"Are you sure?" tanong ni Darren sa kanya.
"Ok lang ba?" tanong niya dito na bahagyang nag-alangan.
"Bakit naman hindi?" tanong nito.
"B-baka kasi bawal." aniya
"Bakit naman bawal? Halika na." anito sabay hila ng kamay niya. Iginiya siya nito sa isang pinto sa dulo.
"Ready?" tanong nito. Tumango siya at hinintay na buksan nito ang pinto.
"Wow!" hindi niya napigilang bulalas. His room is breathtakingly beautiful. It's a perfect example of a simple but elegant kind of room. It's a black and white room.
"What do you think?" anito at hinila siya papasok.
"This is actually beyond my expectation. I though you like green?" aniya habang iniikot ng tingin ang may kalakihang kwarto nito. Doble yata ang laki sa room niya.
"Well, this was actually green but then, I'm not a little boy anymore. I had it repainted and renovated." anito
"Woah. Nagbibinata na nga." aniya dito. Tumawa ito.
"Well, I still have a green room." anito.
"The DARRENatics Room." aniya dito.
"Right." anito sabay upo sa kama nito.
"Pero infairness, ang ganda ng kwarto mo." aniya.
"Syempre naman. Gwapo ako eh." anito
"Woah! Ang taas ng level ng confidence ah!" aniya na ikinatawa nito. Natigilan sila pareho ng biglang nag ring ang cellphone nito. Nag excuse ito sandali.
"Nics, bababa muna ako. Mabilis lang. Dito ka muna." paalam nito matapos sagutin ang tawag.
"S-sama ako pababa." aniya.
"Dito ka muna. Mabilis lang ako. Promise." anito at mabilis na nakalabas na ng pinto.
"T-teka!" pigil niya dito ngunit naisara na nito ang pinto. Napabuntong hininga na lang siya at inikot ang kwarto. Napakaganda talaga at mukhang mamahalin ang mga gamit. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa loob siya ng kwarto ng sikat na si Darren Espanto. Nakakalula isipin. Nasa bandang kama siya ng may mapansin sa itaas ng headboard nito. Natutop niya ang bibig. Hanging just above his bed, is her sketch! Marahan siyang lumapit dito. Nag-iisang sketch itong nakasabit. Katabi nito ang ilang pictures ni Darren at ng family nito. Hindi niya napigilan ang mapangiti. Yung feeling na parang sasabog ang puso niya sa sobrang kaligayahan.
"Mabuti naman at nakita mo na." napalingon siya kay Darren na nakabalik na pala.
"Ito yung sinabi mong magugustuhan ko?" tanong niya dito. Nakangiting tumango ito.
"Well, bumagay sa theme ng room ko na black and white eh." anito.
"T-thank you." aniya na wala nang maisip na sabihin. Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya.
"Always welcome Nics. Halika na. Hinahanap ka na nila sa baba." anito. Tumango siya at sabay silang lumabas. Bumababa na sila ng hagdan nang magsalita siya.
"R-ren?" aniya. Tumigil ito at nilingon siya.
"Salamat sa pag-appreciate ng sketch ko ha. Hindi ko inaasahan na nakasabit pala siya sa room mo." seryoso niyang sabi dito. He smiled.
"Stop thanking me, will you? Kanina ka pa thank you ng thank you na ako nga dapat ang nagpapasalamat sainyo. Halika na." anito sabay hila na naman ng kamay niya.
BINABASA MO ANG
The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)
FanficHIGHEST RANK: #30 in FanFiction 💚 To the most beautiful DARRENatic, I love you.💚 ~DE This is a Darren Espanto FanFic. The whole story is just a fiction but some of the scenes are based on real-life experiences. Read and see how it's like to be a...