Chapter 9: Twin Brother

233 7 0
                                    

Drey's POV:

"Guys magiikot ikot lang muna ako ha?" Pagpapaalam ko dun sa anim.



Naglakad lakad lang ako at napadaan ako sa music room. May nakita naman akong babae na natakbo at nagulat ako dahil si Marion pala yun.

Hindi niya ako napansin dahil sa pagtakbo niya kaya nagkabanggaan kami. Muntik na siyang bumagsak pero buti nalang agad ko siyang nahawakan. Pero sa hindi ko alam na pangyayari yinakap ko siya. Parang may iba akong nararamdaman. Bigla namang bumulis ang tibok ng puso ko.


Napatingin naman ako sa mukha niya. At hindi ko alam pero bigla ko nalang nilapit yung mukha ko sa kaniya. At halos pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Nakatingin lang ako sa kaniya. At parang umiinit na ata ang pakiramdam ko. Kaya umimik nalang ako para asarin siya.





"Masyado mo atang ine enjoy ang pagtitig sa akin habang kayakap ako." Sambit ko sa kaniya at bigla naman siyang nagulat sa sinabi ko. Kaya kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin.



"H-ha? Kapal mo. Mukha kang halimaw."

"Sino kaya sa atin yung kanina pa nakayakap at grabe kung makatitig?"



"Ha? Hindi ah. Imahinasyon mo lang yun." Halata sa mukha niya na namumula na siya.







"Ah. Oo nga. Imahinasiyon ko nga siguro yun. Kaya pala naglalaway. Hahaha"






"Ano sabi mo?" Bigla naman napakunot noo niya.


"Ha? Wala. Akala ko ba hindi mo na ako kakausapin? Ha? Ms. Babaeng unggoy na bakulaw?"



"Ha? A-ah eh. Che. Diyan ka na nga" bigla naman siyang tumakbo pa balik dun sa music room.







Hindi ko Alam pero sinundan ko siya. Sinilip ko naman at may kausap siyang lalaki. At nakinig ko ang pinaguusapan nila.

Nagulat ako dahil pinagawa ni Marion yung nangyari sa amin kanina. Bigla ko naman nakita yung lalaki. At lintik si Yohan ba yun?




Lalapit na sana ako sa pinto ng music room ng biglang umimik si Yohan. "Yohan Drew Collins. Twin Brother ni Drey." Anak ng kalabaw naman oh.




Nakinig ko naman na aalis na sila. At ipakikilala ni Marion si Yohan sa mga kaibigan niya kaya pumunta na agad ako sa pinto. Para kunyari naglalakad ako.


Nang nasa may pinto na sila nakita ko sila na nagtatawanan kaya nag-acting nalang ako na kunyari nagulat ako na nakita ko si Yohan. Nang magtama naman mga mata naman naming tatlo at ng makita nila ako. Umimik na agad ako.

"Yohan?!" Sambit ko. At nagpanggap ako na nagulat.

"Kuya Dan-dan?" Sambit niya. Anak naman ng tinapa oh. Yun pa ang tinawag sa akin. Kaya simamaan ko naman siya ng tingin kaya mukhang nagets naman niya agad yun.


"A-ah. E-eh kuya Drey Pala. Hihihi. Sorry" halata naman na natakot siya sa panlalaki ko sa kaniya ng mata.

"Hahahahahahahaha. Dan-dan!" Nagulat naman kami kay Marion. At tinignan ko naman siya ng masama pero halatang nagpipigil siya ng tawa. Kaya humarap ulit ako kay Yohan para kausapin siya.


"Yo-" hindi ko na naituloy dahil sa pagtawa nanaman ng malakas ni Marion.


"Ano ba problema mo sa nick name ko?" Ay lensheshe naman oh. Napamali pa ng sabi. Nadulas pa ata ako. Hayst.


"Hahaha. Nickname mo pala yun. Bagay sayo. HahahA. Dan dan dan dalandan. Hahahaha." Tawa parin siya ng tawa kaya sinamaan ko na talaga ng tingin si Yohan. At napatingin naman siya Kay Marion na tawa ng tawa habang nakahawak siya sa Titan niya.

"Tara na nga lang Yohan. Ipapakilala na kita sa mga Friends ko. Hayaan na natin yan si Dan-dan dalandan diyan. Hahaha" hay sa lahat ng babae na nakilala ko siya lanh may saltik eh. Hayst.

*************
Marion's POv

"Hahahaha. Salamat nga pala Yohan ha. May pang-asar na rin ako sa twin Brother mo na dalandan. Haha" halos maiyak iyak na sabi ko.

"Hahaha. Wala yun. Basta ikaw." Sambit niya sa akin. Sabay pisil sa pisngi ko.

Inakbayan ko na si Yohan at naglakad na kami papunta sa table ng mga kaibigan ko. At pagpunta naman namin sa kanila gulat na gulat silang lahat.

"Ohmy ohmy. Cous, hindi mo naman sa akin sinabi na kayo na pala ni Fafa Drey!" -Ara.

"Whaaaaaa. Ayieeee bagay kayo."-lizzy. Hindu ko alam pero uminit ata ang pisngi ko.



"Naks naman. Bestfriend. Bati na sila. Yey. May Fafa Drey ka na ah."- Mica



"Whooo. Congrats. Tapos ka na sa pagiging pusong bato"-Marlon. Kaya naman nabatukan ko siya.



"Aray. Hindi pala. Tapos kana sa pagiging bato. Hindu ka pa rin tapos sa pagiging amazona mo" bigla naman siyang siniki ni Mica."Aray"


"A-ahm Guys? Kasi ang toto-" -ako.



"Kasi ang totoo na Ikakasal na kayo?"-ara

"kasi Nagpropose na siya?"-Lizzy


"Kasi Legal na kayo?"Mica



"Ohmy. Ako ang Ninang kapag nagkaanak na kayo. Ako ang magaalaga kapag nagtrabaho na kayo. Omg. Kapag naging babae siya cous mhy gad. Magiging kikay siya like Lizzy. Joker like Mica. And syempre mataray like ninang. Oha"



"Ah eh- kasi cous ano-"


"Ano! Totoo yung sinasabi ko Om-"

"PWEDE BA COUS! HINDI KAMI OKAY. ITIGIL NIYO NGA YANG PAGKAKA OA NIYO. HINDI KAMI. HINDI KAMI IKAKASAL. HINDI SIYA NAGPROPOSE. HINDI PA AKO NAGRADUATE SA PAGIGING MISS BATO KO. AT HINDI AKO AMAZONA. HINDI KAMI MAGKAKAANAK.OKAY? ISA PA MASYADO NAMAN ATA KAYO ADVANCED. ISA PA HINDI SIYA SI DREY. TWIN BROTHER LANG SIYA NI DREY. SIYA AY SI YOHAN OKAY. KAYA WAG KAYO MASYADO MAGING OA.!"






"May Twin Brother si Drey?"-Lizzy



"Yup. Ako nga yon. So kilala niyo na ako gusto kong malaman niyo na liligawan ko si Marion."




I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon