The Peephole

4.5K 225 11
                                    

Oh my gosh! Nakatitig siya sakin!  Hindi alam ni Nica kung saan siya titingin. Dumaan ang sandaling katahimikan.

"Pero totoo Nica." ani Darren. Tumingin siya dito.

"Kuhang kuha mo talaga yung mukha ko. To be honest, this is one of the best gifts na natanggap ko." anito sabay ngiti

"T-thank you." hindi niya alam kung ano pa ang pwede niyang isagot. Nakaka speechless na kay Darren pa mismo manggaling ang mga salitang yun.

"Oh Darren, tapos mo na bang kunan ng picture ang mga regalo mo? Ililigpit na natin." ani Tita Luz

"Opo Mama. Kaso saan natin ilalagay ang mga yan? Hindi yan kakasya sa maleta." sagot ni Darren

"Oo nga." Sandaling nag-isip si tita Luz at bumaling sa kanya.

"Anak pwede mo ba kaming hingan ng karton dun sa receptionist sa baba? Sabihin mo inutusan ka ng Tita ni Darren." Nakangiti nitong sabi sa kanya.

"No problem po tita." Sagot niya sabay tayo. Mabilis niyang tinungo ang pinto at dahil sa pagmamadali hindi niya napansin ang bigla ding pagtayo ni Darren. Nagkabanggaan sila at muntik na siyang matumba kung hindi siya nito agad nasalo.

Biglang nagslowmo ang lahat habang nasa bisig siya nito. Nagkatitigan sila ni Darren. Ang gwapo gwapo nito lalo sa malapitan. His eyes are chinky but very expressive. Nakakatunaw tumitig at sobrang kinis ng balat. His lips! Parang ang lambot at mamula mula... gusto nang himatayin ni Nica pero bigla siyang natauhan ng bahagyang itayo siya ni Darren.

"Ok ka lang?" anito

"Y-yes. Sorry." aniya

"Ok lang." anito sabay bukas ng pinto.

Nakayukong lumabas si Nica dahil sobrang nahihiya siya sa nangyari. Narinig niya ang pagsara ng pinto at hindi na niya napigilan ang sarili.

Juskolord!!!! I need air! I need oxygen!

"Ahhhhh!" Aniya habang tinatakpan ang bibig. Napatalon talon siya habang kagat kagat ang labi habang nasa harap pa rin ng pinto.
Paalis na siya ng biglang bumukas ulit ang pinto at nagsalita si Darren.

"Kumatok ka lang pagbalik mo." anito. Nanlaki ang mga mata niya. Bago pa siya nakasagot, sinara na nito ulit ang pinto. Bahagyang nahagip pa niya ang nakakalokong ngiti nito. Totoo ba yun o namalikmata lang siya?

Pigil na pigil ang tili niya habang papalapit sa elevator.

Did that just happen? Totoo ba? Hindi ba panaginip?

Kausap niya pa rin ang sarili habang pababa ang elevator. Nang makarating sa receptionist, sinabi niya dito ang sabi ni Tita Luz.

"Naku, sorry wala kaming karton dito. If gusto mo, merong convenience store sa labas. Pwede kang bumili dun." anito

"Ganun ba? Sige. Thank you po!" aniya sabay balik sa elevator. Pipindutin na sana niya ang second floor kung saan ang room nina Darren ng may maalala siya. Mabilis niyang pinindot ang 3rd floor.

"Oh Nica! Saan ka galing? Ba't antagal mo?" Salubong ni Shean nang makapasok siya sa room nila.

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Saan yung iPad ko?" aniya habang hinihingal.

"Ano bang nangyari? Bakit parang sobrang tense ka?" tanong ni Trisha.

"Basta... just trust me girls." aniya.

"Hindi ka namin papalabasin hangga't wala kang sinasabi." ani Chelzie.

"Ok fine. Galing ako sa room nina Darren." aniya.

The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon