The Heartbreak

3K 155 23
                                    

"Nic!" tawag sa kanya ni Jeremy. Kakababa niya lang ng sasakyan ng Kuya niya. She smiled at him.

"Tulungan na kita." alok nito sabay kuha ng mga libro sa kamay niya.

"Thank you." aniya. He just smiled and winked at her. Huminto siya sa paglalakad at hinarap nito.

"Hindi ka naman siguro nanliligaw no?" tanong niya dito. Jeremy smiled.

"Hindi. Nag promise ako sa'yo di ba?" anito.

"Buti nang nagkakalinawan tayo." aniya sabay ngiti dito. He also smiled back at sabay na nilang tinungo ang classroom nila.

Nang makarating sa classroom, mabilis siyang nilapitan ni Shean.

"Alam kong tungkol sa'yo ang tweets ni Darren." bulong nito. Kunwari gulat na napatingin siya dito.

"Ha? H-hindi ah." tanggi niya.

"Huwag ka nang tumanggi. I'm following your personal account. He liked your tweet last night." anito. Napabuntong hininga siya. There's no use denying. Kilala siya ng mga kaibigan niya.

"I guess so." aniya.

"You guess so? Ikaw talaga yun. Obvious naman na may tampuhan kayo kasi ang tamlay mo." anito.

"I don't really know Shean. It's not tampuhan. I think it's deeper than that na siya lang ang nakakaalam." malungkot niyang turan.

"Bakit naman? Nag-away ba kayo? Nung isang araw lang mukhang nagkakamabutihan na kayo ah." anito. Napabuntong hininga siya. Wala na nga siyang nagawa kundi ang ikwento dito ang nangyari.

"OMG! Mukhang seryoso na nga ang nararamdam niya sa'yo ah." ani Shean.

"Shean. Seryoso ako. Hindi ako sigurado kung ako ba talaga ang tinutukoy niya pero hindi ko maiwasan ang masaktan. Bigla na lang siyang nang iwan sa ere." aniya dito.

"I know. Give him time. Baka kailangan niya lang ng space para makapag-isip. Based na rin sa tweets niya mukhang confused pa siya sa feelings niya sa'yo. There's something na naghohold back sa kanya." komento ni Shean.

"I don't really know how to react or what to expect Shean. Ayokong mag assume kaya I'm convincing myself na hindi ako ang tinutukoy niya. Sana bigla na lang siyang tumawag at sabihin sakin na joke lang yung tweets niya. Na he's not calling me kasi nagpapa miss lang siya o inaasar niya lang ako. I-I terribly miss him." malungkot niyang pahayag.

Lumamlam ang mga mata ni Shean. Niyakap siya nito ng mahigpit.

"Don't worry. Everything will be fine." anito. She nodded and hugged her back.

                                      ***

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Honey sa kanya. Palabas siya ng CR nang sinalubong siya nito. Vacant period nila at kasalukuyang nasa library ang mga kaibigan niya.

"About what?" tanong niya dito habang patuloy na binabagtas ang daan pabalik ng library.

"About Darren." anito na nagpahinto sa kanya.

"What about him?" tanong niya.

"Doon tayo sa Football field?" anito. Wala na siyang nagawa kundi ang tumango at sumunod dito.

The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon