"Babe? Ayos ka lang ba?" sambit sa akin ni Yohan.
"Ayos lang. Masama lang siguro pakiramdam ko." sambit ko at humiga sa kama.
"Ah ganun ba? Sige magpahinga ka na diyan. Ako na ang magluluto dito."
"Sigurado ka ba diyan?"
"Oo." at nginitian niya ako at sabay kinissan sa ulo.
Naglakad na siya paalis at ako naman nahiga na. Pipikit na sana ako ng biglang tumunog yung cellphone ko.
Agad ko naman ito tinignan.
From Unknown Number
Magpahinga ka. :)
-MDM
MDM? Sino kaya ito? Hindi ko alam pero nagreply ako sa kaniya. Wala naman sigurong masama ano? Di ko nga alam kung babae na siya o lalaki eh.
To MDM
Thank you :)
Sent 4:37
*beep*
From MDM
Welcome ;)
To MDM
:)
Sent.
*beep*
From MDM
Siguro designer ka no?
To MDM
Hala? Paano mo nalaman? Stalker ba kita?
From MDM
Hahaha. Kasi simula ng dumating ka, nagkadisenyo na ang buhay ko. ;)
To MDM
Hahaha. Ang Corny mo. Siguro lalaki ka ano?
From MDM
Pick up lines ba yan? Bakit?
To MDM
Wala lang. Halata ko. Hahaha. Hindi to pick up lines.
From MDM
Ah akala ko lang. Sakit pala umasa. :(
To MDM
Hindi naman. Minsan kailangan mo lang tanggapin na wala na talaga.
From MDM
Paano? Mahal ko parin siya eh. Mahal ko pa yung babae na yun.
To MDM
Edi kung mahal mo, ipaglaban mo.
From MDM
Mukhang kahit na anong gawin ko. Ayaw na niya.
To MDM
Malay mo nahihirapan lang siya o kaya nasasaktan kaya siya naging ganun.
From MDM
Basta mahal na mahal ko yung babae na yun kahit na ikakasal na ako sa iba.
To MDM
Hahaha. Para ka din yung Ex ko. Ayun ikakasal na rin sa iba. Ano pa bang magagawa ko? Eh ikakasal na siya? At sa dati ko pang kaibigan na kasurname ko. Hahaha. Screw my life.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Enemy
RomanceMargarette Marion Fortalejo, one of the richest lady in the whole word. But even though she has the world and the wealth, she still miserable because of her ex Jack. One day, he met a young man Drey, who has a twin brother Yohan. Marion thought that...