Chapter 20: Secret

201 10 2
                                    

Marion's POV

Nagsisipagsayawan na sila. Pero ako? Andito lang nakaupo sa isang tabi. Actually wala naman talaga akong balak makipagparty sa kanila at isa pa wala din naman akong kasayaw eh.

Pero kanina. Hindi ko alam bat nagkaganun ako. Parang nung nakita ko sila ni Drey parang nasasaktan ako. Pero bat naman ako magseselos? Eh kaaway ko naman yun. Diba?

"Oy! Bestfriend. Tara sayaw tayo. Oh!" pagaaya sa akin ni Mica.

"Sige wag na ayos lang ako."

"Ah ganun ba? Sige mukhang di naman kita mapipilit. Pero alam mo? Ang ganda mo talaga ngayon. Nakakatomboy ha." at bigla naman akong napangiti sa sinabi ni Mica. Totoo ba na bagay talaga sa akin ang nakalugay?

Pumunta naman si ate Marit sa mini stage. Pero grabe ang sexy niya talaga.

"Okay. Guys. May Game tayo ngayon. Pero by partner ha? Kaya Grab your partner na dali." sambit niya na excite na excite. Halos magtatalon na nga siya stage.

Lahat sila nagpuntahan na sa mga  partner nila. Pero ako nalang ang wala.

*******************
Drey's POV

Nagkuhaan na sila ng Partner at nakita ko naman na si Marion lang ang walang partner. Lalapit na sana ako kay Marion para kami nalang ang partner ng bigla naman akong hinila ni Jasmine.

"Tayo nalang ang partner. Please.?" hindi ko naman siya matanggihan dahil unang una. Ako ang nagdala sa kaniya rito. Kaya tumango nalang ako sa kaniya.

"Oh. Hi Alec!" sigaw ni Ate Marit. Kabingi eh. At napatingin naman ako. Lumapit sa akin si Alec at may inabot na regalo.

"Thanks" sambit ko. At tinalikuran ko na siya.

"Partner tayo sa lahat ng games ha "  sambit ni Jasmine. At tinignan ko naman ulit si Marion pero kasama na niya ngayon si Alec. At mukhang masaya pa ata sila. Tsk.

"Okay. Dahil may partner ng lahat. Magsisimula na ang game!" sigaw ni ate Marit.

Naglatag si Ate Marit ng mga newspaper. At dahil dun alam na namin ang lalaruin. Ang paper dance. Parang mga bata eh. Paano si Ate Marit ang nagisip.

Nagsimula na silang magpatugtog. At sidekick ang pinatugtog nila.

Habang nagsasayaw kami napapatingin lagi ako sa gawi nila Marion at Alec. Tsk. Mukhang enjoy na enjoy ang bakulaw. Napaka pangit naman nung Alec. Kala mo naman napakapogi. Tsk.

'Ui. Sayaw ka naman diyan!" sambit ni Jasmine.

"Jasmine. Sorry ha. Pero nawalan na ako ng gana." at parang napasimangot lang sa akin si Jasmine. Pero naglakad na ako palayo sa kanila. Tinignan ko muli sinda Marion. At nakatingin din pala siya sa akin. Kaya umiwas nalang ako ng tingin at tumalikod at naglakad papalayo.

Naglakad ako ng naglakad sa tabing dagat. At ramdam ko ang mainit na sand. Naisip isip ko na pagod na pala ako kaya umupo nalang muna ako.

Hindi ko alam bat ganto nararamdaman ko. Eh magkaaway nga kami diba? Pero bat ako nasasaktan?

Tumulo ang mga luha sa mata ko ng hindi ko namamalayan. Naalala ko tuloy nung unang pagiyak ko. Nung bago nila makilala si ate Marit. Nagtaka sila kung bakit ako umiiyak. Dahil din yun kay Marion. Nag-away kami ni Yohan.

Flashback:

"Bat mo ba ako pinagseselos?" sambit ko kay Yohan.

"Hindi kita pinagseselos." sagot niya.

"Wala ito sa pinagusapan natin!"

"Oo wala. Pero diba? Ikaw din ang may gusto nito? Ikaw ang may gusto na magpanggap ako na ako talaga yung lalaki na nakita ni Marion sa Bookstore? Kahit ikaw naman talaga yun. Diba ikaw din ang may gusto na account ko ang gamitin para makipagusap kay Marion?. Diba ikaw ang may gusto na mapalait sayo si Marion dahil Mahal mo parin ang ate niya na si Ella."

"Oo. Mahal ko pa si Ella Fortalejo. Pero hindi ko alam bat ako nagkakaganto at nagseselos sa inyo."

"Alam mo ang Tanga mo. Sumakay lang talaga ako sa plano mo. Pero hindi ko kayang saktan ang pinakamamahal ko. Alam mo? Mahal ko si Marion. Oo tama ka. Mahal ko na siya. Kaya kung sasaktan mo lang siya? Ako ang makakalaban mo. At isipin mo rin muna kung sino ang tunay mong mahal sa dalwa. Dahil hindi alam ni Marion na may Kapatid pa pala siya."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yun natahimik ako. Sino ba talaga ang mahal ko sa kanilang dalawa? Naguguluhan na ako. Ang tanong. Dahil ba talaga kay Ella ang lahat ng ginawa ko?

Tinignan ko muli si Yohan. At naglakad na siya paalis.

(Para malinaw. Nagpaalam po si Yohan nun na hindi siya makakapunta dahil may seminar ang mama niya. Pero ang totoo. Dumiretso po talaga siya sa bahay nila. Nasa Chapter 15 po.)

End Of The Flashback.

"Ui. Drey! Hinahanap kita andito ka lang pala." Lumapit siya sa may tabi ko.


"Nagpapahangin lang ako. Ikaw. Bat di ka magenjoy dun Jasmine?"

"Ayoko. Gusto ko muna magstay dito. Ano you want? Pampatanggal yan sa sakit na nararamdaman mo." At binigyan niya ako ng bote.

"Ayoko. Ghe. Diyan ka muna papasok lang ako sa loob. Para magpakasaya. Kaarawan ko ngayon. Kaya hindi ko kailangan magmukmok sa isang tabi."


Tumayo na ako at naglakad papasok.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon