Chapter 27: Ella

192 10 3
                                    

Marit's POV:

"Asan si Drey?" tanong sa akin ni Ella. Yung kapatid ni Marion. Kami kami lang ang may alam na magkapatid si Marion at Ella. Kami ninda Drey at Yung mga kaibigan niya at ang pamilya ninda Marion at Ella.  Pero hindi nila alam yung dalawa.

"Ahm musta na? Kailan ka ulit babalik sa states?" pagtataray ko.

"Hay. Wag mong ibahin ang usapan. Asan si Drey?" pagtatanong niya. 

"A-ahm. Wala may pinuntahan." sagot ko.

"Saan nga?"pasigaw na niyang sabi.

"Alam mo pwede manahimik ka nalang bago pa kita mahampas ng dos por dos. Atsaka wag mo ng hanapin ang taong wala namang balak bumalik sa buhay mo." sagot ko. At halatang naasar siya sa sinabi ko.

"G-gusto ko lang naman makipag-ayos sa kaniya" sambit ni Ella.

"Makipag ayos? Sigurado ka ba? Sa tingin mo babalikan ka pa niya? Matapos mo siyang iwan at ipagpalit sa iba?" sambit ko at nataas na ang boses.

"Hindi mo naiintindihan."

"Hindi ko talaga maiintindihan. Kaya kung pwede? Umalis ka na. Baka masipa lang kita sa pagmumukha." sambit ko at naglakad na siya palabas.

******************
Marion's POV

"Goodmorning Class" sambit sa amin ni Sir.

"Goodmorning Sir" bati naming lahat.

"Okay. Class. Ngayon may bago tayong student From Blizzard Academy." sambit ni sir. At may pumasok na babae. At parang artistahin pa ang dating niya.

"I'm Ella -"

"Bat pa kaya siya lumipat? Edi ba yun na yung pinakamagandang university dito?" sambit ng kaklase ko. At hindi ko na nakinig yung Surname nung Ella. Dahil nabaling ang tingin ko dun sa dalwa kong kaklase. 

"Okay. Take your seat Miss Fortalejo" sambit ni sir. Ako ba ang sinasabi ni sir?

"Po?" tanong ko kay sir at tumayo nagtinginan naman lahat sa akin.

"I mean miss Ella." sambit ni sir. Hala? Ang gulo.

"Eh. Sir ako lang naman po ang Fortalejo dito." sambit ko.

"Ahm. Miss Marion. Fortalejo din kasi si Miss Ella. Hindi mo ba narinig yung pagpapakilala niya kanina? Malay mo magkamaganak pala kay-"

"Sorry sir I'm Late." sambit ng isang lalaki at si Drey yun. Nang makita niya si Ella parang nagiba ang timpla ng mukha niya. May something ha.

"Okay. Take your seat." at nagsimula ng magdiscuss si Sir.

***************
"Cous tara na nagugutom na ako." sambit ni Ara.

"Sige. Sabi ko" at sumama naman saamin yung dalawa.

Pumunta na kami sa lagi naming pinagtatambayan.

*beep beep*

At napatingin naman ako sa cellohone ko. Kaya binuksan ko ito at may nakita naman akong text galing kay Coach.

From: Coach

Marion, meron tayong competition bukas. Kaya kailangan maghanda ka na.
See you tomorrow.

At pagkatapos kong basahin binalik ko na agad yun sa bag ko.

"Oh. Bakit? sino nagtext?" tanong sa akin ni Lizzy.

"Ah wala si Coach. May Contest kasi kami bukas."

"Contest saan?" tanong ni Mica

"Sa swimming"

"Eh. Diba kasali dun si Drey?" tanong ni Ara.

"Kaya nga. Kaya nga wala na akong mukhang ihaharap." sambit ko sabay taklob sa mukha ko.

"Ahm. Btw. Nakita niyo ba yung nakita ko kanina?" sambit ni Lizzy.

