(Playing: Anong Nangyari Sa Ating Dalawa)
Isang linggo na ang nakakaraan mula nang tapusin ni Darren ang lahat sa kanila pero hanggang ngayon nagkukulong pa rin siya sa kwarto. She filed an indefinite leave kasi alam niyang hindi din siya makakapagtrabaho ng maayos kung ganitong may dinadamdam siya. Tahimik siyang nakahiga habang nakatingin sa kisame. Yung pakiramdam na nawalan na siya ng ganang mabuhay. Alam niya hindi dapat siya nagkakaganito. She's a very strong woman pero pagkatapos ng lahat ng nangyari? Sino ba naman ang hindi mawawalan ng pag-asa? Maliban na lang siguro kung si Wonderwoman siya pero hindi eh. Si Monica Garcia lang siya; nagagalit, nanghihina at nasasaktan.
Hindi niya namalayan na tumutulo na naman pala ulit ang mga luha niya. Marahas niyang pinunasan ang mga iyon. Akala niya naubos na niya ang lahat ng luha niya pero hindi pa pala. Hindi pala ito maubos ubos tulad ng pagmamahal niya kay Darren. Mapait siyang ngumiti. Pinagkaisahan yata siya ng buong universe eh. Nakakatampo kasi wala naman siyang ginawang masama pero bakit siya ang nasasaktan. Napaka-unfair ng mundo.
Naalala niya ang mga pictures. Kahit sino ang tumingin ng mga 'yun, iisipin talaga na may namamagitan sa kanila ni Karl. Kaya pala lagi itong nakasunod sa kanya at lagi siyang binabangga ng hindi sinasadya kuno kasi may lihim palang kumukuha sa kanila ng mga larawan.
Bago pa pala ang SMB nakaplano na ang lahat. Nagsimula ang lahat nang banggain siya ni Karl sa Ball. That was part of the plan at yun ang pinaka intimate nilang picture. Yun yung muntik na siyang tumilapon at sinalo siya nito. He had his arms circled around her waist habang siya nakahawak sa mga balikat nito. Aakalain ng kung sino na parang maghahalikan sila kasi nagtititigan sila. But that was because nagulat siya. Ang sumunod na mga pictures ay sa iba't ibang lugar kung saan siya nito laging sinusundan. Most of the shots were captured while they were talking at sigurado siya na mga pagkakataon iyon na itinataboy niya ito. Aakalain ng iba na nagde-date sila lalo na at laging nakatitig at nakangiti sa kanya si Karl. The last picture was in the mall kung saan dala dala nito ang mga pinamili niya habang siya pumipili ng ireregalo niya kay Darren sa anniversary nila. They were like a couple going on shopping.
Kaya hindi niya magawang magalit ng husto kay Darren kasi alam niya kung saan ito nanggagaling. Ang ikinasasama lang ng loob niya ay ang iwan siya nito nang hindi man lang pinakinggan ang side niya. He didn't give her the benefit of the doubt. Masyadong mapaglinlang ang mga litrato. Hindi man lang siya nito hinayaang magpaliwanag. He was asking her to admit the mistake that she didn't do. He said he's going to give their relationship a chance basta maging honest lang siya dito. She did! But he didn't believe her and it broke her heart into pieces.
"Nic?" katok ng Kuya niya. She didn't respond. Nanatili siyang nakatitig sa kisame. She heard whispers. Alam niyang may kausap ang Kuya niya.
"Nic?" tawag ulit nito. Napatingin siya sa pinto at naghintay ng iba pa nitong sasabihin.
"Ethan's here." anito.
Ethan!
Bigla siyang napabangon sa sinabi ng Kuya niya. Mabilis siyang tumayo at tinungo ang pinto. Nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto niya si Ethan ng buksan niya ito. Bakas sa mga mata nito ang sobrang pag-aalala sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Alam niya, nakakaawa ang itsura niya dahil sa ilang araw na walang tigil na pag-iyak at pagkukulong sa kwarto.
"Iwan ko na kayo." anang Kuya niya sabay tapik ng balikat ni Ethan. Marahang tumango ang huli.
The moment Ethan stepped inside her room and closed the door, she immediately threw her arms around him and hugged him tight, begging for a comfort that she badly needed. Mabilis din naman nitong tinugon ang yakap niya.
BINABASA MO ANG
The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)
FanficHIGHEST RANK: #30 in FanFiction 💚 To the most beautiful DARRENatic, I love you.💚 ~DE This is a Darren Espanto FanFic. The whole story is just a fiction but some of the scenes are based on real-life experiences. Read and see how it's like to be a...