pansinin o di kaya'y hindi makilala? Pinagalitan niya ang sarili.

Don't be such a paranoid! Hindi ganyan si Darren. He's the most humble person on earth kaya tawagin mo na siya.

Dalawang dipa na ang layo nito sa kanya ng magkalakas loob siyang tawagin ito.

"D-darren!" bahagya niyang nilakasan ang loob. Napangiwi siya ng bahagyang pumiyok ang boses niya. Napahinto ito at marahang lumingon sa gawi niya.

"Nica?" gulat na sabi nito. Nahihiya siyang ngumiti pero ramdam niya ang malakas na kabog ng puso niya.

He recognized me!

"Anong ginagawa mo-----" hindi natapos ni Darren ang tanong kasi biglang nagsalita si Kyle.

"Hurry up. Kuya Carlo is calling." ani Kyle. Napatingin siya kay Darren. Nakita niya na bahagyang nalito ito. Nagtatalo siguro ang isip kung aalis na o kakausapin pa siya. Marahan siyang tumango dito to let him know na it's ok na umalis na ito.

"Let's catch up some time ok?" anito. Nakangiti siyang tumango. He smiled and turned his back pero bigla siyang may naalala.

"Wait!" lumingon ito.

"Happy Birthday." bati niya dito sabay ngiti. He smiled back and mouthed thank you bago naglakad palayo.

She watched him walk away with his friends hanggang sa mawala ang mga ito sa paningin niya. Napabuntong hininga siya. Akmang aalis na siya nang biglang magsalita ang tindera ng popcorn.

"Anong flavor ang sa'yo Miss?" tanong nito. Nakalimutan niya na bibili pala siya ng popcorn.

"Cheese. Yung small." sagot niya. Sa totoo lang mukhang ginutom siya sa engkwentro nila ni Darren. Biglang naging appealing sa kanya ang popcorn.

"Thank you." aniya matapos abutin ang popcorn at ibigay dito ang bayad niya.

Akmang hahakbang na siya papunta sa mga kaibigan ng biglang may humila sa kamay niya.

"Come with me." anang pamilyar na tinig. Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ito. Si Darren! Bumalik ito!

"Saan tayo pupunta?" tanong niya habang dumadagundong ang dibdib. Wala na siyang nagawa kundi ang magpahila dito. He's running a bit fast and she's trying her best to keep up.

"Basta..." lumingon ito at kinindatan siya. Gosh! How she missed him! Domoble ang bilis ang tibok ng puso niya. They are running like crazy at wala siyang pakialam kung saan man siya nito dalhin. Ang atensiyon niya ay nasa mga kamay nilang magkahugpong.

Huminto sila sa kung saan naka park ang isang van na hula niya ay sasakyan nito. Iginiya siya nito palapit sa van habang hindi pa rin binibitawan ang kamay niya

The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon