Chapter 24: Celebration

217 6 2
                                    

Drey's POV

Hindi rin ako makapaniwala na si Marion pala yung may ari ng boses na yun?

"So ang ibig mong sabihin Gusto mo na si Marion dahil sa boses niya ganun?" sambit ni William. At natigilan naman ako. Yun ba talaga ang dahilan?

"Hindi ko alam. Pero ang alam ko bago ko pa malaman na siya yung si Mistery Girl. Gusto ko na siya." sagot ko.

"Abno ka ba pare? Paano naman si Ella. Eh hindi nga nila alam na mag kapatid pala sila." singit naman ni Jake.

"Oo nga Drey. Pagisipan mo yang mabuti. Mamaya kaya pala nagustuhan mo si Marion dahil kamukha lang niya si Ella." sambit naman ni Marlon.

"Alam mo Drey. Pagisipan mo ang lahat yan. Bago ka magsisi sa huli." sambit ni William at naglakad na palayo. "Atsaka nga pala. May party tayo. Dun sa bar nila Marlon." dagdag niya. At sumabay narin sakanya yung dalawa.

*******************

"Ui. Drey!" sigaw sa akin ng isang babae na nasa may likuran ko. At mukhang si Jasmine ata yun.

Hinarap ko siya at si Jasmine nga yun. "Bat nandito ka?" walang gana kong tanong.

"Bakit? Ayaw mo ba akong makita?" tanong niya habang naglulungkot lungkutan.

Kala naman nakakaawa.

"Oo. At Sapat ng dahilan yung panloloko mo sa akin."

"Nagawa ko lang naman yun dahil gusto kita."

"Naririnig mo ba yang sarili mo?"

"Mahal kita Drey. Mahal na mahal." Sambit ni Jasmine at bigla siyang kumapit sa braso ko na tinggal ko naman agad iyon.

"Alam mo? Masyado mo na akong niloloko. Diyan ka na nga." sambit ko at naglakad na papalayo.

**************
Marion's POV

"Ano tara na? May party tayo ngayon diba?"sambit ni Ara.

"Ay oo nga pala. Sorry nakalimutan ko." singit naman ni Mica.

"Ano pang hinihintay niyo girls? Let's Go." pangaaya ni Ara.

"Ok. Tara na." sambit ni Lizzy.

"Ok." sagot ko naman.

********

Nagpasok na kami sa isang bar. At ang pagkakaalam ko bar ata to nila Marlon. Mga anak mayaman eh.

"Oh. Asan na sinda Drey?" tanong ni Lizzy kay ate Marit.

"Siguro malapit na yung mga yun" singit naman ni Mica.

"Oh. Ayan na pala sila eh." sambit ni Ara. At napatingin naman kami sa dako na tinitignan niya.

At nakita namin na naglalakad na yung apat kasama si Yohan.

"Oh. Hi Marion" bati sa akin ni Yohan. At nginitian ko naman siya.

"Oh. Hi guys. Masyado ata kayong nagwapuhan sa aming apat ah." sambit naman Marlon.

"Ehem. Kasama din ako." singit ni Yohan.

"Wag ka na." at binatukan naman siya ni Mica.

"Alam mo Marlon? Tama ka APAT!, silang APAT. At hindi ka kasali dun" sambit ni Mica kay Marlon. Kaya nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi ni Mica.

"Aray ko naman babe ha." sambit ni Marlon.

"Okay Tama na yan. I-enjoy na natin tong party. At magcelebrate para kay Drey at Marion!" sigaw ni Jake. Na ikinasigaw naman naming lahat. Nasa VIP room kasi kami. Kaya kami kami lang.

"Hi guys!" bati naman ng isang lalaki. At si Alec pala yun.

"Hi Alec. Take a seat." sambit ni Ate Marit kay Alec. At umupo naman siya sa Tabi ko.

"Tsk. Sino nagaya sa kaniya dito?" sabat ni Drey.

"Ako bakit? Angal ka?" sambit naman ni Ate Marit kay Drey. Habang nakataas pa ang kilay. At hindi naman na sumagot si Drey.

"Ahm.Btw guys. Inaya ko din yung kapatid ko." sabi ni Alec.

"Wow nagaya pa." pabulong na sabi ni Drey na narinig ko naman. Mukhang ako lang ata nakakinig. Dahil lahat sila naka antensiyon kay Alec.

At may isang makisig na lalaki ang dumating. "Ito na pala siya. Si Densel." sambit ni Alec.

"Hi." sambit naman nung Densel. Wow ha. Ang pogi niya. Pwede na siya mag artista.

"Hello." maligayang bati ni Ate Marit. At kinamayan naman niya si Densel.

"Alam na." singit naman ni Mica.
Na ikinatawa namin lahat. Nakipagkamay naman si Densel sa amin lahat. At napakaamo talaga ng mukha niya. Pagkatapos umupo na rin siya.

"Ahm. So Densel, Mukhang mapapaamo mo ata ang lion naming Ate Marit." sambit naman ni William. At sinamaan naman siya ng tingin ni ate Marit.

"Hay naku Baby. Tumigil kana." sambit ni Lizzy habang hawak hawak niya sa tenga si William.

"Alam niyo Guys. Nandito tayo para kay Drey at Marion ha? At sa pagkapanalo nila." pagpapaalala naman ni Jake.

"Ah. Edi Cheers! Para kay Marion at Drey!" sigaw ni Marlon.

"Cheersss!!" sigaw naming lahat.

"Okay para mas lalo tayong sumaya. Let's Do the Spin the battle" pang-aaniyaya ni Marlon.

"Sige Game!" sambit namin lahat.

Pinaikot na ni Marlon yung bote at tumama naman ito kay Drey. Napadako lahat ng tingin kay Drey.

Bigla naman ako napatingin kay Drey at hindi ko alam nakatingin din pala siya sa akin. Kaya biglang bumilis tibok ng puso ko.

"Gusto mo ba si Marion." tanong ni Marlon. Na ikinagulat naming lahat. At lalong lalo na ako. Bat naman yun ang tanong? Tinigna ko yung boys pero wala lang reaction yung mga boys. Parang may mali ha.

Hindi sumagot si Drey.


"Uulitin ko. Gusto mo ba si Marion." at biglang tumingin sa akin si Drey. At napaka seryoso na ng mukha niya.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.


"OO"

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon