Chapter 1: First Meet

502 15 2
                                    

Marion's POV:

"Ayoko na sayo napaka sama mo. Kala mo mahal pa kita. Akala mo lang yun dahil ngayon hindi na. Hindi na at hinding hindi na. Napaka langhiya mo Jack. Sinira mo feeling ko! Kala mo kung sino ka na ha?! Porket ba may pinalit ka na agad sa akin. Pwes ngayon magdusa ka! Tignan ko lang kung sino ang iiyak sa atin. Hindi na ako magpapakahina para sayo. Magiging matigas na ako. Kita mo to? *turo ko sa puso ko* magiging matigas na to. Mas matigas pa sa bato. Kaya ngayon wag ka ng babalik pa kahit kailan. Isa kang manloloko!" Sigaw ko. Nasa labas ako ngayon at nasa may tulay. Oo nasa tulay ako. Angal ka? Ako lang naman tong sinaktan at niloko. Ano pa nga bang ginagawa ko.








Hindi niyo aakalain na isa akong wasak at pusong bato ano? Nakakatawa diba? Pero wala eh. Ano pa bang magagawa ko? Niloko na niya ako. Maiiwasan ko pa ba yung nangyari na?



Dumiretso na ako sa isang bar at uminom ng uminom. Nakakadalawang baso na nga ako eh.

"Okay. Hi Guys I'm the Vocalist of this band. The Lunar Band. And we will sing No Brokenhearts in the Club." Sambit nung lalaki. At parang nakatingin siya sa akin. Pero imposible eh. Lasing lang siguro ako kaya ganun.


@My house/Our House

"Mica Asan na ba yung damit ko. May lakad pa kami ni Jake eh." -Ara.

"Lizzy? San mo nilagay make up kit ko. Mag sho-shopping pa kami ni Marlon" -Mica

"Wait. Andiyan lang yun sa tabi Mica." -Lizzy.

Dire-diretso nalang ako sa paglalakad ko at hindi ko nalang sila pinansin. Tutal hindi naman nila ako pinansin eh. Kaya pumunta nalang ako sa kwarto ko at humiga.


"Hey MARGARETTE MARION FORTALEJO! Lasing ka nanaman ba?" -Lizzy. Ang pinaka makikay sa aming apat.

"Kaya nga bruha. Wag mong sabihin balak mong tumalon nanaman? At pumunta ka ulit ba dun sa tulay na yun? Kung gusto mo samahan nalang kita." -Mica. Ang pinakamay topak sa aming lahat.

"Mica. Can you Just Shut up?" -At Ara. Ang Englishera kong pinsan half kaibigan.

"Ano ba kayo? Hahaha. Hindi ako lasing no. Atsaka isa pa wala naman na kami ni Jack kaya ayos lang na magpakalasing ako." Sambit ko. At mukhang mali ata akong ng sabi. Tinignan ko sila at mga nakatingin sila sa akin. Look na Halatang-nagsisinungaling-ka-Girl.

"Oo na. Oo na. Suko na ako. Oo nagpakalasing ako. Para lang mawala yung sakit na nararamdaman ko. Okay na? Kaya pwede? Pumunta na kayo sa mga boyfriend niyo. At hayaan niyo na ako dito."

"Pano ka namin hahayaan kung ganyan ang itsura mo? Para kang ginahasa ng sampong lalaki eh. Laswa girl" sambit ni Mica. Na naga-acting na nasusuka effect pa.

"Hayaan niyo nalang ako." Nginitian ko sila para mapakita na ayos lang ako. Just like  a weak smile. At sa tingin ko. Hindi ko ata sila nakumbinsi. Kinuha nila ang mga cellphone nila ng sabay sabay.

"Babe, I'm sorry. I can't go. Marion needs me." -Ara 


"Baby? Sorry ha? Si bruha kasi mukhang narape kailangan ng tulong namin eh." Si Mica. Loko talag siya. Sabihin ba naman na mukha akong narape?

"Hon? Yes hindi ako makakapunta. Kailangan kami ni Marion. Sensya na ha?" Si Lizzy.

"Okay Love you Mwuahh!!" At sabay sabay na sabi nilang tatlo.

Tumingin naman silang tatlo sa akin. At umupo na sa kama ko.

"Guys. May tanong ako?" -Mica.

"What is it?" -Ara 

At nakatingin lang kami ni Lizzy kina Mica at Ara.

"Diba? One week nalang pasukan na? So ano? Dun ulit tayo papasok sa ating Old school?" -Mica. Halos palipat lipat rin kasi kami. Pero nung old school namin nagtagal naman kami dun ng 2 years.

"Gusto ko na nga ring lumipat ng school  at ayoko na dun. Makikita ko nanaman si Jack!" -ako. At tumingin namang silang tatlo sa akin. At mukhang nag-aalala pa ata ang mga bruha.

"Wag nga kayong tumingin diyan."

"Pero may point ka diyan Marion! Gusto na nga rin naming lumipat ng school eh!" -Lizzy. At mukhang excite na excite pa ang bruha.

"Saan naman?" Sambit ko. Para kasi sa tingin ko. Parang alam na nila kung saan eh.

"Sa Zed University!" Sabay sabay nilang sagot. Huh? Zed? May ganun bang school na nage-exist dito? Tinignan ko sila at ngiting ngiti naman.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon