"Pasok kayo. Pasensiya na sa maliit naming bahay." ani Nica. Nasa bahay na nila sila. Pagkatapos nilang mag jog, dumiretso sila sa jollibee at nag drive thru ng almusal. Pumasok ang tatlo sa bahay nila at umupo sa sala. Yung driver naiwan sa kotse. Dun na daw ito kakain at magpapahinga.
"Pasensiya na, wala dito ang parents ko pero uuwi sila mamayang tanghalian. Ang kuya ko naman baka tulog pa." ani Nica. Hindi siya mapakali at nahihiya siya. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa bahay nila si Darren Espanto.
"It's okay Nica. Actually ang ganda ng bahay niyo. Simple lang pero napakaganda at maaliwalas." komento ni Darren na ikinangiti niya.
"Wait lang ihahanda ko ang dining table para dun tayo makapag-almusal." aniya.
"I'll help you." ani Ethan sabay tayo dala dala ang take out nila.
"Okay. You can watch TV while waiting. Nasa mesa ang remote control." aniya sa mga bisita bago nila tinungo ni Ethan ang dining area.
"How are you feeling?" tanong ni Ethan ng mapag-isa sila.
"How am I feeling? Of course, I'm still freaking out Ethan. Hanggang ngayon lutang pa rin ako sa mga nangyayari." aniya dito. Hindi agad ito sumagot pero nabigla siya nang magsalita ito.
"But are you happy?" anito na biglang sumeryoso. Mataman itong nakatitig sa kanya.
"O-of course, I am." aniya at ngumiti dito. Malaki ang pasasalamat niya kay Ethan. Hindi maubos-ubos ang kaligayahan niya these past few days dahil dito.
"I'm glad to hear that." anito bago yumuko sa inaayos na pinggan. Hindi nakaligtas sa kanya ang dumaang lungkot sa mga mata nito.
"Are you ok?" hindi niya napigilang tanong dito. Tumingin ito sa kanya at wala na ang lungkot na nakita niya kanina. Baka namalikmata lang siya.
"Of course, I am. Why wouldn't I?" anito sabay ngiti. Hindi na siya nagpaliwanag at sumagot. Maya maya pa'y nagsalita ulit ito.
"Always remember that it really makes me happy seeing you smile. Smile often, will you?" anito sabay pisil ng baba. And she did. She gave him her sweetest smile.
"That's my girl." anito at ipinagpatuloy na nila ang ginagawa.
Malapit na silang matapos nang marinig nila ang tinig ni Darren mula sa likod.
"Need help guys?" anito habang panay ang tingin sa paligid. Buti na lang palagi silang naglilinis ng bahay.
"It's ok bro. We're done. You can call Kuya Carlo so we can start eating now." ani Ethan na sinunod naman ni Darren.
Maya-maya pa'y masaya na silang nag-aalmusal habang nagkukwentuhan.
"Nica, andami mo namang medals na nakasabit." puna ni Kuya Carlo sa kanya na ang tinutukoy ay ang sangkaterbang medals niya na naka display sa sala. Nahihiya tuloy siya. Yung mama kasi niya ginawang collection.
"She's really an academic achiever. One of the bests." sagot ni Ethan.
"H-hindi naman. Baliw talaga tong si Ethan." aniya sabay tawa.
"She's a consistent honor student." dagdag ni Ethan. Is he building her up? He doesn't need to do that.
"Your parents are very lucky to have you." ani Darren. Napangiti siya at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kilig.
BINABASA MO ANG
The FANGIRL (Darren Espanto FanFiction)
FanficHIGHEST RANK: #30 in FanFiction 💚 To the most beautiful DARRENatic, I love you.💚 ~DE This is a Darren Espanto FanFic. The whole story is just a fiction but some of the scenes are based on real-life experiences. Read and see how it's like to be a...