"Ha? Nakita ang alin?" tanong naman naming tatlo. May nakikita siya na hindi namin nakikita? Hala?

"Yung babae na kasurname ni Marion. Actually. Kamukha nga siya ni Marion eh." dagdag ni lizzy.

Kamukha ko? Hindi ko napansin yun ah.

"Kaya nga. Napansin ko din yun." singit ni Mica.

"Atsaka yung reaction ni Drey nung nakita niya yung Ella ba yun?" dagdag ni Lizzy.

"Para ngang may something sa kanila ramdam ko." sambit ko naman. "Btw. Asan na nga pala sinda Drey?"

"Awan ko may pupuntahan daw sila eh." sagot ni Mica.

Napatingin naman ako kay Ara. Para kasing natahimik siya.

"Cous may problema ba?" tanong ko sa kaniya. At tumingin siya sa akin na parang namumutla.

"A-ayos lang ako. Walang problema" sambit ni Ara. Sabay ngiti ng mapakla.

"Natatae ka ba bestfriend?" pangaasar ni Mica kay Ara.

"Tumigil ka nga diyan. Natatae bagang." at binato ni Ara ng tissue si Mica.

"Hay naku. Tigilan niyo yan. Pero alam mo. May something siguro yung dalwang yun eh." sambit ni Lizzy.

"Malay mo naman dati lang." sambit ni Ara. Kaya napatingin kaming tatlo sa kaniya habang nakataas ang kilay.

"I mean. Malay niyo. Akala niyo. Akala na may something sa kanila pero wala naman pala. Wag kasi muna tayo magsalita ng tapos" pagpapaliwanag ni Ara.

"May point si Ara." sambit ni Lizzy.

"Kaya ng-" naputol kong imik. Dahil may nagbuhos sa akin ng Juice. Ang bilis ng pangyayare ha.

"Whoaaaaaaaa" sigawan ng mga estudyante sa canteen.

Tinignan ko naman kung sino ito at si Jasmine lang pala. Tumayo ako at sinampal niya ako.

"Alam mo? Napaka galing mo no? Porket ikaw na yung Mistery Girl ni Drey kala mo maaangkin mo na siya. Pero sorry ka ako parin ang gusto ni Drey." sambit ni Jasmine.

Susugod na sana yung tatlo kaso pinigilan ko lang sila. Halos lahat ng tao nakapalibot na sa amin. Hindi naman ako papayag na saktan saktan lang niya ako.  Kailangan ko pa rin lumaban.

Tumingin ako kay Jasmine at nginitian ko siya ng nakakaasar. At nagulat naman siya at halatang naasar.

"Sa tingin mo nasaktan ako sa sampal mo? Bat di ka ulit sumampal ng mas malakas para maramdaman mo naman tong nagiinit kong palad?" sambit ko habang nakangisi.

"Aba nasagot ka ha" sasampalin na niya ako pero nahawakan ko agad yung kamay niya sabay sampal ng sobrang lakas sa mukha niya at nagulat naman ang lahat. Kilala din kasi dito si Jasmine eh.

"Alam mo? Kung gusto mo si Drey. Sayong sayo na. Isak sak mo si Drey sa napakaitim mong budhi, sa retokada mong mukha, sa napakasama mong ugali at sa pagtatapang tapangan mo na takot naman pala. Atsaka isa pa. Bat ka galit na galit sa akin. Dahil ba ako yung Diyosa at ikaw yung impakta? Kaya pala ikaw yung naghahabol kay Drey eh hindi siya. Hindi naman kasi ako yung katulad mong babae na nanghahabol sa lalaki. Dahil tandaan mo ang lalaki ang naghahabol sa Diyosa. Pero ang impakta na katulad mo kahit anong gawin hindi hahabulin ng isang lalaki na katulad ni Drey." sambit ko at natural na napanganga si Jasmine.

"Alam mo ngayon lang to. Pero alam kong pagbabayaran mo to"sambit ni Jasmine at naglakad na palayo.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon