The Rescue

3.6K 161 49
                                    

"D-Darren?" gulat na gulat siya! First time niyang makita itong nagalit. His cheeks are flushing at sigurado siyang naniningkit ang mga mata nito na nakatago sa suot nitong shades. Hindi natinag ang matabang lalaking hawak pa rin siya sa braso.

"Bakit? Sino ka ba?" anito na bahagyang dumiin ang pagkakahawak sa braso niya. Hindi ni Nica napigilan ang mapasinghap sa sakit. Kitang kita niya ang pagkuom ng kanang kamao ni Darren. It's like he's trying to calm himself down. Ilang sandali pa, humahangos na dumating sina Kuya Carlo, Ethan, at Kuya Leonard niya. Kitang kita sa mga mukha nito ang galit.

"Let her go!" biglang sigaw ni Ethan sabay suntok sa mukha ng lalaking mataba. Natumba ito at nabitawan siya. Hindi nilang lahat inasahan ang ginawa ni Ethan. Mabilis namang tinulungan ng mga kasama nito ang lalaki. Hindi alam ni Nica kung anong gagawin. Nagulat pa siya nang hilahin siya ni Darren at igiya sa likod nito like he's trying to shield her from further harassment. Nakatiim bagang ito and he's a totally different Darren. Kahit natatakot hindi niya napigilan ang bahagyang paglundag ng puso niya. Mali man ang sitwasyon nila ngayon, napansin niya pa rin kung gaano ito kagwapo magalit. Naramdaman niya ang biglang pag-akbay sa kanya ng Kuya niya.

"Are you ok?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Yes, I'm fine." aniya.

"You idiot!" anang lalaking mataba nang makabawi. Tumayo ito sa tulong ng mga kaibigan nito. Akmang gaganti ito ng suntok kay Ethan nang pumagitna si Kuya Carlo at pigilan ito. Kuya Carlo raised his wallet at may ipinakita sa magbabarkada.

"I'm a police and a security escort. Pwede ko kayong kasuhan at paalisin sa islang ito dahil sa harassment." ani Kuya Carlo. Kitang kita niya na biglang natigilan ang magbabarkada. Nawalan ng kulay ang mukha ng lalaking mataba.

"Pero siya ang unang nanuntok." turo nito kay Ethan sa nanginginig na boses.

"You harassed her first!" singhal ni Ethan dito. Hindi na sumagot ang lalaki.

"You're even drunk." dagdag ni Darren na pilit pa ring pinapakalma ang sarili. Nakakuom pa rin ang kamao niyo.

"So, are you guys willing to settle this or..." hindi na natapos ang sasabihin ni Kuya Carlo dahil nagsipag hingi na ng paumanhin ang mga lalaki.

"Huwag kayo sakin humingi ng paumanhin. Sa kanya." turo sa kanya ni Kuya Carlo.

"It's ok Kuya. I'm fine." aniya. Nilingon siya ni Darren at hindi niya alam kung bakit dahil hindi niya makita ang mga mata nito.

"No Nica. Let them. You apologize to her." anito sa matabang lalaki. Bahagyang tumango ang lalaki at lumapit sa kanya.

"I'm sorry. Lasing lang." anito sa mababang tinig. Bahagya lang siyang tumango. She's still mad at them. Hindi naman hihingi ng tawad ang mga ito kung hindi natakot. Napag-usapan ng maayos ang nangyari. Hindi na nila pinalaki pa ang gulo dahil siguradong madadamay si Darren. Pero nireport pa rin nila ang mga lalaki. Hindi naman pinaalis ang mga ito bagamat binigyan ng warning para hindi na maulit.

                                      ***

"Are you ok?" tanong ni Darren sa kanya. Nakabalik na sila ng tent. Sina Kuya Carlo at Kuya Leonard ay naghahanda ng snacks habang si Ethan ay nasa dagat. Mag-isang naliligo. Mukhang yamot pa rin ito sa nangyari.

"I'm fine." aniya sabay ngiti dito to assure him. Magkatabi silang nakaupo habang nakatanaw sa asul na dagat. She felt peace and serenity lalo na at katabi niya ito.

The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon