The Roadtrip

4.2K 202 10
                                    

"This is the day!" masayang turan ni Nica habang nakatingin sa salamin. Tapos na siyang magbihis at handa na rin ang lahat ng dadalhin niya. She's wearing a high waist shorts and a pastel colored long sleeves cropped top. Sinipat niya ang sarili sa salamin at umikot ikot. Satisfied siya sa nakikita. It's not too revealing kasi hindi naman kita ang tiyan niya maliban na lang pag nagtaas siya ng kamay. It's actually sweet and sexy at the same time. She carried her mint green backpack and went downstairs. Any moment dadating na sina Darren. It's past 5AM na. 5:30 AM ang usapan nila.

"Ready ka na?" tanong ng Kuya niya. Kakapasok lang nito sa living room.

"More than ready." aniya na bakas sa mukha ang sobrang excitement.

Maya maya pa'y dumating na ang van nina Ethan. Unang bumaba si Ethan and as usual he looks dazzling as ever. He's wearing a beach shirt and shorts. Sumunod si Kuya Carlo na binati siya ng "good morning." Ngumiti siya at binati din ito.

Huling bumaba si Darren at nahigit niya ang hininga nang makita ito. Ang gwapo nito at mukhang ang bango bango. He's wearing a Hawaiian polo and a beach shorts. Sandali niyang nalimutan ang huminga. She just can't take her eyes off him. Hindi niya namalayan na kanina pa pala siya nakatitig dito. Nagulat pa siya nang may bumulong sa kanya.

"Baka matunaw." anang Kuya niya. Napakurap kurap siya bago pasimpleng inirapan ang Kuya niya.

"Good Morning Monica!" bati ni Darren. Halatang inaasar siya dahil tinawag siya nito sa buong pangalan niya.

"Mr. Espanto, ang aga naman po ng pang-aasar niyo." nakasimangot niyang sagot pero deep inside kinikilig siya.

"What's wrong with my greeting? Kuya Carlo, may mali ba sa bati ko?" baling nito kay Kuya Carlo. Nakangiting umiling na lang ang bouncer at tumulong sa Kuya niya sa pagbubuhat ng gamit.

Nagulat pa siya ng akbayan siya ni Ethan mula sa likod.

"Good Morning!" anito na tila maganda ang gising.

"Good Morning to you too Mr. Martinez. Milagro, hindi ka nagparamdam buong araw kahapon." aniya nang nakangiti. Usually kasi tumatawag ito o nagtetext sa kanya.

"I was asleep the whole day." anito nang hindi pa rin inaalis ang akbay sa kanya.

"Is that the only reason? Or tinatamad ka lang talagang galawin ang cellphone mo dahil sabog ang notifications?" natatawa niyang tukso dito.

"That too... urghh... " anito na napahawak sa ulo. Sabay silang tumawa ni Darren.

"Perks of having a famous friend." anito sabay turo kay Darren na napakibit balikat na lang.

"Hey! Don't be a snob. Accept them." aniya dito na tumatawa pa rin.

"Why would I? I don't know them." anito. She rolled her eyes.

"Well, most of them are your admirers." aniya dito.

"M-my what?" tanong nito nang nakakunot noo.

"Your admirers! Accept mo na daw sila." tukso niya dito.

"No." anito sabay pasok sa sasakyan. Nagkatinginan sila ni Darren at sabay pang tumawa.

"Hey guys! Everybody's ready?Let's go!" yaya ng Kuya niya. Tumango sila ni Darren at pinauna siya nitong sumakay sa van.

"This is gonna be fun!" turan ng Kuya niya na nasa harapan katabi ng driver nina Ethan.

The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon